Chapter 2 Rule and Contract

12 0 0
                                    

Aleshia's point view:)

Gumising ako nang maaga para maipaghanda ko sila mama ng almusal.

Pag katapos kong iligpit lahat at pagkatapos kong gawin ang paghihilamos at pag mumug, patakbo akong lumabas ng kwarto ko..hahaha excited kasi ako.

Nang marating ko ang kusina agad kong hinanap lahat ng gagamitin ko para sa pag luluto.

Nag prito ako ng itlog, nagsangag ng kanin , at nag pakulo ako ng tubig.

Pagkatapos kong mag luto at mag pakulo, inihain ko na sa lamesa lahat, nag timpla narin ako ng kape para kila mama, mag aalas sais.na kasi.

"Mama , papa gising na handa na ang agahan." Sigaw ko mula sa labas ng kwarto nila.

"Andyan na anak, mauna kana susunod na lang kami ng papa mo." Dinig kong sagot ni ma.

"Sige po." Masayang wika ko.

Mayamaya pa nakita kong palabas na ng kwarto sila mama, nakangiti sila pareho ng matanaw ako mula sa kusina. Siguro iniisip nila kung bakit ko naisipang magluto ngayon.

"Good morning pa, ma." Nakangiting bati ko sa kanila.

"Aba bakit ang saya mo ata anak ngayon?" Mapang asar na tanong ni papa.

"Papa naman e,." Naka simangot na sabi ko.

"Hahaha ano kaba anak, wag mong pansinin yang papa mo." Sabat ni mama.

"Ahh ma, pa may sasabihin po sana ako, sana wag po kayong magalit." Seryusong wika ko. Dahilan para mapatitig sila sa akin. Ano na naman kaya ang iniisip nila.?

"Anak Wag mong sabihin na buntis ka." Seryusong wika ni mama,ang oa, pero di muna ako nag salita hinintay ko kasi kong anong sasabihin ni papa. Alam kung pareho sila ni mama.

"Anak saan ba kami nag kulang ng mama mo.?" Seryuso ring tanong ni papa. Sabi ko na nga ba.

Nang mapansin kong gulong- gulo na sila, at si mama naman panay ang tingin sakin ng masa, hay nako naman,hindi pa nga ako tapos e.

"Ma Pa!" Sigaw ko para matigilan sila sa pag iisip ng kung ano at sa oaguging over reacting.

"Mama, papa, di po ako buntis ." Mahinahong sabi ko, kaya medyo nagbago ang ekprasyon nila.

"E Anong sasabihin mo na dapat hindi kami magalit ng papa mo.?" Tanong ni mama habang nakataas ang kilay.

"E ano po kasi.." Tahimik silang nakikinig sakin inaantay ang susunod kong mga sasabihin.
"May nanghihingi po ng tulong ko. At ang tulong po na hinihingi niya ay, ang maging Fake girlfriend niya ako." Kinakabahang aniko. Alam kong magagalit sila saakin lalo na't malalaman nila ngayon na pumayag na ako. Pero hindi ko pa nasasabi sa lalaking yun. Bakit ba kasi ako pa? Paano kung hindi pumayag ang parents? Well mas better nga diba? At least hindi ako mahihirapan kung ganon.

"O anong sinabi mo, pumayag ka ba.?" Tanong ni papa.Alam kung susuportahan ako ni papa kung ano man ang magihing disisyon ko, but si mama? Hindi ko masasabi.

"Hindi pa po, kasi di pa ako nakakapag paalam sainyo ni mama." Hindi pa talaga ako official na payag kasi nga iniisip ko sila ni mama.

"So anong plano mo.?"

"Kung papayag po kayo, papayag narin po ako sa hinihinging tulong niya." Masuyong sagot ko.

"Sige payag kami ng mama mo basta, kailangan fake lang ah? Pag nagkatotohanan kayo, sabihin niyo samin. Maliwanag ba.?" Saad ni papa. Hindi ko narinig si mama na magsalita about sa sinabi ko,kaya medyo kinabahan ako.

In Hes Arms (On Going)Where stories live. Discover now