CHAPTER ONE
Wendy's POV
"Excuse me, excuse me! you're blocking my way." hinawi ko yung babaeng mukhang manang na nakaharang sa dadaanan ko.
Ano ba yan! Alam kong Malaki ang transformation ko ngayon kaya hindi na nila ako halos makilala. Haha! I don't think that someone would recognize me after my biggest transformation. Pero sana, wag naman silang haharang-harang sa dadaanan ko.
"S-sorry po. Sorry po." Ayan na naman nauutal na naman ang mga kausap ko. Buti nga hindi ko siya sinampal, pinatid, sinuntok, or something like that eh.
Now she learned not to bumped with a freaking-pretty-lovely-beautiful bitch like me.
I just continue walking pero syempre hindi pa dun natatapos yon. Binangga ko siya kaya naman kumalat yung mga papers na hawak niya. Haha! Poor kid. At kitang-kita ko naman sa reaksyon niya na naiinis na siya sakin. As if naman na may magagawa siya. Ano gagawin niya? Hihilahin niya buhok ko? Papakulam ako? Wow. Kawawa naman ang ganda ko pag ginawa niya yon.
"Bakit mo ginawa yon? Di mo ba alam na ang hirap gumawa ng research paper ha?!" she blamed me at the top of her lungs.
"A-ahmm.. Basta! Ang pangit mo kasi! Dyan ka na nga!" medyo nautal pa ako habang sinasabi ko sa kanya yon.
Eh kasalanan ko ba na tatanga-tanga siya sa gitna ayan tuloy binangga ko siya! -_- Kami rin kasi may project na research paper kaya nakakarelate ako sa kanya. Anubayan!
Pumasok muna ako sa room ng section nila Jenna bago tumuloy sa classroom namin.
"Ano namang get-up yan?" Sabi ni Jenna pagkapasok na pagkapasok ko ng room nila. Ni hindi man lang ako pinaupo bago niya paganahin yung bombastic ultra mega phone niya. -_-
"Ano ka ba! Hindi ka ba nanonood ng mga movies? Ganto yung karaniwang fashion sense ng mga bad girl."
"EH BAKIT? BAD GIRL KA BA HA?!!" Tinakpan ko kaagad ang bibig niya.
"Pwede ba hinaan mo lang yung boses mo?"
"Pwe! Ang alat ah! Eh bakit kasi pinagpipilitan mo na mataray ka. Dahil lang sa Jerome na yan? Dami pang lalaki dyan friend!"
"WHAT? Ang OA mo talaga!" Sa ganda kong 'toh hahabulin ko si Jerome? Nakakadiri ah..
Di ko siya hahabulin noh. Ipapakita ko lang sa kanya na sayang ang gwapo niya dahil hindi niya ako sinagot noon. Pagkatapos ko siyang ligawan ng halos isang taon, sasama lang siya sa haliparot kong pinsan? Ito namang pinsan ko, palandi ng palandi! -.- Fvck them all.