Chapter 1

20 4 0
                                    

Dedicated to my lovely saengie 😍😍😘😘😘

~~~~    BALAK    ~~~~~

Malayo ang tanaw ng binata sa sa kanyang kinauupuan malapit sa tarangkahan ng kaharian. Halos lahat ng kalaro niya ay malayang nakakapaglaro at nakakalaro sa ilalim ng malawak na karagatan samantalang siya ay hanggang tanaw na lamang.

"Soo! Tara may gustong ipakita si Ming na magagandang bulaklak malapit sa may bulkan." Aya ng isang sirenang may malagong blonde na buhok at asul na buntot.

"Sige Tara." Excited na sambit niya ngunit bago pa man siya makalangoy malapit kay Ming ay hinwakan agad siya ng kanyang bantay.

"Hep hep. Saan ka na naman pupunta?" Pigil nito sa kanya.

"Dyan lang. Malapit lang. Kukuha lang ako ng bulaklak para kela mama at papa." Pilit na ngiti nito sa kanya.

"Hindi pwede. Ako na lang ang kukuha tsaka may magagandang bulaklak sa palasyo, dun na lang." Awat nito.

"Hyung naman eh! Sige na, malapit lang naman at hinihintay na ako nila Ming. Marami naman kami." Maktol nito sa kanya.

"Eh papano kung malingat sila o maligaw ka. Hindi ka pa sanay at handa sa languyang malayo kaya hindi pwede." Sambit nito sa kanya.

"Sige na Hyunsik hyung! Promise ipagluluto kita ng paborito mong putahe pagbalik." Pacute nito sa kanya.

"Haha. Pero hindi pa rin. Hoy Ming, mawalang galang na pero lumayas na kayo bago nyo pa mademonyo si Kyungsoo." Sigaw ni Hyunsik kay Ming at sa mga kasama niya.

"Bakit ba ang sungit mong bantay ka? Hindi naman siguro magagalit ang mga magulang ni Kyungsoo tama? Gagala lang kami tsaka big merboy na yan oh." Sumbat ng isang sirenang may pink na buhok.

"Eh kapag napahamak 'tong alaga ko? Puro sorry na lang ang sasabihin nyo? Ako malalagot sa magulang nito? Hala, layas na baka masabunutan ko kayo sa kaartehan nyo." Sumbat nito sa kanila.

"E di wow, bakit ba takot ka sa magulang niya? Hindi naman siguro siya anak ng importanteng tao hindi ba?" Sabi Ming ngunit natigilan ng nakitang nanlilisik na ang mata ng Kuya niyang si Hyunsik. Naalala niyang​ prinsipe nga pala ito kaya napatawa ito ng pilit.

"Sorry. Sige Soo, sa susunod na lang. Nakalimutan ko eh, uuwian na lang kita ng pasalubong. Babye!" Sabay langoy nito papalayo.

"Ming!!! Hintay!!" Susunod sana siya ng humarang si Hyunsik sa daanan niya at pilit nakikipagpatintero  para hindi makaalis.

"Ano ba 'yan!! Nakakaasar ka naman hyung! Isusumbong kita kay papa! Hmpfh!" Pagsusungit nito.

"E 'di isumbong mo. Alam mo naman na iyan ang pinagbilin sa akin ng papa mo na huwag kang papayagang umalis at pumunta kung saan saan di ba?" Hamon ng gwardia niya. Kahit siya lang ang komportabkeng kausap ni Kyungsoo ay nagiging mahigpit ito kapag utos na ng hari at reyna ang pinag-uusapan.

"Sige na. Iiyak ako dito." Maktol pa nito.

"Alam mong hindi mo ko madadaan sa iyak mo. Peke 'yan kaya mas mabuti pang umuwi na lang tayo. Malapit ng mag dapit-hapon. Tayo na." Hinawakan ni Hyunsik ang balikat niya at natatawa habang patuloy parin sa pagmamaktol ang binata.






"Ma, kailan ba ako papayagang makaalis n kaharian?" Tanong ni Kyungsoo habang nililinis ng kanyang inang si Luhan ang magagandang kaliskis nito. Kapag lumalabas kasi siya ay tinatakpan nya ito ng mga halamang dagat para hindi mahalata ang magandang pilak na may iba't ibang kulay na mala bahaghari sa buntot nito.

"Siguro kapag nag-asawa na si yaya bebang. Pwede ka ng umalis at makaalis dito." Sambit ng kanyang inang Lulu.

"Ma naman!!! Ang tanda na ni yaya bebang. Siya pa nga nanliligaw sa mga sireno dito kaso walang pumapatol eh." Winagayway ni Kyungsoo ang buntot nito sa inis.

LanguyinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon