Kabanata III

15 0 0
                                    

Kiss


The whole ride was awkward. Parang gusto ko nalang magtulog-tulugan. But my stomach won't let me. Kanina pa ako nagugutom dahil hindi naman ako nakapag-almusal kanina.

Kumunot ang noo ko ng makitang magda-drive thru si Isaiah sa Mcdo. Tinignan ko siya but he's to focused on driving.

"What do you want to eat?" biglang tanong nito

"I'm not---"

"And please don't tell me na hindi ka gutom. Narinig ko ang tiyan mo kanina"

I sighed, well gutom na rin talaga ako, "Chicken fillet, burger, spaghetti, sundae, and fries"

"So yan ang hindi gutom?"

Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sinabi niya. Dahil doon ay unti-unting nawawala ang awkwardness na kanina pa nakapalibot sa aming dalawa.

After we drived thru, sinimulan ko na ang pagkain. Hindi ko alam kung paano ko naubos ang Chicken fillet at spaghetti in just a couple of minutes. Siguro ay sobrang gutom lang talaga ako. I was down with my fries while dipping it to the sundae ng mapatingin ako sa gilid ko.

The food that Isaiah ordered for himself is still there. Hindi pa nagagalaw. Tanga ka ba Helena, of course, he can't eat that, he's driving.

I took a fries and dipped it on the sundae tsaka ko ito itinapat sa bibig niya, "Open your mouth"

Saglit na napatingin sa akin si Isaiah bago ngumiti at sinubo ang fries

"Kung mag-stop muna kaya tayo? Para makakain ka na"

"No it's---"

"And please don't say it's fine, because it's not"

He chuckled. Naghanap lang siya ng malapit na parking lot at doon kami tumigil. Binuksan ko agad ang inorder niya at inabot sa kanya. Kinain niya agad yun without saying anything. Mukhang gutom nga talaga siya. Buti nag-suggest ako. Knowing Isaiah, hindi niya sasabihin na mag-stop muna kami dahil gusto niyang kumain, he would go all the way.

Dahil sa pagmamadali niyang kumain ay nabulunan pa siya kaya mabilis kong iniabot ang bottled water sa kanya. He muttered his thank you and continued eating.

Pagkatapos niyang kumain ay nag-simula na siyang mag-drive. He said that he doesn't want me to be late for my photoshoot, but being late is fine with me. Bahala sila doon.

As soon as makarating kami sa venue ay tumatakbong lumapit sa kotse si Marcus kahit hindi pa nakakapag-park ng maayos si Isaiah. He opened the door for me and i stepped out, muntik na akong matapilok dahil sa biglaang paghila sa akin ni Marcus

"The fuck Marcus? Muntik ng matapilok si Leena!" Isaiah shouted

Saglit na tumingin si Marcus sa kanya, "Yeah, I love you too"

Napairap nalang ako dahil sa sinabi niya. Malandi! I saw how Isaiah's face become weird kaya natawa ako bigla pero madali din iyong natigil ng titigan ako ng masama ni Marcus.

"Bakit ba? Anong problema mo?!"

"Kausapin mo ang Kuya mo! He's so fucking hard headed!"

Napakunot ang noo ko, "Ano? Ano bang nangyari?"

"Just so you know this is all your fault! Kung hindi ka na-late, hindi maghahanap ng substitute ang photographer! Edi sana hindi nagalit ang Kuya mong may mensturation!"

Gusto kong matawa dahil sa itsura ni Marcus but i know he'll be mad at me so i tried to suppress it, "Okay, i'll talk to him. Nasaan ba siya?"

"Nandoon siya sa ni-rent na resthouse. Talk to him Helena dahil ayaw niyang i-continue ang shoot!"

Chasing HeartsOnde histórias criam vida. Descubra agora