CHAPTER 3

250 11 5
                                    

CHAPTER 3

TITIG na titig parin ang dalawa sa isat isa. Si Mikhael na hanggang ngayon ay na hahalina parin sa gwapong mukha ng lalaking naka bangga sa kanya.

Sa kabilang banda naman ay mas lalong bumulis ang tibok ng puso ni Erwin dahil nasilayan niya na sawakas ang kulay ng mata nito. Kulay berde nitong mata na hindi niya pagsasawaan.

At unti unti ring tumigas ang kanyang sandata. Dahil nasilayan niya na naman ang taong nagpabuhay sa kanyang dugo at nagpasabik sa kanyang alaga.

"Anyare dito" ani ni Marian sa dalawa.

Naputol ang titigan ng dalawa at doon bumalik sa isipan ni Erwin na may hinahabol ng apala siyang magnanakaw.

"Oh shit! I'm sorry for what happened I need to catch the thief, by the way, nice meeting you" ani ni Erwin at bigla nalang tumakbo sa may eskinita.

"Mic Mic ano yon ha may pa higa higa pa kayong nalalaman" panunudyo ng kanyang kaibigan, tinusok tusok pa nito ang kanyang tagiliran.

"Nabangga niya ako, ano kabang babae ka ang dumi dumi mo mag isip" pag dedepensa niya sa sarili.

"Kaya pala pero infairness dai ang gwapo ng pulis nayon, siguro daks rin yon, kase pag pulis daw daks daw" naka tikim naman ito ng pitik sa noo dahil sa malalaswang lumalabas sa bibig nito.

"Halika na nga kung ano anong pumapasok dyan sa kukuti mong babae ka" aniya at hinatak na ang kaibigan papasok.

Pinag sa walang habala nalang ni Mikhael ang nangyari kanina at nagpukos lang sa gala nilang magkaibigan.

Masaya silang kumain sa restaurant dahil puro kwelang banat ang ibinahagi ni Hector. Aliw na aliw sila sa mga banat nito.

Nawala rin naman ang ilang ng kaibigan niyang si Robert kay Hector dahil sumasabay na ito sa mga banat.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta sila sa arcade dahil na mi miss na nilang mag laro, hindi naman kumontra si Hector bagkus ay masiyahan pa ito dahil minsan lang rin siyang pumunta sa arcade yon ay noong bata pa lamang ito.

Puno ng kulitan ang apat nang nasa arcade na sila. Ibat ibang laro ang kanilang sinubukan at ang huling laro nila ay ay ball shooting.

Paligsahan silang apat, paramihan ng ma shoot na bola sa loob ng limang minuto.

Pagkatapos nilang apat mag ball shooting ay hindi na sila na gulat pa kung sino ang may mas pinaka maraming puntos at iyon ay si Hector kasunod nito si Robert at si Marian siya ang may kauniting na shoot na bola kaya maliit ang kanyang puntos.

Ang huli nilang pinuntahan ay sa park. Tumambay sila doon ay nanonood sa mga batang naglalaro.

Napagpasyahan ng apat na umupo sa bench ng park at pinanood nila ang mga taong may ibat ibang ginagawa.

Sa alala ni Mikhael ay minsan lang sila maka pasyal sa parke ng pamilya niya dahil nasa probinsiya sila. Malayo sa sibilisasyon ang kanilang lugar kaya wala itong parke.

Nakaka luwas lang sila ng bayan pag nagbibinta ng inaning palay ang kanyang ama at sumasama silang magkakapatid at doon lang sila nakaka pasyal sa parke.

Parke agad ang unang lumalabas sa bibig niya at ng kapatid niya dahil maraming mga bata roon na naglalaro kaya bawat may ibibintang ani ang kanyang ama ay sumasama silang magkakapatid.

"Ang lalim ng iniisip mo ha, yong poging pulis no" ani ng kaibigan niyang si Marian at tinusok tusok naman ang kanyang tagiliran.

"Magtigil ka nga bruha ka, iniisip ko pamilya ko" aniya at pilit na iniiwasan ang patusok tusok nito sa kanyang tagiliran dahil sa malakas ang kanyang kiliti doon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Escaping Mister Policeman [BXB] [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon