Chapter 2

13 3 0
                                    

"---in! Jongin!"

Nakaramdam si Jongin ng pagyugyog sa kanyang braso habang siya ay natutulog kaya umungol na lamang ito para tigilan siya ng kung sinomang peste ang nang-iistorbo sa umaga nya.

"Gising sabi eh!!! Ano ba!!!"  Medyo malakas at  matinis ung boses ng gumising sa kanya.

"Mamaya na round two bebs! Tulog mu--- ARAY!!" Nagising ng biglaan si Jongin ng biglaang may tumadyak sa kanyang pwet at asar na itinaas ang ulo,  handang patayin ang sino mang nang istorbo sa kanya.

Naramdaman nya ang paa niyo ay nasa bandang pwet pa rin nito kaya sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makita niya ang mukha ni Baekhyun na nakairap at nakapamewang sa bandang balakang nito.

"Baek-hyung!! Aga-aga naman oh!!! Mamaya ka na lang manghiram ng panggala. Kay Chanyeol hyung ka na lang manghiram para matandaan niya ang pangalan mo." Ingit ni Kai sa best friend nya kaso sinipa siya nito dahilan para malaglag ito sa kama at makipagkiss sa sahig.

"Hoy Jongin-ah!!! Gising na at me gala pa ako. Hindi ako magwe-weyt. Mahuhulas make-up ko sa'yo at FYI lang huh...me pera akong pang gala noh? Mayaman kaya ako, mayaman na mayaman. Tayo na at di ba pupuntahan mo pa ung site kung san mo itatayo ang rebulto este mansyon mong hotel? Alas siyete na ng umaga, eight usapan nyo di ba?" Nakapamewang na sumbat ni Baekhyun sabay irap at labas sa kwarto nang nakita nyang nahimasmasan ang loko.

"Shit!! Ow!!! Sakit ng ulo ko...Aray!! Bakit ako may bukol? Ow!!" Napahawak siya sa ulo nya habang itinatayo ang sarili.

"Iyan! Sa sobrang kalasingan pati sign board binabangga mo. Oh s'ya  .. gorabels na akes at aawra pa ako. Meds ay nasa cabinet ng bathroom. Babuh!" Nag flying kiss pa si bakla bago kumilos  si Kai at mag-ayos.

Nagparty hard kasi sila kagabi bilang selebrasyon sa pagdating ni Kai at kanyang mga kaibigan sa isla. Si Baekhyun ang matalik niyang kaibigan na nagkakagusto sa tagabantay ng isla na kababata ni Kai, kaso bago pa man mapakilala ang dalawa ay aksidenteng natapilok si Kai at nagdirediretso sa sign board ng bar na nasa labas bago nawalan ng malay. Siyempre, si Baekhyun ang mabait na tumawag ng kotse para iuwi  ang  kaibigan sa bahay.

"Okay lang yan. Gwapo pa din naman ako. Alright! Matignan na nga ang magiging mansion dela Kai ko. " nagposing pa si Kai bago kinuha ang white shirt at brown short nya. Mas gusto nyang relaxing na damit since occular visit palang naman ang gagawin nya sa lugar.

Nasa isang isla Chogiwa ngayon si Kai kung saan isang pulo na mayroong private area na pagmamay-ari ng mga magulang nila Jongin. Dito raw siya binuo ng mga magulang nya dahil sa ganda ng lugar at nakakbighaning kweba at gubat. Bukod dito ay malinis na simoy ng hangin at malakristal na pinong buhangin ang magpapakita saiyo sa dalampasigan. Ang isla ay korteng puso na nahahati sa gitna ng ilog kung saan nagkikita ang tubig alat at tubig tabang. Ito rin ang pinili ng mga magulang at ni Jongin tayuan ng kanyang hotel o mansyon na binabalak dahil kung sawa ka n sa dagat, pwede kang magcamping sa gubat na may mga bakawayan  sa gilid ng ilog. Mangisda o mangaso o magswimming, lahat ay pwede kaya swak na swak na panghatak sa business na gaya ng mga hotel.

Dala ni Kai ang kanyang red Lamborghini papunta sa kabilang panig ng isla. Nais niyang patayuan ang kabilang isla kung saan mas mayaman at may mas magandang tanawin na tiyak makakaakit ng mga turista para sa kanilang isla. Tutal naman, may malaki silang pag-aari dun kaya dapat lang pakibabangan nila ang lugar na iyon.

Kung may mga engkanto o malignong nakatira doon, hindi siya naniniwala doon o nangangamba dahil mas maganda iyon para mas maka-attract ng customer ika nga niya. Siguro dahil na rin iyon sa mga paniniwala ng mga residente sa mga mahihiwagang bagay.

LanguyinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon