TWO
Wendy's POV
Iniiwasan ba ako ng mga ka-schoolmate ko? Wala naman akong ketong ah. Ang ganda ko nga eh. Ay oo nga pala, nakalimutan ko, takot nga pala sila sakin kasi daw, BITCH ako. -_-
Dumeretso ako sa CR pero kahit sa cr ganun pa din ang tingin sakin. May mga nakatungo habang nakakasalubong ako, habang yung iba naman, nagmamadali maglakad.
"Oh really? Hahahaha!" pagkakataon nga naman. Si Angel at Jerome pa ang nakita ko. Landi lang nila!
"Sige hon, antayin na lang kita dito." medyo nagtama pa ang mga mata namin ni Jerome. Ako na ang nag-iwas ng tingin. Ang kapal lang ng mukha ko kung makikipagtitigan pa ako sa kanya diba?
Pumasok na si Angel sa CR pagkasabi ni Jerome nun. At ako din, nasa loob ako ng CR kaya hindi ako tumuloy sa paglabas. Mas pipiliin ko na lang na makita ang impaktang si Angel kesa masalubong ko ang mayabang na si Jerome.
"Hi COUSIN." diniin niya talaga yung pagkakasabi niya ng 'cousin' COUSIN YOUR FACE!
Pero bakit ganun? Ang dami kong gustong sabihin sa kanya. Gusto ko siyang murahin. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang sipain. Gusto ko siyang sabunutan. Ang dami kong gustong gawin sa kanya pero hindi ko kaya. Naiinis ako!
Naduduwag ba ako sa babaeng 'toh? Ngayon pa ako naduwag eh ang dami ko na ngang nagawang hindi maganda since naging ganito ako. -_-
Totoo nga siguro yung sinabi ni Jenna. Hindi ako totoong mataray, pinipilit ko lang na patatagin ang sarili ko sa harap nila. Edi sana kung matapang ako, kanina pa ako nakalabas dito.
Edi sana, hindi na ako nagtitiis na makita at marinig ang boses ni Angel. Ang sakit na nga sa tenga, sakit pa sa mata!
Pinilit ko na lang na kalmahin ang sarili ko kahit sa loob-loob nito, gustong-gusto ko na siyang sapakin.
"Hello." tipid kong sagot sa kanya.
"Aww. Nakakainis naman ang sagot mo. You've been so cold since then." nag-crossed arm siya habang sinasabi ang mga salitang yon.
Ang lakas pa ng loob niya na kausapin ako pagkatapos ng pangyayaring yon? Hindi ba siya nahihiya sakin? Ang kapal talaga ng mukha niya!
Sinubukan kong magsalita ulit. Pero ayaw bumuka ng bibig ko. GOSH! Wendy ano ba! Si Angel lang yan. Yung impakta mong pinsan remember?
"And aww again. Hindi ka makapagsalita dahil natatakot ka sakin? You're such a loser." unti-unti siyang lumapit sakin kaya naman napaatras ako at napahawak sa sink.
TOK TOK!
Sabay kaming napalingon sa may pinto nang may kumatok.
