81Q

524 19 3
                                    

(A/N:Play the music secret base while reading. and see the picture of what it looks like.Thaanks~)

Firancho's POV

Dear Mahal

   Siguro nababasa mo na ito ngayun ay wala na ako.mahal na tatandaan mo pa ba ang unang pag kikita natin?natawa ako dahil sa ignorante ka sa mga bagay na hindi mo nagagawa tulad ng pang mahihirap. Sa tuwing nag kakamali ka doon mo lagi ako sinasaktan..pero habang ginagawa mo sakin ang pananakit at masasakit na salita , ay kita ko sa mata mo ang lungkot ng buhay mo kaya nung sinabi ko sayo na tutulongan kita..Tumanggi ka at umalis na..pinangako ko sa sarili ko na hindi kita iiwan kahit na anong mangyari..kahit na masakit tatanggapin ko yun..bakit ko nga ba ginagawa ang mga bagay nayun?dahil yun ang naging misyon ko sa buhay..ang tulongan ka.
   Nalungkot ako dahil hindi na tayo muli nag kita halos mawalan ako ng pag asa na makita ka pero..sa hindi inaasahan..nakita kita muli pero parang kumirot ang puso ko nung makita kitang umiiyak mag isa..sinubukan kitang kausapin pero lbinuhos mo lahat ng masasakit na hampas at lahat lahat pero inintindi ko ang sitwasyon mo,habang sinasaktan moko hindi mo rin namalayan na naikwento mo ang iyong buhay at nung mapagod ka ay agad na kitang pinayuhan at natuwa ako sayo noong nakinig ka sa mga sinabi ko,tinuruan kita kong ano ang pagmamahal.
   Nagulat ako nung bumalik ka ulit sa pinag tatrabohan ko at sinubukan mong matutunan ang mga bagay bagay,tumakas ako sa pinag tatrabuhan ko dahil may gusto akong ipakita sa yo ang mundong hindi mo pa nakikita tinuruan kita ng mga bagay bagay at hindi ko alam na unting unti na pala akong nahuhulog sayo..hindi ko sinabi ang aking nararamdaman dahil baka mag bago ang tingin mo sakin dahil..sino nga ba ang mag kaka gusto sa aking itsura?nalulungkot ako dahil ganito ang itsura ko pero tinggap ko na lamang iyon dahil ito ang bigay sakin ng diyos.pangit man sa mukha pero maganda naman ang kalooban ko. Hindi ko rin inaasahan na lumalim narin ang pag kakaibigan natin at lubos akong natutuwa dun.
   Noong pumunta tayo sa gitnang kagubatan hindi ko inaasahan na nag tapat ka sakin ng nararamdaman mo tungkol saakin at kasabay nun ang pag lipad ng maraming paru-paro sa kalangitan at sobrang ganda nun dahil saktong malinis ang kalangitan at maliwanag kasabay ang masasarap ng simoy ng hangin na dinadala ng aking buhok na tila nag ningning sa saya ang nararamdaman ko.hinding hindi ko makakalimutan ang masarap na pakiramdam na iyon dahil ang lugar na iyon ang saksi sa pag buo ng pag mamahalan natin. Kahit na lihim lang iyon dahil sa kalupitan ng magulang mo tanggap ko parin yun dahil atleast masaya tayong dalawa.
   Hindi ko inaasahan na gusto mong ipaalam sa buong mundo kung gaano moko kamahal kaya noong sinabi mo sakin na gusto mokong ipakilala sa magulang mo natakot ako noon dahil hindi maganda ang pakiramdam ko tungkol doon pero determinado ka at matapang na tao kaya sa huli pumayag na ako nun. At nung ipinakilala mo na ako sa magulang mo alam kong hindi ako matatanggap ng magulang mo pero ginawa mo ang lahat para ipaglaban ang pag mahahal natin pero na bigo tayo at pilit tayong pinag hihiwalay,masakit iyon sakin pero pinatatag ko ang loob ko nun hanggang sa mabalitaan ko nalang na may mapapangasawa ka nang babae na si Mirai.
   Nagulat ako nung pinuntahan ako ni mirai at gusto niyang tulongan tayo kaya nag plano kaming mag papakalayo tayo sa lugar na iyon pero habang tinutulongan kang makatakas dinampot ako at nilagay sa piitan at dun ako pinahirapan at ang masakit dun ay sa harap mo pa ako  pinahihirapan.masakit sakin na nakikita kitang nahihirapan sa kapapanood sakin hanggang sa hindi mo na kinaya at pumayag kanang mag pakasal sa iba..

   Para sakin mas gusto kopang mahirapan sa piitan kesa sa mapanood kitang makipag isang dibdib sa ibang babae..
   At pag katapos nun pinatapon lang ako sa kung saan saan at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang isla..Mabait ang mga tao dun dahil inalagaan ako dun at dun narin ako tumanda,walang araw na hindi kita iniisip.kahit na pag tanda ko ikaw parin ang sinisigaw ng puso ko kahit sobrang sakit na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang kasal nyo ni mirai..
   At dumating ang panahon na may duguang naganap sa isla na yun dahil sa taga ibang bansa na pilit inaangkin ang napakagandang isla nayun..pinag laban ng mga tao dun ang isla nayun kahit buhay pa nila ang kapalit,May isang taong nag ligtas sakin at pilit akong pinapalayo sa lugar na yun at wala akong nagawa kundi panoorin ang pag kamatay ng mga tao dun..sa sobrang sakit ng nararamdaman ko bigla nalang ako nahimatay..
   Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang pagamutan at hindi ko na maintindihan ang sarili ko na parang nababaliw na ako. May isang magandang dalaga ang nag aalaga saakin na sabi daw sakin na natagpuan niya daw ako sa ilog at agad akong dinala sa pagamutan..
   Lagi ako kinukulong sa isang bahay para hindi ako makatakas..mahirap ang mag isa dahil kung anong-ano ang pumapasok sa isip ko kung ano ano ang mga naririnig ko hanggang sa pilit na akong nakalabas sa madilim na iyon at nakaramdam ako ng ginhawa dahil pakiramdam ko malaya nako at dahil sa gutom na gutom ako nag hanap ako ng pagkain kahit na mag kalkal ako sa basurahan. Laking tuwa ko nung may isang binatang nag bigay sakin ng pag kain niya at nung masilayan ko ang mukha niya para akong bumalik sa dati..dahil kamukha mo ang binata nayun..kakaiba ang nararamdaman ko sa binata nayun at dun ko lang na realize na apo mo yun..
   Ang apo mo ang tumulong saakin..pinagamot niya ako at pinag hirapan pa niyang hanapin ang kaisa-isahan kong pamilya na ang kapatid ko.. Noong kinausap ako ng apo mo tungkol sayo ay naalala kita dahil sa mga mata niyang gustong ipaglaban para lang iligtas ang kapatid niya..hanga ako sa tapang at determinasyon niya..nangako siya sakin na dito na niya tatapusin ang mga kasamaang ginawa ng mga smith at dahil dun ay handa nakong makita ka muli.. Gusto ko sa huling masilayan moko ay sana bumalik sa iyo ang mga ala-ala na pinag samahan natin..sana tumatak sayo ang mga tinuro ko sayo..sana bumalik ang ikaw na kilala ko. Sana matigil mo na ang mga kasamaan na ginawa mo..
   Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita at lagi lang ako nandito para sa iyo at hinding hindi kita iiwan. Ikaw lang ang nag iisang lalaki na minahal ko at mamahalin hanggang sa kabilang buhay.

Nag Mamahal
       Amelia


   Pinunasan ko ang luha ko at hinagis ang isang pirasong puting rosas at tumingin ako sa langit at kita ko ang nag liliparang puting lobo sa kalangitan

''Pinatay mo ang mahal mo gamit ang sarili mong kamay''

   Hindi ko siya pinansin at naka titig lang ako sa kalangitan

''Bakit hindi mo sinubokang hanapin ang kapatid ko noon?''

''dahil takot ako''tugon ko

''takot saan?''tanong niya

''dahil pag sinubukan ko siyang hanapin papatayin na nila ang mahal ko''

''mahal na mahal ka ng kapatid ko kahit na kasal kana sa iba..''

''hindi rin nag bago ang tingin ko sa kanya..mahal na mahal ko parin siya''

''ang swerte mo sa kanya''

''Sobra..''

   Kung nasaan ka man ngayun alam kong nasa ligtas na lugar ka..maraming salamat sa lahat lahat..hintayin mo lang ako sa kabilang mundo at dun natin ipag papatuloy ang na udlot nating pag mamahalan.pinapangako ko sayo na ibabalik ko ang sarili ko kung saan moko nakilala at mga natutunan ko galing sayo. Mahal na mahal kita amelia you may rest in peace..

..amelia

Hard To Get But Accidentally Inlove (Complete Under Revisitation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon