TOTGA

3 0 0
                                    

Nangyari nadin ba sayo yung ikaw yung nanloko, nagsisi ka, ayaw na nya, may bago na sya, may bago kana din, ikakasal na sya, may anak na, pero ikaw, sya parin. I do believe that everyone had a TOTGA or The one that got away. Yung kahit pareho na kayong masaya sa iba, tuwing maiisip, maalala, makikita mo sya, andun padin yung feelings, yung love.

"Bakit ka nasasaktan? Eh ikaw naman yung nagloko, ikaw yung naunang saktan sya. Deserve mo yan na, masaya na sya, kontento pero ikaw hindi"

Alam ko, kasalanan ko lahat. Kung hindi lang sana ako nagloko.

Anyway, merong iba't ibang types ng TOTGA. May iba't ibang reasons kung bakit naghihiwalay yung magkarelasyon kahit mahal na mahal nila ang isa't isa.

In my case, mahal ko sya pero nagloko ako. Bakit?

My TOTGA was the highlight of my highschool life.

Nagkakilala kami nung highschool.

He was my classmate back then when I was in third year.

Nung una, hindi naman kami close.

Nagsimula sa joke ko nung nasa taas kami ng building sa school. Kasama nya yung isang friend nya, nakatambay sila sa may dulo ng building kung saan tanaw mo yung buong school.

"Hoy James, wag ka tumalon, mamahalin pa kita!"

"James mahal kita!"

"James, mahal mo din ba ako?"

Tumatawa lang sya nun, yung ibang classmates namin na andun din eh tinutukso kaming dalawa.

"Yieeeeh"

"Di joke lang, pero crush kita James!" - ako

I didn't mean anything I said. Wala talaga akong nararamdan nung time na yun.

After nun, everyone in our classroom are teasing both of us.

Pagkatapos ng ilang araw, binigyan ako ng classmate ko ng number ni James.

I was actually laughing at her that time kasi akala nya talaga may crush ako kay James.

So kinuha ko yung number para sakyang yung trip nya. Pero hindi ko tinext.

Everyday in school seems normal, not until I realized that I became attracted to James.

Sino bang hindi? He's cute, mabait, generous, tahimik din sya minsan, pilyo din minsan pero madalas mas behave sya sa lahat ng boys namin.

Sa tuwing jinojoke ko syang mahal ko or crush ko sya ngingiti lang sya.

As days go by, madalas na akong nakatingin sa kanya. Tinititigan ko sya sa malayo, pag napapatingin sya sakit magtititigan kaming dalawa tapos ngingiti.

Oo, nagkacrush ako sakanya, ako yung nanuksu, ako yung nahulog.

One day, tinext ko sya, weekend kasi .

I started with a simple "Hi" and he replied "Hu u?"
The typical jeje highschool students texts 😂

Nagpakilala ako sakanya and we texted until none knows how long. Hehe

Nawalan ako ng load, hindi pa kasi uso unli dati and wala akong pera pang load! Ang ganda na sana ng topic namin.

So since hindi na ako naka-reply hinayaan ko nalang yung mga text nya.

"Uy? Hindi na nagtext?" - James

Gusto ko syang replyan pero wala akong load!

Naiiyak nako nun, wala kasi akong magawa.

Random thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon