Chapter 10

1K 16 0
                                    



Bigla akong nagising sa lakas ng alarm clock ng phone ko. Teka, anong petsa na nga ba ngayon? Ilang araw ko na palang hindi nakakasama o nakakausap ang exo, ilang araw nadin pala mula nung umalis sila. At walang oras, minuto o segundo na hindi ko sila nami-miss at naiisip.

Kung pwede nga lang pumunta sa Japan, pupunta talaga ako para makasama sila.

Binilisan ko na ang pagkilos dahil may susunduin pa pala ako sa airport. Its the day na pupunta si Jonah dito for a vacation.

Naglakad na ako papunta sa waiting area kasi nag text na sakin si Jonah at sabi niya papunta na daw siya dito. Na delay siya ng ilang araw dahil nagkamali daw yung nabigay na schedule niya sa flight. Nag hantay pa ako ng ilang sandali at nakita ko na siya di kalayuan sa kinauupuan ko.

"KATHERINEEEEEE!!!!" Bigla na lamang akong napatayo ng makita ko syang tumatakbo palapit sakin.

We hug each other ng sobrang higpit "I miss you!!!! Bakit ba ang tagal mo ha? Saan ka ba nag punta!!!???" Tanong ko ng humiwalay na siya sakin.

"Hays nagkaroon lang ng konting problema, hinanap ko pa kasi yung passport ko." Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo.

"Ang bata-bata mo pa ulyanin ka na." Pangangasar ko. Napatingin ako sa mga dinala niya. "Teka, bakit parang ang dami yatang laman yang luggage mo ha?" Tanong ko.

"Ha? Eh si mama ang nag pack ng mga gamit ko, parang ayaw na akong pauwiin sa bahay after neto." Natawa naman ako sa sinabi niya.

"HAHAHAHHA! Ayaw ka nga nyang pauwiin, bb." Nagtawanan lang kami.

Sabay na kaming nag lakad palabas ng airport. Kanina pa siya kuha ng kuha ng picture, ano ba naman tong si Jonah.

"Hoy tigilan mo na nga muna yan, tatawid tayo baka mabangga ka balakajan ah." Sabi ko at napa stop kami sa tawiran.

After namin tumawid sakto naman na may nag park na taxi sa bus stop di kalayuan dito at agad din naman kaming umalis sakay ng taxi.










~

Time pass by, narating na din namin ang no. ng room niya, medyo malayo yung room niya sa room ko pero ayos lang atleast dito din siya nag check in.

Pag bukas namin ng pinto, we suddenly felt a good and fresh air that circulates in these room made my mood better, feeling ko lahat ng strees ko nawala kasi may makakasama na ako dito.

Napa upo na lamang ako sa malambot na couch dito sa sala at napangiti kay Jonah.

"So saan dito yung rooms ng Exo ha?" I lose my appetite sa hindi inaasahang tanong niya.

"Wow naman Jonah, EXO agad hanap mo ha?" iritang sabi ko.

Umupo siya sa tabi ko at inilabas ang food na binili namin kanina sa 7/11 at inilagay ito sa center table.

Nakabusangot ko lang siyang tignan at hindi pa din matanggap na mas hinanap niya ang exo kaysa sakin.

But anyway, dahil we're bestfriends maybe i should answer her na.

"Nakalimutan mo na ba? mahigit ilang days na silang wala dito and unfortunately, yung rooms nila ay malayo pa dito." Bigla naman siyang nalungkot sa sinabi ko. "Actually, kung ano sila on cam, ganon din sila off cam. Walang pinag bago." I added while eating egg sandwhich.

"And that makes me more in love with them. Hindi sila katulad ng iba, sobrang humble nila." Kung makapag salita naman to akala mo nakasama niya na yung exo.

"For sure kapag nakita mo sila personally, magiging close mo din agad sila." Nakangiting sabi ko.

"Eh how about you and Baekhyun?? How was it?" She asked me and suddenly stop from eating.

[EDITING] (COMPLETED) Im Inlove With My Idol (Exo Tagalog Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon