CHAPTER TWO-------------------------------------------
Bukang-liwayway
Sacrandia (Floating Palace)-------------------------------------------
“Oh damn. Where am I?”
Nang imulat ko ang mga mata ko at magkamalay ay tumambad sa harapan ko ang napakalaking bintana. Nakahawi ang mga kurtina nito na kulay berde at asul. Minanmanan ko itong maigi at nahalatang may mga nakaukit sa kurtina na kulay ginto. Napakalawak ng lugar na kinaroroonan ko.
“Talaga bang kulungan ito?” napa-isip ako. Ganito ba kaganda ang mga kulungan dito sa palasyo ng Sacrandia? Napakaluwang. Kung totoo ngang kulungan ito ay mas gugustuhin ko nang magkasala. Napakaganda. Korportable rin ang higaan, napakalambot. Ang sahig ay kombinasyon rin ng kulay asul at berde. Parang yung mga kurtina may markings rin sa sahig.
Ang mga palamuti sa pader ay kulay ginto at pailak. Maging mga vase sa lamesa ay tila mamahalin at naglalaman ng naggagandahang bulaklak. Lubos ang pamumukadkad ng mga ito. Walang nakasinding ilaw dito sa kwarto pero nasisinagan ng buwan ng nagmumula sa nakabukas na malaking bintana ang lugar. Siyang dahilan kung bakit kumikinang ang mga naririto.
Manghang-mangha parin ako sa silid na kinaroroonan ko. Napatingin akong muli sa bintana. Sikat na sikat parin ang buwan ngunit mahahalata na ang pagsilip ng liwanag mula sa mga ulap. Marahil ay bukang-liwayway na. Tila napakalapit ko sa buwan at sa kalangitan. Bumaba ako sa kamang kinalalagyan ko. Pagkatapak ko sa sahig ay ramdam ko ang lamig sa aking mga paa. Dulot marahil ng simoy ng hangin. “Teka, bat paa ko lang ang nanlalamig?”
Doon ko lang napagtantong iba na ang aking kasootan nang tingnan ko ito. Nakasuot na ako ng pantalon na kulay asul, naburdahan ito ng kulay pilak na sinulid. Long sleeves naman na pantaas, kulay berde, naburdahan rin ng pilak. Nadagdagan na naman ako ng pagtataka dahil sa mga nangyayari ngayon.
Naglakad ako papalapit sa bintana. Pinagmasdan ko lang ang tila napakalapit na buwan. Napakaganda nito, napakalaki. Napansin kong may pinto malapit sa bintana. Pumunta ako rito at binuksan. Lumabas ako ng silid.
Sa paglabas ko ay sumalubong ang malakas na ihip ng hangin. Biglang pumasok sa isipan ko yung tagpo sa kabundukan. Pinaghahabol ako ng mga kawal ng palasyo at nakuha nila ako. Bihag na nila ako ngayon. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko at desperado ang mga kawal na mahuli ako. Pinamumunuan pa talaga sila ng Heneral sa paghahanap.
“Kailangan kong nakatakas rito.” saad ko. Sa kahit anong paraan kailangan kong makatakas. Tiyak na matinding kaparusahan ang naghihintay sa akin rito.
Balkonahe pala itong labas ng kwartong pinanggalingan ko. Lumapit ako sa railings at inisip kung paano ako makaka-alis. Dumungaw ako at nanghina sa nakita. Nanginginig na ang mga paa ko at pinagpapawisan ako kahit malamig ang paligid.
“Ang taas...”
Napaupo ako dahil bigla akong nanghina. Sumandal ako sa railings. Mabuti nalang dahil halos isang metro ang taas nito. Hindi ako takot sa matataas pero yung ganito, sobra naman. Napakataas talaga. Tanaw ko kanina ang itaas ng bundok at tila malayo pa iyon sa paningin ko. Talagang mataas.
“Shit. Floating palace nga pala itong Sacrandia.” naalala ko.
Nang makabawi ako ng kaunting lakas ay pinilit kong itayo ang sarili ko at nagtungo pabalik sa loob. Dumiretso ako sa kama at nahiga. tila hinang-hina na naman ako. Siguro hindi ko parin nababawi yung enerhiya kong naubos dahil sa kakatakbo at pag-akyat ng puno. Bumigat rin bigla ang mga mata ko at tila nais na nitong pumikit. Sinubukan kong labanan ito, “hindi, kailangan kong makaalis dito..” hindi tumagal ay bumigay rin ako at tuluyang dumilim ang lahat.
YOU ARE READING
Sacranda: Fire Princess
FantasyA Prince. A Princess. A King. A Queen. Warriors. Magic users. Weapon wielders. In the land where only Sand, Water, Bow and Arrow, and a Trident are used as a magical tool. Things turned out to mess. What if first time in their history, someone will...