chapter 4: Date??

33 1 0
                                    

( Stephen's POV)

*KRING KRING KRING*

Pesteng alarm clock to oh! Istorbo sa mahimbing kong pagtulog. Mai-text na nga lang si Claudine my love  ♥ :""> Yuck ano ba yan!! BADEENG!!

To: Claudine

Hi Pretty :) Goodmorning :* How are you?

ANOBAYAN!! SHI*T!! Ano ba tong nararamdaman ko! Nafo-fall na ba ako? Hindi pwede to Stephen!!  Baka may heart disease lang ako. TAMA! Heart disease lang to at saka nagagandahan lang naman ako sa kanya, YUN LANG!!

From: Claudine

Hi, Not Fine :(

Himala! Nagreply! pero teka, Ano kaya nangyari? Bakit ako nako-curious? Hay ewan!! Yayain ko na lang sya lumabas

To: Claudine

Ui!! Bakit ka malungkot?! Kaylangan mo ba ng kausap?? Gusto mo ba magkita tayo ngayon?? 

TANGA!! Malamang kaylangan nya ng kausap. Haist!! Talino mo talaga Stephen!!

From: Claudine

Sige

Yes!! Pumayag!! WOOH!! Makaka-score din!! Ay takte! Ano ba naman iniisip mo Stephen! May problema na nga yung tao ganyan ka pa!! hmmm.. San kaya sya pwede dalhin? Sa park na lang siguro tutal dun naman ako pumupunta pag malungkot ako.

sa wakas napansin din ako di Claudine!!

To: Claudine

Sige.. Kita tayo sa 7-eleven 

(Sa kotse-- Claudine's POV)

Bakit ganito? di ako makapagsalita? Bakit ako naiilang? Di ka dapat mailang Claudine! Nakakaya mo ngang sigawan at awayin tong tao na to eh tapos ngayon tameme ka jan!! Umayos ka!! Kaylangan magsalita ka!!

Claudine: San naman tayo pupunta?! Kanina ka pa drive ng drive! Nililigaw mo ata ako eh.

Stephen:  Oh, Ayan ka na naman, Ang sungit mo na naman, basta.. Relax ka lang jan

Claudine: Hoy Stephen umayos ka ah!! Nakoo!! Kung ano man yang iniisip mo itigil mo na!!

Stephen:  HAHAHA!! Chill! Sa park tayo magde-date *wink*

Claudine: Mabuti nang nagkakaliwanagan at hoy!! Hindi ito date!! Date mo mukha mo!!

Stephen: Ano bang tawag dito? Tayong dalawa lang magkasama? *evil smile*

Claudine: Wag ka ngang ngumiti jan!! Kinikilabutan ako eh!! Hindi ito date!! Date oh suntok?? *sabay raised ng closed fist*

Stephen: Syempre hindi nga to date

Maggagabi na din nung makarating kami sa park...

At nung nakapunta kami sa main attraction ng park na ito.. Bigla ko na lang nakalimutan yung lungkot na nararamdam ko nung makita ko yung fountain na nagsasayawan ang mga tubig nito at may kasabay na pagbabago ng ilaw sa bawat galaw nito..

Claudine: WHOOOOAH!!! *eyes sparkle*

Stephen: Ang ganda no? Dito ako pumupunta pag malungkot ako eh.

Claudine: Grabe sobrang ganda Stephen!!! ^______________^

Sa sobrang nagandahan at pagkamangha ko, Nadala ata ako masyado kasi...

Bigla kong nayakap si Stephen....

 1%

22%

35%

81%

93%

100%

Saka ko lang naisip na nayakap ko si Stephen at sa sobrang pagkabigla din nya ay 'di ito makagalaw at nanlaki na lang ang mata, kaya naman kumalas na agad ako sa pagkakayakap..

Kainis!! Bat ang bagal magload ng utak ko?? Buffering lang?!

Claudine: ahh ehh-- uhmm.. Sorry

Stephen: Dont be

at mas ikinabigla ko ang sumunod na nangyari....

Bigla akong niyakap uli ni Stephen...

Stephen: Iiyak mo kung may problema ka sabihin mo sakin ang I'll just listen at gusto ko pagkatapos mo sabihin sakin lahat ng problema mo ay totoong ngiti na ang ipapakita mo sa mga tao...

Kainis ka naman Stephen eh!!! Naiyak na naman tuloy ako.. Okay na eh, okay na talaga eh, nakalimutan ko na eh, pinaalala mo pa :((

Bakit ko pa kasi naalala uli?? Di ba pwedeng makalimutan ko muna kahit ngayong gabi lang?

teka....

umaambon ata..

May nararamdaman na kasi akong patak na tumutulo sa pisngi ko..

At ayun na nga kinwento ko na lang kay Stephen yung problema ko.. Lahat-lahat, wala naman syang ginawa kundi pakinggan lang ako.. Minsan pala pwede din magseryoso ang taong to, at dahil dun gumaan ang pakiramdam ko..

Claudine: Thank you Stephen ah, Kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko

Stephen: No prob ^^ Basta kapag kaylangan mo ako just text me *wink*

Pagkapasok ko ng bahay bakit ganun parang kinakabahan ako na ewan..

AGHH.. Natatae lang siguro ako..

Mommy: Oh anak bakit abot tenga ngiti mo jan? Nababaliw ka na ba??

Caludine: Mommy naman eh, Akyat na po ako ah, magpapahinga na po ako

Saka ko lang nalaman na naka-ngiti pala talaga ako. Bakit hindi mawala tong ngiti na to? Baliw na kaya ako? Siguro =)))

Complicated loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon