chapter 12

30 6 1
                                    

Gabbie's P.O.V.

Matapos kong layasan si Gab sa kubo ay tumuloy na ako dito sa kwarto ko. Hindi ako galit or nagtatampo sa kanya.  Dahil sanay na ako sa mga pang aasar niya. Ang totoo, hindi ko talaga alam kung anong ikikilos ko sa harap ni Tim matapos ang nangyare kanina. Bigla akong nakaramdam ng hiya. At hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng sandaling yun. Sa  dinami dami ng pagkakataon na pwede akong mabulunan,ngayon pa.

"Im sure, ang panget ko kanina huhuhu". Maktol ko  sa aking sarili.

Wierd.

Bago sa akin ang ganitong pakiramdam. Nag karoon narin naman ako ng mga crush nung high school at college. Or lets say nag kagusto narin ako nuon sa opposite sex. But i've never been this conscious in front of a man.  

Pinaghalo halong kaba, hiya, kilig, inis, ang naramdaman ko nang abutan niya ako ng tubig lalo na nang lumapit siya upang bahagyang tapik tapikin ang likuran ko.  Hindi ko man kita ang muka niya, ramdam ko ang pag aalala niya. At hanggang ngayon, ramdam ko parin ang mainit niyang palad at ang  marahang pag hagod niya sa likuran ko. Muli, bimilis nanaman ang tibok ng puso ko  na tila gustong kumawala at tumalon ng tumalon sa ibabaw ng kama ko.

"Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Bakit?!!!. Mahinang maktol ko pa sa sarili ko.

Ilang minuto na akong nakatunganga sa harap ng bintana, at pinagmamasdan ang mga dahong isinasayaw ng hanging nagmumula sa karagatan. At ang pag hampas ng mga mumunting alon sa dalampasigan ng makarinig ako ng mahinang katok sa pinto. Kaya naman umalis ako sa tabi ng bintana at lumapit sa tapat ng pinto ng silid.

Huminga muna ako  ng malalim  at inihanda ang seryosong muka sa pag aakalang si Gab ang nasa labas ng silid. Masyado kong kilala si Gab. Alam na alam ko na matapos kong mag tampo sa pang aasar niya ay susuyuin naman niya ako para magkabati kami. Bagay na nakasanayan ko na mula nung mga bata pa kami hanggang sa ngayon na malalaki na kami.

Ngunit laking gulat ko nang  sa halip na si Gab ay ang gwapong mukha ni Tim ang bumungad sa akin.  Napaka gwapo nito sa suot na plain white shirt na tinernohan ng black na walking shorts.

"Why so gwapoo"  bulong ko sa sarili.

"H-hi" tila nahihiyang aniya ng buksan ko ang pinto.

"H-hi, may  kailangan ka? Tanong ko sa pilit pinaseryosong tinig.

"A-ahm, wala naman, i just want to know if you're okay now?. Tanong nito na ang tinutukoy ay ang nangyare kanina sa hapag kainan.

"Huh" ,ahm yeah, okay na ako. Thank's from earlier. Sagot ko na hindi na naitago ang hiya at kabang nadarama.

"N-no its nothing. Really.  Ahm, anyway, I came here because Gab said that we are going to explore the island  this afternoon.  Anito na nauutal at tila nahihiya.

"Oh, okey then, ill just fix myself, i'll see you in a bit. Sagot ko bago isinara ang pinto ng silid saka  sumandal duon ng may ngiti sa labi.

Ng marinig ko ang papalayong mga yabag nito ay agad akong lumundag sa kama at duon nagsimulang magpagulong gulong at impit na tumitili.

"Hoo! Puso! Kalma lang! Kalma ka lang dyan! Si Tim lang yun si Tim okay?!.  Kausap ko sa sarili ko. Sabay tayo pag katapos ay parang batang muling  lumundag sa kama ko at nagpagulong gulong doon, ibinalot ang sarili sa comforter na naroon at muling nagpagulong gulong sa kama, habang impit na tumitili at tumatawa na para bang masisiraan na ako ng bait.

Ilang saglit pa akong nagpagulong gulong sa kama bago nag pasyang bumangon upang mag bihis at mag ayos. Ngunit bago pa man ako makapasok sa banyo ay muli nanamang may kumatok. And this time i know its Gab, kaya hindi na ako nag abala pa na pag buksan ito. Sa halip ay nagpatuloy ako sa pag pasok sa banyo at nagbihis.

MOMENT'S LATER....

"Shall we go? Magiliw na aya ko sa dalawang nag ga gwapuhang binata na kanina pa naghihintay sa akin sa munting sala ng bahay bakasyunan ni Gab.

"WHAT THE-  Gabbriella!

"What?  Nakangising tanong ko kay Gab, kahit na isandaang porsyentong alam ko na ang dahilan kung bakit halos umusok na ang kanyang bunbunan sa galit, at parang puputok na ang ang mga litid sa leeg  sa pag sigaw sa akin.

Pero dahil "INIS" ako kuno, nagpatuloy ako sa pag lalakad papalabas ng rest house. At gaya ng inaasahan, bago ko pa man maihakbang  ang mga paa ko palabas ng pinto ay may dalawang matitipunong mga braso ang dumaklot sa magkabila kong braso at ibinalik ako sa loob.

And yes! Tama ang nabasa nyo, dalawang matitipunong braso. Which means, dalawa sila ni Tim na pumigil sa akin.

"Go back to your room and change your clothes". Inis na utos ni Gab. Habang si Tim naman ay seryosong nakatitig lang sa akin. Na mayroong  "GO CHANGE YOUR CLOTHES" look. Pero dahil nga pasaway ako today,  hindi  ako magpapatalo syempre. (Insert evel smile)

"Why? What's wrong with my clothes? Okay naman ah?  Painosenteng tanong ko. Habang, pabaling baling na pinagmamasadan ang sariling repleksyon sa  salaming bintana ng rest house.

Paano ba naman. Suot ko ngayon ang pinaka maikling shorts na  meron ako at hanging blouse  na kapwa regalo sa akin ng mga kaibigan ko noong 26th birthday ko.

"Nababaliw ka na ba Gabbriela?  Bumalik ka sa kwarto mo at mag bihis ka! Ngayon na! Iritang utos nito.  Mangungulit pa sana ako pero mukang kaunti nalang sasabog na talaga siya. Habang si Tim ay seryoso at hindi ko mabasa ang imosyon sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan ako.

"Okay! Hmp! Aniko sabay irap dito at nagdadabog na tinalikuran ang mga ito.

Run Away GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon