Chapter 4

6 0 0
                                    

Kath's POV

Pag dating namin sa bahay nila, wala din ang Mommy niya.

Dumeretso na ko sa kwarto niya at inayos un gamit ko.

Oo guys, pag dito ako tutulog magkatabi kami. Kahit naman sa bahay e, meron na siyang sariling towel, toothbrush, at kung ano ano pa sa kwarto ko, pati na din ako dito sa kwarto niya. Siguro ang pinagkaiba lang namin, yun kwarto ko puno ng pictures namin dalawa, pero un kwarto niya? Hmm. Plain lang siya, at isang picture frame lang ang nakalagay. Yun ay yun picture nila ni Zharm nung prom.

Naalala ko na naman yun kanina, Oo bestfriends kami. Dapat sanay na ko sa mga kinikilos niya, dapat hindi na ako nasasaktan. Kung natuturuan lang siguro ang puso.

Pagkatapos kong ayusin ang gamit ko, napakinggan ko na parang may nabangga sa labas. Agad agad akong bumaba at nakita ko si Tita Karla, at mukhang may inom din siya.

"Ma! What happened?"

Nagulat naman ako nang biglang sumigaw si Dj. Hinanap ko ang bagay na tinitingnan niya, at dun ko napagtanto na nabangga pala ni Tita si Jolo, yun kotse niya.

"Oops, sorry anak. Di ko kasi napansin e. Sa'yo ba 'to? Hayaan mo na, mukhang luma na naman e.."

Dun ko nakitang nag-ikom ang kamay ni Dj, nagpipigil siya.

Nang papasok na si Tita Karla ay nakita niya ko.. At ikinagulat ko ang sinabi niya..

"O eto, andito pala bestfriend mo oh. Paayos mo na lang sa kaniya sasakyan mo. Naayos naman niya lahat ng problema mo diba.."Halata mong lasing talaga siya, dahil sa pananalita niya.

"Mom, STOP IT!!" Nagulat na naman ako sa isa pang sigaw na pinakawalan ni Dj.

Dahil don, nakita kong biglang nagbago ang expression ng mukha ni Tita Karla.

"Bakit? Diba tama naman? E nadaig pa ko netong bestfriend mo sa pagiging nanay sa'yo e."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, umalis ako sa bahay kasi ayokong makaramdam ng ganito.

Hindi ko na narinig pa ang sunod pa nilang usapan dahil agad agad akong tumakbo pa-akyat sa kwarto ni Dj.

Sa hindi ko alam na dahilan, tinawagan ko si Julian.

"Hey.."

"O what happened? Umiiyak ka ba?"

"Baliw, hindi sinisipon lang ako.."

Hindi na siya umimik pa, ano ba 'to? Sa personal tahimik, pati ba naman sa phone?

"Uhm, gawa mo?"

"Baka kausap ka." Tipid nyang sagot.

"Umayos ka naman please."Pagmamaktol ko sa kaniya.

"O ano ba kasi?"

"Kan--ta--han mo ko pw--ede?"Pautal utal kong sabi sakaniya.

Napakinggan ko naman ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.

Aish, pinagtritripan yata ako neto e.

" Bahay Kubo, kahit munti.."

Hindi ko na siya pinatapos sa kinakanta niya, dahil naiinis na ko.

"Aish, wala ka talagang balak magseryoso no?"

"Wow ha, pag seryoso sasabihin mo suplado. Hirap mo din intindihin e no?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The story of us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon