The Secret University By Ashedee!🥀
Chapter 1:The De Villia University
Kezirah Point of view
Ramdam ko na na may nag bubulungan.
Para akong pinalilibutan ng mga tao gising na ako pero ayaw ko pang bumangon.
"May bago na tayong makakasama"
"Nako may bago nanaman baka mapahamak siya dito hindi niya alam ang tungkol sa unibersidad na ito"
"Teka? Bakit di parin siya nagigising?"
"Anong dipa?"
"Kanina pa gising yan ayaw lang dumilat"
Pag dilat na pagdilat ko halos mapasigaw ako sa gulat.naka yuko sila lahat saakin.naka higa ako sa damuhan.teka nasaan nga ba ako?..
"so youre alive?" Rinig kong sabi ng isang babae na naka taas pa ang isang kilay at nakapameywang sa harapan ko"bago ka dito right?" Napatingin ako sa paligid naka tingin lang talaga sila saakin at patuloy pa rin sa bulungan.hindi ko pinansin yung babae.lumabas ako sa mga nakapalibut saaking estudyante.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.ito naba ito?ang DE VILLIA UNIVERSITY?nilibot ko ang paligid at halos ma panganga at mapalaway ako sa nakikita ko.nasa kalangitan lang naman ako ngayon sa napaka lawak nahalatang soccer field. Tatlong bilding ang nakikita ko.sa left,right at sa harap ko. May nakatingin padin maging sa mga binata ng building.at ang nakakagulat ay yung parang arena na nasa likod ko napakalaki,sobrang laki.Naramdaman ko na nakatingin pa din saakin yung mga istudyante saakin.Nilingon ko sila. Ang suot ng babae ay uniform na sky blue naka tie din sila ng color red.high waist skirt na stripe na sky blue din ang color at naka sock ng color white na hanggang tuhod. May naka takong at may naka flat shoes. Taaray ng school na toh
Tinignan ko yung suot ko. Ganun din pala ang suot ko katulad ng suot ng babae.
"Sabi na nga ehh ikaw yon"rinig kong sabi ng babae ulit.Iniangat ko yung ulonko at nakita ko na naglalakad siya papunta saakin "so..." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Ano bang gusto ng masyadong feeling close na babaeng ito? "Ikaw si Kezira?tama ba?" Pataray niyang tanong.
Hindi ako tumugon ayaw ko sa lahat yung feeling close. Ayoko rin yung pinagbubulungan ako sa walang kwenta kwentang dahilan. Ayoko rin sa madaldal. At higit sa lahat ayaw ko sa maarte.
Tinignan ko lang siya.
Bigla siyang tumawa dahil para ika gulat ko. Ganun din ang mga babae sa likuran niya. Sa tingin ko isa siya sa sikat dito sa school. Ramdam ko naman ehh.
"Binabastos mo ba ako? Binabastos mo ba ang prinsesa ng unibersidad na ito?" Itinaas niya nanaman niya ang kilay niya na sa tingin ko ay drawing lang naman. So prinsesa pala siya dito huh? Wala akong pake. School toh hindi toh Kingdom duuhhh.
"Hindi ka ba talaga mag sasalita. Pipi ka ba?!"pagtataray niya nanaman.
"Hindi" mabilis kong sagot
"Wow. Pilosopo Sumagot." Naiinis na sabi niya.
Gaga pala toh ehh. Nung hindi ako sumasagot naiinis tapos nung sumagot ako naiinis din. Parang buhok lang sa kili kili eh noh ang gulo.
"Lalaban ka ha?" Lalapit na sana siya nang biglang may humarang na isang babae rin" pwede ba Jeyn! Tumigil ka nga!" Sigaw niya
Mabilis ang pangyayari. Nasa likod na kami ngayon ng building. Inalis niya ako sa lugar na yon . pagod na pagod kami kakatakbo."okay ka lang?"tanong niya saakin ramdam ko na hinihingal pa din siya. Tinigna ko lang siya "huwag kang mag alala pwede mokong maging kaibigan"dugtong niya kasabay ng kanyang ngiti
"Ako nga pala si Jade. Jade Vallerian. Ikaw si Kezirah diba?"
Kanina ko pa napapansin paano ba nila nalaman pangalan ko ehh nihindi nga ako nag sasalita at di pa rin ako nag papakilala. Ano bang nangyayari bat ako napunta dito? Wala akong matandaan"Ehem" pagbasag niya sa pagiging tulala ko.Napatingin ako sakanyan. Pwede ko naman siyang tanungin diba? " Ahhmmm,paano ba ako napunta dito?" tanong ko na ikinatawa niya. Anong nakakatuwa?.Weird naman nitoh.
"Bakit ako tinatanong mo?"matawa tawa niyang sabi halatang nag tataka
"Diba kasama ka sa mga nakapalibut saakin kanina?"tanong ko na ikinatigil niya sa pag tawa
"Ahh yun ba ?Nakita nalang namin na may nakahiga dun sa soccer field ehh kaya lumapit kami. Tinitignan ka lang namin kasi hindi ka masyadong pamilyar. Yun pala ikaw na yung bago na sinasabi ni president Xin"
"P-president Xin?"pag uulit ko. Sino siya?
"Oo hindi mo alam? Siya yung nag mamanage ng lahat."
"Ah"napatango nalang ako.gusto ko siyang maka usap. Hindi ko pa nakakausap si mama at papa. Hindi ko pa nasasabi na pumapasok na ako"Nasaan siya?"
"Huh? Hinahanap mo siya?”tanong niya na halatang nag tataka saakin. Bakit may mali ba sa tanong ko? “Pumasok ka ng University na ito na walang kaalam alam tungkol sa university na ito?” sabi niya na ikinakunot ng nuo ko
“huh?" Bakit ano bang meron dito? Abkit parang kinakabahan ata ako? “ibig sabihin---di mo alam ang tungkol dito?"
Naguguluhan na talaga ako... Ano ba kasing meron sa unibersidad na ito?..
---TO BE CONTINUED--
pls vote coment and share hope you will love it ❤
Sorry kung may mali mali heheh first time ko lang kasi
![](https://img.wattpad.com/cover/186442031-288-k286791.jpg)
YOU ARE READING
The Secret University
Mistério / SuspenseDe Villa University. Kung saan talino at lakas ang kailangan. Kung saan nakakulong ang mga taong matatalino. Lakas ang ipanlalaban mo sa madugong laro Talino ang iyong kailangan upang mabuhay Isang paaralan kung saan lahat ay sikreto Ngunit ang si...