chapter 15

21 2 0
                                    

A/N

Sorry po sa suppeeeerrr late na update mejo na busy lang po sa work. I can't  promise na mas dadalasan ko pa ang update pero pipilitin ko pong maka pag update kahit at least once  a week.
Thank you sa pag ta tyaga at sa pag hihintay ng update ni otor. Love you all 😘😘😘

akakatuwa ang dami ng mga nahuhuling isda hipon at alimango sa dalawang magkatabing cage na pag aari ni Gab. Bagay na sobrang nagpapasaya kay Gabbie na ngayon ay enjoy na enjoy sa pang huhuli ng naglalakihang isda. At tila batang nagtatalon at nag hihiyaw sa twing may mahuhuli ito sa pang salok na dala dala nito.

"Aaayyyy hahahaha!

Napalingon ako sa kinaroroonan nito sa may dulong bahagi ng isa sa mga cage nang marinig ko ang matinis na tili at ang malulutong na tawa ni Gabbie. Na hindi ko alam kung bakit ang sarap sa pandinig ko. Abala ito sa panghuhuli ng mga isda mula sa cage.

Tuwang tuwa sa tuwing makakasalok ng malalaking isda. Kaya naman maging ang mga tauhan ni Gab ay libang na libang din sa panood dito. Lahat ay tawang tawa sa bawat reaksyon ni Gabbie.

"Tama na ho siguro ang mga ito. Baka po hindi na namin madala ang iba" narinig kong sabi ni Gab sa katiwala habang nakatingin sa mga cooler na naglalaman ng mga sariwang isda hipon at alimango na dadalhin namin pabalik sa hacienda.

"Yung ibang huli ho ay kayo na ang bahala. Dagdag pa nito.

"Ay sige ho sir. Ipapahakot ko na ho ang mga ito sa yate at nang maisaayos na.".

"Sige ho, salamat ho" pagtatapos ni Gab sa usapan saka tumango at lumapit sa akin.

"Uuwi na ba tayo? Tanong ko

"Oo, kaya lang mukang libang na libang pa ang isang iyon hahaha,, anito sabay nguso kay Gabbie na ngayon ay kasama na ng mga bata sa tabing dagat at makikipag habulan sa mga ito.

"Oo nga eh, haha. Sagot ko na hindi nawawala ang ngiti.

"Ever since mahilig na talaga yan si Gabbie sa mga bata kaya nga naging doktor.  Gustong gusto niya ang nakikipaglaro sa mga paslit katulad ngayon. nawawala daw kase ang stress  niya kapag kasama niya ang mga bata. Hmn, maaga pa naman let's go, let's join them" anito kasabay ng pagtingin sa kanyang relong pambisig saka inihagis ang bit bit na bag kasama ng ibang gamit ni Gabbie at patakbong lumapit sa mga naglalaro ng habulan.

Habang ako ay napapailing nalang habang nakangiting nakasunod ng tanaw kay Gab hanggang marating nito ang kinaroroonan ng mga ito.

Panay ang kaway ni Gab at pinipilit akong makisali sa kanila. Pero mas pinili ko na lamang maupo nakatumbang puno ng niyog sa di kalayuan. Inilabas ko ang aking camera at walang tigil na kumuha ng mga larawan ng kapaligiran at maging sila ay kinukuhanan ko ng palihim lalo na kapag ngumingiti si Gabbie.

Napaka ganda niyang pag masdan habang nakikipag habulan sa mga bata. Tumigil lamang ang mga ito ng isa isa nang tawagin ng kanya kanyang mga magulang ang mga paslit.

Nang tuluyan ng makaalis ang mga bata ay agad namang lumapit sa akin si Gab at niyaya akong mag swimming  muna bago bumalik sa villa at maghanda para sa pagbalik sa hacienda.

Wala na akong nagawa kundi ang sumama narin. Gusto ko rin naman ma enjoy itong huling araw namin sa lugar na ito.

Hinubad ko lang ang T-shirt na suot ko saka sumunod kay Gab. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit  sa kinaroroonan nito ay napansin ko ang pag linga linga nito sa paligid na tila may hinahanap. Maya maya pa ay narinig ko na itong tinatawag ang pangalan ni Gabbie.

Bigla  ang pag lukob ng kaba sa aking dib dib. Agad na hinanap ng paningin si Gabbie ngunit hindi ko ito makita. Kaya naman nagmadali na akong lapitan ang ngayon ay natataranta ng si Gab.

Run Away GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon