“Mama! Papa!” Hinila ng isang batang babae ang matandang babae at lalaki. Nagpunta sila sa isang madilim na lugar ngunit may liwanag na nanggagaling sa isang bahay na nakatayo sa sanga ng isang puno. “Look what I did!”
“Oh! It’s perfect!” sabi ng matandang babae.
“Yeah, our daughter is really talented!” sabi naman ng matandang lalaki.
“Let’s go inside, mama and papa!”
Akmang aakyat na sila ng puno nang biglang may lumabas na dalawang nilalang doon at dinampot ang batang babae. Bago pa man makagawa ng aksyon ang dalawang matanda, nakaalis na yung dalawang nilalang na nakaitim.
“Shit!”
Isang malakas na kalabog ang gumising sa akin. Nalaglag ako sa kama ko, putangina! Ang weird naman kasi ng panaginip ko, may mga powers!
“Hoy, hoy!” Ops. Ang Kuya kong halimaw! “May pasok ka pa.”
Tumayo ako sa pagkakasalampak sa sahig at saka umupo sa kama.
“Oo. Alam ko naman, e.” Tiningnan ko siya. “Pero Kuya, ang weird lang ng mga napapanaginipan ko these past few days.”
Umupo siya sa tabi ko at umakbay sa akin.
“Ano? Na gumanda ka? Naku, ’wag ka nang mangarap!” Hinampas ko ang kamay niya at inalis ang pagkakaakbay.
“Hindi ko na kailangang mangarap maging maganda, matagal na ’kong maganda!”
Tumawa siya at kinurot ako sa magkabilang pisngi. “That’s my sis!”
Hinampas ko ang kamay niya at inalis sa pisngi ko. “Ano ba! Masakit!” Inirapan ko siya at pabagsak na humiga sa kama. “Pero, Kuya, seryoso. Halos araw-araw, iisang mukha lang ang napapanaginipan ko. Isang batang babae. May powers.” Kumunot ang noo ko, pilit inaalala ang mga napanaginipan ko. “Kuya, nakita ko, gumawa siya ng bahay na gawa sa bula.”
Umupo ako sa kama at saka ako tumingin kay Kuya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa...
“HAHAHAHAHA! Bahay na gawa sa bula? Shabu pa, Light!!” Tawa lang siya nang tawa. Tangina! Akala ko naman kung anong sasabihin niya. “Teka! ‘Wag mo nang iniiba ang usapan. Maligo ka na at may pasok ka pa!” Tinulak tulak niya pa ako patayo. Napakamot na lang ako ng ulo sa inis.
“Magdalena!” Tumakbo ako papalapit sa babaeng payat at mayroong hanggang bewang na buhok. “Anong nangyari sa’yo? Ba’t ka umiiyak?”
“W—Wala lang ’to, Light. Hayaan mo na ako.” Nagpunas siya ng luha at pilit na ngumiti. “Halika sa chapel. May sasabihin ako.”
Okay? Ngayon lang sumeryoso itong si Magda. Anong nakain niya? At bakit nga ba siya umiiyak?
Nakarating kami sa chapel nang walang imikan.
“Light, may aaminin ako sa ’yo.” Napataas ako ng kilay at bahagyang napalayo sa kanya. Natibo na ata siya sakin eh.
“H—Hoy, Magda!” Lumayo pa ako sa kanya. “Hindi tayo talo! Alam kong maganda ako, pero magpakababae ka naman! ’Wag ako, iba na lang!”
Nagulat naman ako nung bigla siyang tumawa. Gaga din ’to, e, nasa chapel kami pero kung maka-halakhak parang nasa kalye lang.
“Namo! Lalaki ang gusto ko!” Hinampas hampas niya pa ako. “Sayang ang ganda ko kung magiging tibo lang ako!”
Inismiran ko lang siya. Ano ba kasing aaminin niya?
“Hindi, Light, ganito kasi ’yan.” Hinihintay ko lang siyang magsalita ulit. “Isa akong wizard at kailangan ko nang umalis dito sa Mortal World.”
![](https://img.wattpad.com/cover/11796251-288-k580144.jpg)
BINABASA MO ANG
Badass Wizard [NOW ON DREAME]
FantasyMatuklasan kaya ni Light ang tunay niyang pagkatao? Abangan ang paglalakbay niya tungo sa katotohanan! [Unedited]