Sino ka?

3 0 0
                                    

SINO KA?

(A spoken poetry inspired by the movie "NAKALIMUTAN KO NG KALIMUTAN KA" ni Alex Gonzaga ) 🤣 grabe sa sobrang ganda napatula na ako 🤣

SINO KA?

Minsan isang araw tinanong ko ang sarili ko
"Sino ka?" Sino nga ba ako?
Nakalimutan ko na ata
Nalubog na ang aking alaala

Bago tayo nagkita,
ngiti ko'y tunay na tunay pa
Walang ibang iniinda kundi kung pano kakain ng bongga
At pano mambuburaot sa foodtrip ng tropa

Bago tayo nagkita,
Masaya, magaan at wala akong problema.
Pero dumating ka, dumating kang may hatid na libu libong ligaya
Ligayang di ko alintana'y magdudulot din pala ng milyun milyong luha

Nung una, grabe! parang nasa ulap sa tuwa
Yung tipong sa kahit konting kwentuhan, puso ko parang tatalon na
Yung tipong kumakain lang naman tayo pero shems matatae na ko sa saya

Yung pagmagkasama tayo feeling ko atin lang ang mundo
Yung tayong dalawa lang ang tao
Yung ako at ikaw lang ang salitang bumubuo sa tayo
At ang repleksyong tanging nakikita ko sa mga mata mo ay tanging ako

Sa paglipas ng panahon, di ko na namalayan
Sinasanay mo na pala ako sa mga bagay na akala ko walang hanggan
Yung mga bagay na inakala kong pang matagalan
Shemay! Kala ko ba walang iwanan?

Iniwan mo ako, iniwan mong luhaan
Yung tipong araw gabi, walang tahan tahan
Sa dami ng bagay na aking nalalaman
Yung walang hanggan nalang ata ang di ko maintindihan.

Nasan na ang mga pangako mong tayo hanggang dulo?
Nasan na yung sinasabi mong mahal na mahal na mahal mo ako?
Nasan na yung mga pangarap nating pamilya na ikaw at ako ang bubuo?
Nasan na yung tanong mong "Pakakasalan mo ba ako?"

Umiyak, Sumigaw, nagalit at umiyak ulit
at umiyak ulit
At umiyak ulit
At umiyak ng umiyak ulit hanggang pati luha sumuko na
Hanggang sa kahit ang sipon sa ilong ko nag sawa na
Yung dati nauubo na ko sa kaiiyak ngayon ni samid sa sariling laway wala na

Nagkadurog durog ang puso kong dati'y buong buo
Ang mga matang noo'y makinang at nangungusap ngayo'y blangko na at wala ng gana
Yung labi na dati'y halos mapunit sa kangingiti
Ngayo'y magkadikit dikit na sa dalang ng pagguhit

Walang araw na hindi ka inisip
Walang gabi na walang luha bago umidlip
Walang oras na hindi nasasaktan sa mga alaala
At walang bagay na sayo'y hindi magpapaalala

Sa sobrang sakit ginawa ko ang lahat para lang makalimutan ka
Naging abala sa mga bagay na dati'y di ko naman ginagawa
Naghanap ng libangan
Ng mga bagay na mapagbabalingan

Mahirap, kase mahirap kalimutan ang mga alaalang kasama ka
Matagal, mas matagal pa nga ata sa panahong nakasama kita
Pero unti unti kinakaya ko
Unti unti nawawala ka sa sistema ko
Unti unti namamanhid na ako sa mga alaalang meron tayo

At kita mo nga naman
nakausad na pala ako ng hindi ko namamalayan
Naging wala nalang yung mga bagay na dat'y gabi gabi kong iniiyakan
Naging litiral na alaala nalang yung mga bagay na dati'y kahit matagal na saki'y sariwa pa

Yung dating pag Ngiting pinlano ko
Inunti unti ang "in the making"
Tapos aba! naging coming soon, abangan portion na
Tapos biglang Bukas na!
Hanggang sa kinabukasan pag gising ko NOW SHOWING na sya

Yung mga ngiting nagsasabing nakalimutan ko na sya
Ayan at sumisilay na
Yung ngiting nagbabadya ng panibagong kabanata
Ewan ko at naka ngisi pa ata.

Yung puso kong dati'y wasak, durog at puno ng sugat
Buo na ulit, tumibok, kaso may peklat
Yung peklat na ang pangala'y tulad ng sayo
Yung peklat na tanda na sa kabila ng pagkalugmok, heto na ako at nakatayo

Sa panahong nakalimutan  na kita
At ang mga  ngiti sa labi ko'y unti unti nang nagkakasya
Babalik ka at sasabihing "Pwede pa ba?"
Kaso tititigan nalang  kita at tatanunging "Sino ka?"

-vi-ann

Sino ka?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon