Naisip ko, since biglaan naman na hindi makakasama si Belle, binigay ko nalang yung isang slot niya sa hostel.
Iba't ibang tao rin naman ang makakasama ko dun kaya okay na rin. Maganda naman siya. Mas lalo rin namin nakilala ang isa't isa dahil sa haba ng byahe at kwentuhan namin sa walang taong transient house sa tabi ng dagat.
Nung gabi naman, nag decide kami na lumabas muna para maramdaman ang lamig ng hangin mula sa dagat at para narin mag glamping.
"Eli?"
"Hmm?"
"May naisip ka na bang subject sa artwork mo?"
Sa totoo lang wala pa. Na distract nga ako nang dahil sakanya. May one day pa naman para mag isip. Siguro tatambay nalang ako sa beach para mag isip isip bukas.
"Wala pa eh.. Walang maisip.."
Ngumiti siya pagtapos, tumayo at tumakbo para ibabad ang mga paa sa malamig na dagat. Habang pinagmamasdan siya, hindi ko napansin ang galit ng mga alon sa dilim.
Masyado akong focus sa pag ngiti niya na para bang isang magandang panaginip sa buhay ko.
"Eli! Make me your subject!"
Sa pag sigaw mo.. Yun naman ang unang pag sigaw ng puso ko..
"~Old love is like cassettes, VHS, or floppy disk. You still want it, but it's pointless."
"So may girlfriend ka?"
"Sa dami ng itatanung mo, girlfriend?"
Umagang umaga nang hinila niya ko sa isang kilalang coffee shop dun sa likod ng beach. Nung dumaan daw kasi kami don, halos lasingin daw siya ng amoy nung pag brew ng kape. Sobrang bango din kasi talaga, nakakawala ng hang over.
"I'll ask you sana kung meron kang girlfriend pero you kissed me last night so I think wala kang girlfriend, right?"
Dare lang naman yung halikan ko siya. Dala na rin siguro ng kalasingan kaya nagawa ko yun. Matapos niya kong tanungin kung may first kiss na ba ko at hindi ko maalala kung meron, she told me na halikan ko siya baka sakaling maalala kong meron.
Hindi ko alam pero parang familiar yung malalambot niyang labi na dumampi sakin. Parang natikman ko na yung tamis nay un noon.
Pamilyar na para bang sanay ako gawin to at mukang hindi ko naman first time humalik. Pero kung talagang wala pa, ma swerte na din siguro ko na si Dani yung first kiss ko.
'Ikaw kaya yung first kiss ko Eli so panagutan mo ko..'
Narinig ko nanaman yung pamilyar na boses. Lagi nalang ganito mula nang makilala ko si Dani. Parang dumating siya sa buhay ko, sa NLEX para ipaalala kung ano o sino ba talaga ko.
"Miss Dani.. Hindi ibig sabihin hinalikan kita, wala akong girlfriend. Buti sana kung inulit ko.."
"So gusto mong ulitin?"
Nilapit niya yung mukha niya sakin at halos matikman ko na yung kape sa mga labi niya sa sobrang liit ng distansyang ginawa niya. Papikit pikit naman akong umiwas sa tingin niya kaya tawa siya ng tawa pagkalayo ng mukha niya. Kagabi pa talaga malakas tama niya.

YOU ARE READING
Illusion
Short StoryBilang isang artist, kailangan kong hanapin yung inspirasyon ko sa bawat ginagawa ko. Yung tipong kailangan kong magpahangin, aliwin yung sarili o kaya mag travel para sa inspirasyon dahil kailangan ko yun sa bawat artworks na ginagawa ko. Yung kay...