Chapter 9

245 74 6
                                    

Sapphire's Point of View

"Prepared huh?" pa'no ba naman may dala si Cayd na chart para daw hindi madumihan ang suot namin. Improvise blanket haha, picnic lang ang peg.

Nilatag na ni Cayd 'yong chart sa damuhan malapit sa isang puno.

"Gano'n talaga, ang mga gwapo laging handa." pasalamat s'ya gwapo talaga s'ya.

"Hahaha upo na!" ano kayang I do-drawing ko? Sumandal muna ako dito sa puno tsaka nag isip.

"I-Drawing kaya natin 'yong picture natin na, naka oppa-heart tayo?" oo nga noh? Bakit hindi ko naisip yon?

A/N: Iba ata iniisip

Mema si author.

Buti na lang naibulsa ko 'yong cellphone ko, pwede ng magpa share-it.

"Share-it mo sa'kin 'yong picture natin." halatang nagulat si Cayd, Luh? wala ng karapatan magka-cp?

"May cp kana?" Tanong ni Cayd, 'yong tono n'ya is naninigurado kung tama ang rinig n'ya.

"Oo, pinadala ni papa, regalo n'ya daw para sa birthday ko." Advance birthyey gift.

Pinasa na n'ya lahat ng picture namin sa cellphone ko remembrance daw.

Nag umpisa na kaming mag-drawing.

Mga 30 minutes na akong naka-upo kaya medyo nangawit na ako. Iginalaw ko ang katawan ko at ulo. Nilingon ko sa kanan ang ulo ko sabay sa kaliwa nam-----.

Napa iwas ako ng tingin.

Pagkalingon ko kasi sa kaliwa------ nagtama ang paningin namin ni Adriele.

Bakit s'ya nakatitig sa akin!?

Take note! Wala s'yang kasama!
lonely ang peg?

After 1 hr.

"Yes! Tapos na!" sabay pa kaming nag usap ni Cayd kaya natawa kami.

"Balik na tayo, 10 minutes na lang time na." 2hrs kasi kada klase 'yong kapag major subject.

"Tara na!" niligpit ko lang ang kaonting pinagkilusan at iniwan na namin ni Cayd 'yong chart at naglakad pa balik sa room.

*. *. *. Room *. *. *.

"Nakagawa ba ng assignment nasulat ang lahat!?" tanong ni Lao este Mrs. Lao, meron ako niyan.

"Naku naka limutan ko!"

"Hoy! Pakopya nga!"

"Lolz! Wala rin akesh"

"Hindi ikaw ang kinakausap ko bakla"

Bulungan ng mga kaklase ko.

"Meron ka Cayd?" baka nakalimutan din n'yang gumawa.

"Oo naman yes! Ikaw?" cute cute talaga.

"Oo naman yes!" Gaya ko sa sinabi nya.

"Quiet! Lahat ng merong gawa maiwan sa room, lahat ng wala sumunod sa akin." sigaw ni Mrs. Lao, lumabas na lahat ng kaklase namin at kasama do'n ang paladins.

"Nice dalawa lang tayo, ang sipag talaga natin." Ani Cayd yeah!

"Cayd? Ano pa lang ugali no'ng Rosaine?" medyo hindi nakwento sa akin ni Cayd 'yong ibang detalye, eh. Sabi n'ya lang mag ingat ako.

Catastrophe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon