It's Now or Never
(JED & VALERIE)
FALLING in love with my best friend is not easy like others. Maybe, not just a typical situation, because my best friend is a he outside but a she inside. He looks so manly that you won't think na kasapi siya ng samahan ng mga beki o bakla. Hindi siya kalahi ni Adan, kun'di kalahi niya sa puso't isip si Eva.
Kaya heto na naman ako, bilang best friend niya ay to the rescue sa kanyang mga problema. Problema means break up with his latest boyfriend. Kung hindi ko lang talaga siya mahal, nunkang pupuntahan ko siya ng ganitong oras at pakinggan ang pag-e-emote niya with matching tulo luha, uhog at laway.
Napakapit ako ng mahigpit sa suot kong itim na jacket. Tumingala ako at nagpakawala ng malalim na buntong hininga bago kumatok ng tatlong beses sa pintuan niyang yari sa narra. May susi naman ako ng gate nito pero naiwan ko ang duplicate key ng bahay niya sa sobra kong pagmamadali.
Maririnig ang mabibigat niyang mga yapak na papalapit sa pinto. Bumungad agad sa akin ang nakakunot-noo niyang pagmumukha.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad niya sa akin. Habang nililingon ang labas ng gate, tila hinahanap ang kotse ko.
"Where's your car? Don't tell me nag-commute ka lang papunta rito? Delikado na sa labas, lalo na ng ganitong mga oras. Babae ka, you should always remember that," walang kurap na tugon niya sa akin.
I just smile to him. Hindi ko na sasabihing tumirik ito the last time na punta ko rito sa kanya. Tinamaan ako ng katamaran para ipaayos ang nabubulok ko na ring kotse.
Isa ito sa dahilan kung bakit fall na fall ako sa lalaking ito. He's so sweet and caring, 'yong grabe mag-alala na para bang ikaw ang buhay niya.
"Come in, malamig pa naman ang panahon ngayon. Sa loob na tayo mag-usap," pagpapatuloy niya.
Kahit halos araw-araw akong pumupunta rito ay hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa loob ng bahay nito. So classy, neat and elegant like his personality. Mula sa mamahalin nitong mga muwebles, paintings and decorations.
Sinundan ko siya patungo sa kusina. Naglabas siya ng orange juice mula sa refrigerator at nagsalin sa dalawang baso.
"So? Another break up happened, ha?" usisa ko rito bago umupo sa katabing upuan.
"It's not about the break up actually. My dad wants me to get married already and have a child. I'm already thirty-two at wala pa raw akong asawa. Kahit mauna na ang anak ay puwede na sa kanya. Kaya't naisipan nilang kumontak sa isang dating agency para e-blind date ako," yamot niyang pahayag.
Napakamot naman ako sa aking ulo. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Pero baka puwede akong makipagsabwatan sa ama niya para isali ako sa line up ng blind date niya. Sigurado akong matutuwa ang mga ito.
"Besty... Best friend tulong naman. You know naman kung ano 'yong tunay na pagkatao ko hindi ba? I can't stay with a woman nor marrying a woman," anas niya.
"But you can stay with me for a long time. Comfortable and happy," turan ko sa kanya. Expecting what he will say to me.
"Because you are my best friend. That's why!" napabuntong hiningang pahayag niya. Naramdaman ko ang mumunting kirot sa aking puso. Unti-unting nadudurog at ngayon ay nawawasak na. I'm just his best friend. Just a best friend.
"You can told your father about you... being a gay. Your parents will understand that. Mga magulang mo sila, they'll accept you no matter what you are," suhestiyon ko sa kanya.

YOU ARE READING
It's Now or Never
Storie d'amore"To fall in love, you have to take risk of hanging yourself for this person."