Dumaan ako malapit sa CR at narinig ko na parang umiiyak siya.
Natauhan ako
nasabi ko sa sarili ko
"ang sama ko naman, nagpaiyak ako ng babae" pero anong magagawa ko? nangyari na eh
hindi nlng ako aamin
alam kong lalo siyang magagalit sakin kapag nalaman niya na gawa ko yun at kapag nalaman ng iba, ano nlng iisipin nila sakin.
Narinig ko parin ang paghikbi niya, binuksan niya ang pintuan ng CR at napansin kong nagpunas na siya ng damit, mukha, ulo at buhok niya at pinagpag ang pulbong natapon sa kanya.
Naupo siya sa upuan sa isang classroom na wala ng tao.
Hindi ko mapigilang makonsensya, kinuha ko kagad ang panyo ko sa bulsa at agad pumunta sa kanya
nilapit ko ang panyo sa may mukha niya
napatingin siya sakin
"Anong ginagawa mo dito?"
"Eto, inaalok ang panyo ko"
"Thanks pero wag nalang"
"No, I insist. Kunin mo na kasi. Tamo, tulo na sipon mo oh"
"argh! Akin na nga yan"
"kukunin mo din pala e" pabulong kong sabi
"May sinasabi ka?"
"Wala, sabi ko tahan na"
"Siguro pinagtatawanan mo din ako kanina"
"Huh? Hindi noh, di ako ganun"
"Sus! Ganyan naman kayong mga lalaki eh"
"Hindi lahat ng lalaki, parepareho"
"Kala mo lang"
"Nag-ooffer na nga ako ng panyo ko, kaya please lang i-set aside
muna natin yung argumentations natin?"
"Fine"
"Ano bang nangyari sayo?"
"Natapunan ako ng pulbo. Isn't it obvious? -______-"
"Medyo obvious nga"
"Napakasama talaga nung taong gumawa nito,
nako kung malaman ko lang kung sino. Lagot tlga siya sakin! Grrrrr!"
"O teka, relax lang"
"Oh gabi na din pala, paalis nako. Ikaw ba? Iwan na kita dito"
"Ui teka lang naman! Ayokong maiwan dito, takot ako"
"HAHAHA"
"Yabang neto! Multuhin ka sana"
"Haha, walang ganyanan"
"teka teka, ano nga bang pangalan mo Ms. Mataray?"
"Hindi ako si Ms. Mataray. May pangalan ako at Allyra ang name ko. Ally for short"
"Ah kala ko kasi Mataray ang pangalan mo eh xD pero joke lang. Ako nga pala si Patrick. You can call me Pat or Patrick. Bahala ka na kung ano gusto mo"
"Ah okay, bagay nga sayo pangalan mo. Pat-pat ka nga, payat! Haha"
"Yabang nito, hindi ako Pat-pat noh. Macho toh noh!"
at nag macho pose ako
"HAHAHA, di bagay"
"Yabang!"
at natawa na din ako.
"Sge una nako, balik ko nlng tong panyo mo sa susunod."
"Wag na, may uhog mo na yan eh. Hahaha"
"Yabang mo tlga. Ewan ko sayo! BYE"
at nagwalk out na si Ally.
BINABASA MO ANG
DEAL or NO DEAL
Teen FictionDahil sa isang pustahan, nagsimula ang pagtitinginang hindi inaasahang mabubuo sa pagitan ng dalawang tao. Pilitin mang sabihin sa sarili na wala lang, pero ang totoo, unti unti mo na siyang minamahal. Kung malaman niya na nagsimula lang ang lahat s...