Ano nga ba ang tamang piliin?
Mahal mo o mahal ka?
Mahirap talagang pumili. Lalo na kung stuck ka sa dalawa o sobra pang choices. Kailangan mo ng maraming brain cells paro talaga makapagdesisyon.
Hindi kasi pwede na 'mini-mini mayni mu,sino sa inyo ang pipiliin ko? 'Too risky ang pagdedesisyon ng mga ganitong bagay kaya dapat take it seriously. Lalo na kung ganito ang pagpipilian: Mahal mo o mahal ka?
Dapat talagang piliin mo ang mas matimbang. May involve na feelings kasi kaya kailangan mas doble ingat.
So ito nga, sasabihin ko sa inyo kung ano ang pipiliin ko pero ipakikita ko rin naman kung ano ang side ng isang choice.
Mahal ko o mahal ako?
Ipatugtog niyo na rin ang 'Mahal ko o mahal ako' na kanta ni Soul supreme Kz Tandingan. Talagang magiging feel niyo na parang kayo talaga ang nagdedesisyon.
Well, let's back to our topic. Mas pipiliin ko ang mahal ako, para sa'kin lamang ito ha. Alam niyo kasi hindi lahat ng mahal mo ay mamahalin ka rin. Oo nga, may kasabihan na kung talagang mahal mo, mahalin mo lang kahit na alam mong hindi niya maibabalik ang pagmamahal na ibinibigay mo sakaniya. In other words, 'wag kang umasa. Pero duh?Hindi maiiwasang umasa ka na mamahalin ka rin niya pabalik,natural na atang umasa tayo. Kaya nga maraming nasasaktan dahil sa kaaasa na mamahalin din sila.
Kung meron namang tao na mahal ka saka worth it at deserve rin naman siyang mahalin pabalik esi bigyan mo siya ng pagkakataon. Malay mo mamahalin mo rin siya ng sobra pa kaysa sa mahal mo noon. Ito ang dapat piliin kung hindi ka naman kaya mahalin ng mahal mo. Para rin naman sa inyo 'to. Para hindi ka na masaktan pa at ang nagmamahal sa'yo pati na rin ang minamahal mo ay magiging malaya na dahil wala ng umaasa sa kaniya.
Buti sana kung mutual ang feelings niyo, 'yun bang mahal niyo naman ang isa't isa kaya walang problema pero kung hindi naman edi move on 'diba?
Totoo nga naman ang kasabihan na hindi mo matuturuan ang puso mo kung sino ang dapat na mahalin nito pero ang utak mo kaya 'yan. Be practical. Kung 'yon naman ang mas makabubuti 'diba? Kung 'yun ang mas magandang piliin para sa lahat edi piliin mo ang mahal ka. Hindi naman matatawag na ginawa mo lang siyang rebound kung ang intensyon mo naman ay ang bigyan siya ng chance para mahalin.
Iba-iba naman tayo kung paano pumili. Ang choice ko ay maaaring hindi iyon ang gusto niyo pero tandaan palagi, choose wisely. Think a million times before deciding.
-sammysaav
°•°•°•°•°•°•°°•°°
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero nasisilaw ako sa liwanag ng araw na nanggagaling sa may bintana.
Gosh!
Kainis talaga kapag may hang-over. Aga-aga mababadtrip ka kaagad.
Napahawak ako sa ulo ko na parang mabibiyak sa sobrang sakit.
BINABASA MO ANG
In This Circular Love [Infinity Love Series #2]
Literatura Feminina[ C O M P L E T E D ] Paano magkakatuluyan ang dalawang tao na pinaiikot lang ng tadhana? Dalawang tao na laging hindi nagtutugma. Dalawang tao na pinaglalaruan ng pag-ibig. Mabibigyan nga ba ng pag-asang magmahalan? In this Circular love [Infinity...