chapter 4

6 0 0
                                    

"Anu ba talagang nangyayari dito?"

Napasigh na lamang si Chanyeol after makitang nagchi-chikahan ang dalwang lalaki sa my sala at sila naman ni Jongin ay nakatitig lamang sa kanila.

"Ehem... Baka naman pwedeng may magkwento samin?" Umubo si Chanyeol, effectively getting their attention.

"Aahhmm.. well, I think, hindi nyo maintidihan si Kyungsoo dito so I don't know why?" Sagot ni Baek ng putulin ito ni Jongin.

"Wait, wait! Sino si Kyungsoo?" Ask nya.

"Ito," Turo nya kay Soo. " siya si Kyungsoo. Iyan ang pangalang sabi nya. So it means dinala mo sya dito ng hindi mo alam ang pangalan nya?" taas kilay na sabi ng kababata nya.

"Well, Soo lang ang nakuha kong pangalan kaya nagulat lang ako.  Tsaka pasensya na talaga, kasi nais ko lang siyang tulungan since naaugatan nga siya oh!" tinuro ni Kai ang sugat sa binti ng binatang katabi ni Baekhyun.

"Oh? Eh bakit wala siyang salawal?" napatikom ang bibig ni Kai at napalagok kasama si Chanyeol bago ulit magsalita si Baekhyun.

"Kay fine. Ako na nga ang aasikaso dito sa cute na ito. Baka kung ano pang gawin nyo sa kanya. Basta, stay put lang kayo jan. Same for you sweetie!"

Kinurot ni Baekhyun ang pisngi ni Kyungsoo dahilan para ngumuso ito sa kanya habang tumatawa ito at binasa ang bimpong nasa malapit sa planggana.

"Ooyy! oyy! Huwag!"

Nang ilalapat na niya ang bimpo ay biglang napabulalas ang dalawa dahil baka mabukong si Kyungsoo ay isang sirena.

"What?! O.A. huh! Pupunasan lang huh! Mabuti pa dun na lang muna kayo ar mukhang gutom na si Kyungsoo. You better make it for the delay Kai!" Baekhyun tsked. 

Ang O.A nila habang pinupunasan ang binti ng binata. In fairness, amputi ng leg ni ateng. Hindi maiwasang mainis sa inis but not in that jealous way.

"Aray! P-pwede bang ... Pakidahan-dahan lang?" sagot ni Kyungsoo sa kanya na tanging sila lang ang nagkakaintindihan.

Naramdaman ni Baekhyun ang pag flinch ng paa ng binata.

"Ay sorry! Sige, okay na ito. Konting antiseptic lang gagaling ka na. Pano ba kasi nakuha itong malaking sugat na ito?" itinaas ni Baekhyin ang paa ng binata. Kita ang sugat niyang simula sa gilid tuhod hanggang sa ibaba ng paa nito. Mas malalim ang sugat nito sa bantang binti kaya medyo kailangang ng matinding punasan.

"Ano iyon anitiseptic?" nakatilt ang ulo nito bago sinagot si Baekhyun.

"Seriously sis? Nakakaloka ka huh. Well, basta nakakagaling ng sugat iyon. Hoy Jongnog! Kumuha ka nga ng boxer dun tapos ng matinong damit nitong si Soo. Asan kasi iyong damit mo beh? Parang saan ka ba kasing lupalop nanggaling?" iling ni Baekhyun sa kanya.

Nanlamig at biglang napatitig si Kai at Baekhyun sa isa't isa nang bumukas ang bibig ni Kyungsoo.

"Haha... E di wow! Anu ka sirena? E di sirena rin ako sis para hindi ka nag-iisa. Sige, hahanap na lang muna ako ng damit mo since mukha naman tayong magkasize.

Kayo! Babalik agad ako kaya wag kayong gagawa ng kahit na anong masama kay baby Soo ko huh! Lagot kau sakin!" akma ni Baekhyun sa kanila bago tumayo at pinisil ang pisngi ng binata.

Walang nagawa si Kyungsoo kundi ngumuso at hinimas ang naabuso nyang pisngi.

Napatitig ulit siya kayla Chanyeol at Kai bago itinuon amg atensyon sa lugar at balik sa mga binti at paa nya.

"Phew.. Buti na lang hindi naniwala si Baekhyun. Ngayon, bakit kaya  hindi nagbago ang binti nya ng binasa ito?" tanong ni Kai at biglang hinawakan amg paa ni Kyungsoo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LanguyinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon