Paano nga ba ang magmahal? At mahalin? Gano'n ba kahirap? Kaya may mga taong nagmamahal ng maling tao. At Hindi marunong mahalin ang taong umiibig sakanila. Baka kasi mahirap nga talaga.Sabi ng iba, mahalin mo ang isang tao para mahalin ka rin.
Sabi ko naman, mahalin mo ang isang tao at huwag umasang mamahalin ka rin.
Gano'n naman kasi talaga. Hindi ibig-sabihing mahal mo siya ay mahal ka na rin. Hindi naman kasi laging mutual.
Wala namang masasaktan kung pareho ang nararamdaman.
Love is everywhere daw.
Tama naman.
Love of family. Love of friends. Self-love.
But love from the someone you love?Hindi mo makikita kung saan-saan lang.
You can't find it everywhere. Lalo kung tinatago niya 'to... sa'yo.
At secured niya 'to.
It's okay kung sa'yo mapupunta ang pag-ibig na 'yon pagdating ng panahon kasi worth it ang paghahanap at paghihintay.
But what if...
Hindi pala?
Masakit di'ba? Gan'yan talaga.
Walang kasiguraduhan pero handang magrisk sa ngalan ng pag-ibig.
Pero tandaan,hinay-hinay lang! Oo, life is short at time is gold pero wala naman humahabol sa'yo. Baka mahulog pa iyang puso mo at masaktan lang sa kamamadali mo.
Tandaan ulit! Iisa lang ang puso natin kaya dapat na ingatan.
Kapag magmamahal tayo. Huwag nating ipagkait sa sarili ang salitang pag-asa. Habang may Buhay may pag-asa. Pero Huwag sosobra!Ikasasama ng pakiramdam niyo 'yon.
BINABASA MO ANG
In This Circular Love [Infinity Love Series #2]
ChickLit[ C O M P L E T E D ] Paano magkakatuluyan ang dalawang tao na pinaiikot lang ng tadhana? Dalawang tao na laging hindi nagtutugma. Dalawang tao na pinaglalaruan ng pag-ibig. Mabibigyan nga ba ng pag-asang magmahalan? In this Circular love [Infinity...