chapter 17

4 0 0
                                    

Gabbie's  P.O.V

Hindi   agad nakapagsalita si Tim dahil sa sinabi ko.  Nanatili na itong tahimik sa sasakyan hangang sa marating  na namin ang hacienda.

Kung ano ang iniisip niya, yun ang hindi ko alam.

Siguro ay hindi niya inaasahan ang pagiging straight forward ko.  Na kahit ako ay ipinagtataka ko rin sa sarili ko.

Well, hindi ko siya masisi.

Iilang  lingo palang naman siyang nag stay dito sa hacienda, pero yung ilang lingo na iyon para sa akin ay sapat na para maobserbahan ko ang bawat kilos at galaw niya at makita mula sa mga mata niya ang totoong nararamdaman niya.

Hindi ko alam kung paano, but i have this side of me na  kapag nakasama ko sa iisang lugar ang isang tao, palagi kong tinitingnan ang mga mata nila.

Feeling ko kase makikilala ko ang totoong sila through thier eyes. And with Tim. Unang beses ko palang nakita ang mga mata niya, ramdam na ramdam ko na yung matinding galit at lungkot niya.

And that is one of the main reason.  kung bakit iniwasan ko na ang pagtataray sa kanya. Feeling ko kase makakadag dag ako sa bigat na nararamdaman niya.

Though, muka naman talaga siyang mabait. At sa ilang araw na magkasama kami dito ay napatunayan ko yun.

Sayang nga lang dahil hindi rin siya magtatagal.

Dahil ilang araw nalang mula ngayon ay aalis na siya at babalik kung saan talaga siya nararapat.

Upang harapin ang mga bagay bagay tungkol sa buhay niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng lungkot ng maisip ko yun. Para bang ngayon palang nangungilila na ako sa kanya.

"Hoyy! Natulala ka na  dyan hahaha! Natatawa kunwaring untag ko sa kanya nang madatnan ko itong nakatayo sa harap ng silid niya at bit bit parin ang mga gamit.

"Huh? Ah, eh,, hehe, tila nahihiyang tugon  nito na bahagya pang napakamot sa ulo.

"Nagugulat lang ako sa pagiging straight forward mo anito kasabay ng alanganing ngiti. I didn't expect that.".

"Well, ganito talaga ako masanay ka na haha. Sinasabi ko kung ano ang nasa isip ko as long as alam kong hindi naman makakasama or makakasakit ng ibang tao.

"Hmn, i can see that, which is good i think. Sabi nga nila diba mas mabuti ng masaktan ka sa katotohanan kesa mabulag sa kasinungalingan". Mas mabuti na yung totoo ka hindi lang sa sarili mo kundi pati narin sa ibang tao. Rather pretending to be a different person.

"Hahaha oo naman. Mismo! Though sometimes, di rin maganda pagiging prangka ko. Kase nakakasakit ako ng hindi ko nalalaman. Pero ganito na ako eh. Ito ako. At hindi ko naman siguro kailangan pa na baguhin ang sarili ko para lang i please ang ibang tao.

"Well, I agree with that.

You are so nice Gabbie, napakabuti mong tao. Tingin ko nasayo na ang lahat. Mabait, mayaman, matalino, matulungin, bonus nalang siguro yung pagiging maganda. Anito habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko na tila ba binabasa kung ano ang nilalaman ng isip ko sa pamamagitan ng pagtitig sa mga ito.

Dahilan para ako naman ang siyang matulala at tila nahihipnotismong tumitig pabalik sa mga matang yun na tila ba nangungusap.

Mga matang  mga matang napakaraming nais ipahiwatig.

Mula sa aking mga mata ay bumaba ang titig niya sa aking mga labi. . Napansin ko pa ang bahagyang pag galaw ng kanyang lalamunan, sanhi ng pag lunok nito ng sariling laway. At ang pag igting ng mga panga nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Run Away GroomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon