Buong gabi ko ata siyang pinag masdan sa pag tulog.
Madami akong napansin sa buong araw na magkasama kami. Madaming weird na bagay pero hindi ko nalang pinapansin. Minsan naiisip ko na baka dahil nalilito na ang puso ko, damay na rin pati pag iisip ko.
Nung pag sakay palang sa bus nagtataka na ko kung bakit isa lang yung singil sakin. Ganun din sa mga pinagkakainan naming. Madalas din akong pag tinginan ng mga tao.
Naiisip ko dahil head turner lang siya pero alam kong may mali. May mali pero masaya ako eh.
"Bakit gising ka pa?"
Nagulat ako dahil bigla siyang dumilat sa kabilang kama. Minsan creepy na talaga tong babaeng to eh.
"Nagising lang.."
"Matulog na, pag na puyat ka hindi ka na cute.."
'Hindi ka na cute dahil sa eyebags mo..'
Para talagang panaginip yung mga naririnig ko. Na napangiti nalang ako bago ko ipikit yung mga mata kona hindi iniisip kung bukas ganun pa rin ba? Gigising ako na may luha sa mga mata. Naririnig kita. Sino ka ba na nagpapaalala na may kulang pa..
"So pano ba dapat gagawin ko? Ngingiti ako or what?"
Natatawa ko habang pinapanuod ko siya. Hindi niya kasi alam yung ippwesto niya. Ngayon ko kasi siya iddrawing dahil bukas uuwi na ko. Hindi ko alam kung dito lang siya dahil hindi na daw siya makakauwi.
Hindi ko nalang pinansin dahil lagi naman siyang weird.
Tinuro ko kung paano. Na uupo ang siya habang naka ngiti sakin. Hindi ko naman mapigilan yung kilig dahil sa harap ko pa talaga siya pero kaylangan ko ng matapos yung ginagawa ko dahil padilim na rin kasi.
Hindi ko alam kung bakit ko naisip na sa pag lubog nalang ng araw gawin to.
"Nangangawit na ko sa pag smile, Elijah.."
Nakakatawa talaga siya. Pilit na pilit kasi yung pag ngiti niya kanina kala mo wala ng bukas.
"Alam mo ba tawag sa hayop na naka bra?"
"Huh bakit mo tinatanung? Hindi ko alam eh.."
"Edi zebra.."
Alam ko ako lang slow dito pero siya rin pala talaga. Tawa naman siya ng tawa at halos ayun na yung pinaka mabentang joke sa mundo.
Mas madali iguhit yung nakangiting Dani. Yung natural na saya hindi yung pilit na pose.
"Eh tawag sa naka panty na hayop?"
"Alam ko yan!!! Elepanty!"
Excited naman siyang sumagot na may malapad ring pag ngiti. Sige hihirapan ko.
"Sa hayop na naka brief?"
"No idea.."
"Edi ibon!"
"Ang bastos mo talaga!"
'Ang bastos mo talaga.'
YOU ARE READING
Illusion
PovídkyBilang isang artist, kailangan kong hanapin yung inspirasyon ko sa bawat ginagawa ko. Yung tipong kailangan kong magpahangin, aliwin yung sarili o kaya mag travel para sa inspirasyon dahil kailangan ko yun sa bawat artworks na ginagawa ko. Yung kay...