Chapter 2

13 0 0
                                    

Daniel's POV

Tingnan mo tong babaeng to, nag-iimagine na naman.

Ganyan yan e, kapag may gusto siyang mangyari sa moment na yun, iimagine niya. Paano ko nalaman? E yun itsura niya kasi mukhang timang na naman.

"Huy manang! Ano na naman iniisip mo? Siguro iniisip mong ako ang nagbibihis sayo sa loob no."

Haha, aba at ang manang namula. Teka, wag muna kayo kiligin dahil yan sa sobrang inis.

Asa pang magblush yan sakin, tomboy nga ata yan e. Haha!

"Ini-imagine ko lang, paano kaya kung ang saya saya natin ngayon, tas mamaya bigla mong makikita si Z, nakabalik na pala siya."

Direderetso niyang sabi, at natigilan naman ako dun.

Oo, mejo affected pa din ako. Pero ewan, wala na naman siguro. Yan lang naman si manang ang nag-iisip na patay na patay ako dun.

"Epal ka talaga."

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"O game na. What do you think? Okay na ba 'to?"

Pffffft. Nakakatawa itsura niya, haha. Oops don't get me wrong nakakatawa kasi habang pinapakita niya halatang halata mong naiilang sya at nahihiya.

Pero ang ganda niya, bagay sa kaniya. Di na siya mukhang manang.

"Okay na yan, pwede ng patyagaan."

Asar ko sa kaniya. Hahaha! Init na naman tenga niyan.

"Che!"

"Miss eto na lang po kunin ko."

Sabay bigay niya dun sa sales lady nung napili niyang damit.

Srsly? Maganda naman talaga siya e, kahit morena. Tapos ang bait bait, at marunong makisama. Ewan ko ba jan hindi lang marunong mag-ayos.

"Bal, matagal pa ba yan? Kaen muna tayo."

Yaya ko sa kaniya.

Nga pala, bal talaga tawagan namin niyan. Simula kasi nung nagkakilala kami lagi na kaming magkasama, parang kambal na.

"Takaw mo talaga! Work out workout din, tsaka diet, laki na ng tyan mo brad e. Hahahahaha!" Naka-isa tong babaeng to ah. Mamaya to sakin.

"marunong ka na mag-asar manang ah. Improving."

Haha. At yun happy face niya naging poker face.

Sobrang opposite kaming dalawa nito, as in super. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkasundo. Boring sya minsan, di niya trip yun trip ko. May pagka-rockstar dating ko e, sya manang talaga.

"Bal, wala ka ba balak pumasok dun sa publishing company na yun? Magaling ka naman e."

"Alam mo bal, baka mapabayaan ko lang studies ko. Tsaka look? Malalayo na narating nung mga authors na andun. Tapos ako? Nganga. Diba nakakahiya."

"Alam mo, kung may isang bagay akong ibibigay sayo, yun ay confidence. Masyado mong minamaliit ang sarili mo."

"Wow ha, lalim natin ngayon Mr. Padilla ah. Anong nakaen? Hahahaha!" Tamo to, seryoso ako dito e.

"Nga pala bal, after nito tara sa bahay. Ipapakita ko sa'yo yun bagong bigay na car ni Dad sakin, gusto ko ikaw din una kong isasakay dun."

Sa lahat ng bagay gusto ko laging kay Kath ko unang pinapakita o sinasabi, kasi alam kong totoo yun mga sinasabi niya at tsaka lahat yun na-aappreciate niya. Takot ako mareject e. Kaya nga sobrang nagpapasalamat ako, kasi binigyan ako ng isang Kathryn Bernardo.

The story of us.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon