The secret university by Ashedee 🥀😍
Chapter 2: about the DV University
Naguguluhan na talaga ako."Bakit?isang normal lang naman na university ito tama ba ako?" Tama naman ako diba? Yung estudyante. Yung Buildings .Teka--Yung Arena .
"Sumama ka nga saakin"sabi ni jade
"Huh?"
Hinatak niya ulit ako at muli kaming tumakbo.hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon pero kusang sumunod yung paa ko sakanya. Pumasok kami
sa buildinung saan pinagtitinginan kami ng mga istudyante. Kakaiba yung building walang hagdan kundi elevator. Masyado atang sosyal itong university na ito.Maya maya ay napahinto kami sa harapan ng isang malaking pintuan kung saan may naka sulat na 'De Villia Library' hindi na ako nag tanong pa kaya naman pumasok na siya sa loob at sumunod naman ako
Pagpasok ko ay napanganga agad ako. Parang isang coffee shop pero may mga libro,hindi katulad ng inaasahan ko na puro libro lang ang makikita. Napatingin ako sa gilid ko kung saan may mga newspapers at sa kabila naman ay ang librarian. May mga maliliit din na room gaya ng glass ang pinto kaya kita ko kung anong nasa loob nito,mga istudyanteng nag babasa nakatitig siya saakin kaya naman agad akong umiwas. napansin ko na hindi lang pala siya ang nakatitig saakin kundi ang mga tao na nag babasa ng libro at sumisimsim ng kape. Napalunok nalamang ako
"Pst!Kezz!" Rinig kong tawag ni jade na pilit na hindi nakakagawa ng ingay lumapit ako sakanya. Pinapunta niya ako sa maliit na room,kung saan kami lang ang nasa loob. Isang maliit na sofa at isang coffe table ang madtnan ko "Try mong umupo Kezz baka mangawit ka ehh"
"Ah--"bigla naman akong napaupo sa tabi niya. Hindi ko alam pero lutang na lutang padin ako sa mangyayari ngayon ehh"Ayan"nagulat ako ng inilapag niya ang limang malalaking libro sa table.
"Ano yan?" Takang tanong ko
"Libro"
"I mean?--para saan?--bakit --"
"Para malaman mo kung ano ang De Villia University" sabi niya na ikina laki ng mata ko
"As in lahat yan?!"gulat na tanong ko "Yap"Teka bakit parang andami naman..sobrang dami ko naman babasahin. Hindi naman sa ayaw ko..mahilig naman ako sa libro ngunit napaka dami naman ata niyan. "Nandiyan ang Rules,schedules,name ng mga student,officers at history nitong university.
"Name ng students?bakit kailangan ko bang malaman lhat ng pangalan nila?Gulat na gulat na sabi ko.
"Hindi"
Nakahinga ako ng maluwag
"Pero--"
Inilayo niya yung apat na makakapal na libro at kinuha ang nasa pinakataas binuklat niya ito sabay turo sa nakasulat "Basahin mo ito" seryosong sambit nito at napatingin ako sa itinuro niya.
•Rule number 10-kilalanin ang isat isa.
Napakunot yung noo ko. Seriously? isang malaking kalokohan.
Biglang tumunog ang bell.
"Tara na!" Hinawakan ni Jade yung kamay ko sabay pagtayo ay tumayo rin ako. Bubuksan na niya sana ang pinto pero bigla akong nag salita. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko na ikinatawa niya. " Pati ba naman ito hindi mo alam?. Ano ka ba? Syempre papasok tayo. Tara na!" Sagot niya sa tanong ko.
Hinatak niya ako at lumabas na kami sa library. Teka paano pala yung libro? Hindi ko tuloy matanong kasi madali siya ng madali. Huminto kami sa harap ng isang elevator. May pinidot siya at bigla naman bumukas ang elevator. Agad kaming pumasok sa loob. Pinindot niya ang 11.--- 11th floor?! Nakita ko yung number at hanggang 12 yung number. Napakataas naman ng building na ito. "Hanggang 12 talaga ang floor nito?" Tanong ko
YOU ARE READING
The Secret University
Misterio / SuspensoDe Villa University. Kung saan talino at lakas ang kailangan. Kung saan nakakulong ang mga taong matatalino. Lakas ang ipanlalaban mo sa madugong laro Talino ang iyong kailangan upang mabuhay Isang paaralan kung saan lahat ay sikreto Ngunit ang si...