The secret University
(By Ashedee)
Chapter 3:The Escape
Kez POV
Andito kami ngayon sa classroom. Grabe angganda ng classroom na ito. First time ko lang nakakita ng classroom na ganito. May
Chandelier na naka sabit,naka aircon, glass yung bintana na sliding window na may kurtina na color lightblue na may red,tapos may blackboard at whiteboard sa harapan at sa itaan nun ay may tv na napaka laki may teachers table at chair din sa harap at may cr din sa likod ko tapos may room din yung teacher glass lang siya katulad ng nasa library kanina ganun lang din siya. Malaki malaki din naman itong classroom.
Naka upo ako ngayon sa tabi ni Jade dahil gusto niya daw magkatabi kami. Nasa bandang likuran kami. Hindi na ako tumanggi kasi wala naman akong ibang makakausap kundi siya lang diba? Siya lang naman ang kakilala ko dito ehh. Maramibakong iniisip ngayon as in sobrang dami tapos sumabay pa itong mga estudyante na pinagtitinginan ako at pinag uusapan. Ang hirap talaga maging baguhan
"Okay ka lang?"
Nilingon ko si jade. Tanging tango nalang ang naisagot ko.
Acctually ang ingay talaga ngayon at sobrang gulo. Naalala ko yung mga nakasabay ko kanina sa elevator yung mga matataas sa ranking. Sa gilid ko andun si Rush na pangatlo sa Ranking. Ginagamot niya ang sarili niya at tinutulungan naman siya ng mga kaibigan niya "Aray! Ayusin mo naman!" Sigaw niya na ikinagulat ko "Ako na nga" dugtong niya at kinuha yung bulakna may alcohol sa lalakiat napaatras naman ang lalaki. Seriously?pang 3rd ba talaga siya sa ranking? Parang siga ata siya na ewan? At pansin ko lang kanina na hindi siya nag thank you kay Jade? Wow nemen. At tsaka pansin ko lang kanina na hindi siya nag punta ng clinic. Imposible naman na walang clinic dito.
Sa kabilang gilid ko naman yung babae kanina sa elevator. Nakalimutan ko yung pangalan. "Jade ano pala pangalan nung babaeng yun." Tumingin siya kung saan akonakatingin "Ah si Samantha?. Bakit?"
"Wala"
Siya pala ang pang 4th sa ranking naka patong yung paa niya sa desk na nasa harapan niya at nakasandal ang ulo niya sa nakataas niyang kamay. Mahimbing ang pagkatulog niya. Bigla niyang pinalo yung mukha niya kasi may dumao na llamok at bunalik sa pagkakatulog. Para siyang wala sa sarili.
Napatingin naman ako sa lalaki na pang 5th sa ranking. Drei? Drei ata pangalan niya? Drei--- Basta Drei. Didiretsyohin ko na. May nilalandi siyang babae.halata naman ehh. Inaamoy amoy niya pa nga yung babae. Ito namang babae todo kilig, at tumatawa tawa pa. Napairap nalang ako. Hays pang 3rd 4th 5th ba talaga sila?. Parang di lang kasi kapanipaniwala. Siguro kung mag uumpisa na ang klase makikita ko.
Bigla akong napatingin sa babaeng papasoksa pinto. Kung di ako nagkakamali siya yung 'prinsesa' dawww. Akalain mo nga naman naging kaklase ko pa 'to
Hindi niya ako nakita dirediretso siya ng lakad. Sinundan ko siya ng tingin. "Hi Luxx"
Umupo siya sa desk ng lalaki na nag babasa. Diretso ang upo niya at mukhang seryosong seryoso sa pagbabasa
Siya, siya yung sinabi saakin ni Jade na pinakamataas sa ranking. Hmm Luxx?----Luxxury!. Muntikan ko na siyang makalimutan ha!
"Are you free tonight" tanong nung babae habang pinupulupot niya yung kaunting buhok niya sa darili niya. Nakita ko na nagtitinginan sakanila ang karamihan."Bwiset" biglang sabi ni Jade. "Bakit" tanong ko sakaniya. "Ah--Wala lang" natatawa niyang sagot. Kita ko sa mata ni Jade na parang nag seselos siya sa tingin ko may gusto siya sa lalaki. Mukhang marami atang nagkakagusto sakanya ha. Siguro dahil matalino siya. Oh well hindi ako magkakagusto sakanya kasi ang gagawin ko lang dito is mag aral hindi lumandi. Unlike others.
"No, Sorry" rinig kong sabi nung lalaki nang hindi tumitingin sa babae. Mukha talaga siyang matalino at tahimik pa.
"Ano?!Tinatanggihan mo na ako?!"sigaw nung babae na ikinagulat ko----Lahat pala. Sa sigaw niyang yun. Tumingin na ang lalaki sakanya. Ang mga mata niya parang nagagalit. "Sinisigawan mo ako?" Seryoso niyang sambit sa babae. Ang Aura niya,Kakaiba.
"O-of course not! N-napalakas lang b-bose---"
Napahinto ang babae kasi bigla niyang tinuon ulit ang mata niya sa libro at muling nag basa. "Ayoko ng maingay" sambit pa nito. Mukha talaga siyang walang pakealam sa babae mukha siyang masungit.
"Kainis!" Tanging sambit niya lang sa babae at tsaka na upo sa upuan niya. "Oh anong tinitingin tingin niyo diyan!?" Sigaw niya yung iba nag tawanan. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin saakin. Iniwas ko nalang agad yung tingin ko sakaniya. Tsk.
"Wow, so kaklase pala kita?" Rinig kong sabi niya hinawakan nalang ni Jade yung kamay ko."Wag mo siyang pansinin" sabi niya sabay bitaw sa kamay ko.Umupo siya sa harap ko at naupo sa desk ko. "Hi! Kezirah"nakangiting sabi niya sabay kumaway saakin.
'Tss plastik'
"Alam mo ikaw, bago ka palang dito kung umasta ka kala mo kung sinong matalino. Matalino ka ba?!" Sabay tawa niya. Narinig ko rin na tumawa yung ibang estudyante. Naiinis ako.
"Pwede ba Jeyn tigiltigilan mo nga si Kez" sumbat ni Jade
"Alam mo kanina ka pa Jade ahh. Ako ang prinsesa dito kaya wag moko sinisigawan ng ganyan!" Sigaw ni Jeyn
"Prinsesa mo ulo ulul" bulong ko
"Anong sabi mo?!"nagulat ako ng bigla niya akong sinabunutan na pasigaw ako sa sakit.
"Ano ba tama na" pag pupumiglas ko
Pilit na tinatanggal ni Jade ang kamay niya sa buhok ko pero di niya matangal
"Ano ha sasagot ka pa?!"
Nagulat kami ng biglang tumunog yung blackboard ng napaka lakas. Kasabay nito ang pagtigil ng bagsabunot niya sa buhok ko. Napabitaw siya
May nakita akong libro sa sahig. Siguradong iyon ang ginamit pangbato. Napalingon ako sa lalaking nakatayo at nakayuko
Si Luxx.
----TO BE CONTINUED----
PLSS VOTE COMENT AND SHARE... sipagan niyo kasi mag comment para may update agad hahahaha
YOU ARE READING
The Secret University
Mystère / ThrillerDe Villa University. Kung saan talino at lakas ang kailangan. Kung saan nakakulong ang mga taong matatalino. Lakas ang ipanlalaban mo sa madugong laro Talino ang iyong kailangan upang mabuhay Isang paaralan kung saan lahat ay sikreto Ngunit ang si...
