CHAPTER THREE

134 2 1
                                    


    Dinala ako ng ipo-ipo sa isang kwarto. Napakaluwang nito. Kapareho nung nasa kwarto ko kanina, ang mga kulay sa paligid ay berde at asul. Napatingin ako sa markings sa dingding. Parang pamilyar ang mga iyon. Inalala kong mabuti kung saan ko nakita ang mga iyon. “Ah! Tama, tama.” Tiningnan ko yung suot kong damit. Kapareho ng mga nakaburda dito yung mga markings sa dingding. Ang pinagkaiba lamang nila ay yung nasa damit ko pilak samaantalang ginto naman ang sa mga dingding.

“Miraj, nariyan ka ba?” san na napunta yung babaeng yun? “Miraj..!”

“Mabuti naman at narito ka na.” nagulat ako boses na biglang lumitaw sa kung saan. Sigurado akong hindi iyon ang boses nung babaeng Miraj daw ang pangalan. Naghanap ako sa silid at nakitang may buhangin sa isang upuan. Nag-aanyong.....tao.

“Sino po kayo?”

“Ako ang tagapangasiwa ng palasyo, tawagin mo akong Jaira (Ai-ra).”

“Sinabi sa akin ni Miraj na dadalhin niya ako sa makapagpapaliwanag sa akin kung bakit ako nandito. Kayo po ba ang tinutukoy niya?”

“Ako nga. Ikaw ay nagmula sa Sacre (Southern Alps Region) hindi ba?”

“Tama po kayo.”

“Kung ganoon alam mo kung sino ang mga nabibilang sa palasyo ng Sacrandia.”

“Opo. Pinakamatatapang, pinakamalakas, pinakamahusay at pinakamakapangyarihan sa buong Sacranda.”

“Tama ka riyan. Simula sa puntong ito ay kasapi ka na sa palasyo.”

“Po?!” nakakagulat naman to. Ni wala nga akong alam gamitin na kapangyarihan. Bilib na bilib ako sa mahika pero hindi ko alam kung pano iyon ginagawa. Tama, mula nga ako sa Sacre, kilala ang tribo namin sa paggamit ng pana at palaso. Pero para lamang iyon sa mga naturuan ng husto sa paggamit ng mahika. Ulila ako sa mga magulang. Lumaki ako sa puder ng aking tiya pero itunuring niya lamang akong isang alipin. Inalila niya ako. Ni hindi ko rin naranasan ang makatapak man lang sa paaralan ng Sacre. Lagi ako sa aming tirahan. Ginagawa ang lahat ng bagay na maaaring gawin. Utos dito, utos doon. Ganoon ang tiya ko sa akin. “Patawarin niyo po ako, pero baka naman po nagkakamali kayo...”

“Sa tingin mo ba nagkakamali si Sacra (diyos sa Sacranda) sa pagpili sa iyo?”

“Pero.... wala pong akong alam gamitin na mahika. Ni hindi pa nga ako nakakahawak ng pano at palaso maging kahit anong kagamitan panlaban.”

“Hindi ako ang pumili sa iyo. Ilang araw na rin ang nakalilipas mula noong makausap ng hari si Sacra sa kaniyang pag-aayuno. Isinaad sa kanya ng diyos na may bagong nilalang ang dapat mapabilang sa Sacrandia. Hindi malinaw ang dahilan ni Sacra sa pagpili sa nilalang na ito. Batid din niya na walang anumang kakayahan ang nilalang sa paggamit ng mahika.”
“Kung ganoon, ako lang ba ang hindi marunong gumamit ng mahika? Sa buong Sacranda? Ako lang?!”

“Hindi sa ganoon. Binasbasan ng hari ang mga kawal na nagtungo sa iyo at dahil sa kapangyarihan ni Sacra natunton ka nila at nabatid nila kaagad na ikaw ang kanilang pakay.” pagpapaliwanag niya. “Ni hindi nila alam kung sino ang kanilang tinutunton. Lumisan sila ng palasyo na walang kasiguruhan na matatagpuan ka. Pero sa gabay ng diyos, nadala ka nila rito.”

“Hindi ba ako dinala rito bilang isang bilanggo?”

“kung inaakala mong ang ginagawa mong pagnanakaw at iba pang paglabag ang dahilan kung bakit ka naririto ay mali ka. Ngunit hindi ko rin sinasabing walang kinalaman iyon sa pagiging miyembro mo ng Sacrandia. Marahil ay nakitaan ka ni Sacra ng kakayahan na wala sa iba. Halimbawa na lamang, madali kang magnakaw at makatakas. Madali para sa iyo ang pag-akyat at pagtalon sa mga puno. Nagawa mong takasan kahit papano ang mga kawal ng Sacrandia. Bagay na hindi kayang gawin ng mga ordinaryong mamamayan ng Sacranda”

Sacranda: Fire PrincessWhere stories live. Discover now