chapter 1:

100 5 0
                                    

Mag iisang oras nang nkahimpil ang aking sasakyan dito sa parking lot ng simbahan kung saan gaganapin ang aking kasal.

Mag iisang oras ko naring hinihintay ang babaeng nakatakda kong iharap sa dambana.

Ilng minuto pa ang lumipas at sa wakas dumating din ang bridal car na gamit ng babaeng nakatakda kong mapangasawa.

Mapait akong napangiti ng lumabas ang organizer at wedding planner na kinuha ko upang maging maayos ang gaganaping kasalan. Pawang mga aligaga at parang mga pusang hindi mapa anak sa kinatatayuan.

Maya maya pa ay bumaba mula sa sasakyan ang isang napakagandang babae.Suot nito ang isang mamahaling trahe de boda. Na gawa pa ng isa sa pinaka sikatvna designer sa bansa.

Kitang kita ko mula sa kinahihimpilan ng aking sasakyan ang pag aalala sa muka ng babaeng pinakamamahal ko.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto pa bago ako nag pasyang lumabas ng sasakyan. At saka dahan dahang lumapit sa kanila.

"Oh my gosh Tim! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa dapat nagsimula ang seremonya para sa kasal mo. Halika na sa loob at pumwesto ka na. Bulalas ni Lala ang wedding organizer ng kasal.

Walang sali, salita at walang lingon likod akong nag lakad at tinahak ang daan patungo sa loob ng simbahan deretso sa harap ng altar.

Nakapwesto na ang entourage mula sa mga abay, ring at bible bearer sponsors hanggang sa flower girl.

Pinanuod ko sila habang dahan dahang naglalakad sa isle patungo sa kani kanilang mga pwesto. Lahat sila hindi maitago ang saya. Lahat nakangiti. Ang ibay nakangiti na may kasamang luha dahil marahil sa saya.

Lumingon ako sa gawi ng aking ina na kanina pa walang tigil sa pag hikbi. At ang aking ama na kanina pa pilit nilalabanan ang pag patak ng mga luha.

Masaya sila, masaya sila dahil matagal na nilang pangarap na maikasal ako at bumuo ng sariling pamilya. Pero kabaliktaran ng sayang nadarama nila ngayon ang nararamdaman ng puso ko.

Maya maya pa ay pumailan lang ang isang awitin na napaka spesyal para sa akin. Hudyat ito na bubuksan na ang malaking tarangkahan ng simbahan para sa babaeng naging bahagi ng buhay ko ng napaktagal na panahon.

Napatayo ako ng tuwid nang mula sa pintuan ay pumasok ang babaeng pakakasalan ko. Muli sunod sunod na tumulo ang aking mga luha at nag unahan sa pagpatak. Matyaga akong naghintay sa dambana ng simbahan. Nag hintay hanggang makalapit ang babaeng pinakamamahal ko.

Habang papalapit siya ng papalapit sa kinaroroonan ko, patuloy naman sa pgdaloy ang mga luha ko. Mga luha na punong puno ng paghihimagsik. Luha na punung puno ng sakit. Sakit na gawa ng babaeng pinakamamahal ko.

Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ang saktan ako ng ganito. Hindi ako mkapaniwala na aabot kami sa ganito.

Hangang marating na nila ang kinaroroonan ko. At  Nakangiting iniabot ng kanyan ama ang kamay nito saka sinabing ingatan ko ang kanilang prinsesa.

Ngumiti ako. Ngunit ngiti ng pag sisisi.
Pag sisisi na kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo ang babaeng ito pa ang minahal ko.

Lumapit sa akin ang kanyang ina. Saka yumakap at humaplos sa likuran ko. Katulad ng kanyang kabiyak nagbilin ito na ingatan at alagaan ang kanilang prinsesa.

Matapos nun ay naramdaman ko ang nangangatal na kamay na humawak sa braso ko. Nilingon ko ito, at wala akong ibang makita sa mga mata niya sa mga oras na ito kundi takot. At tila pakiuasap na wag kong ituloy ano man ang binabalak ko. Ngunit huli na. Dahil buo na ang desisyon ko. At bago paman magsalita ang pari upang simulan ang seremonya, ay humarap ako sa babaeng ramdam na ramdam ko ang panginginig na tila ba anu mang oras mula ngayon ay hihimatayin na ngunit  wala akong pakialam.

Run Away GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon