Three

8.5K 254 4
                                    

LIGHT’S POV

Pinunasan ko ang luha ko na patuloy pa din sa pag-agos sa mukha ko.

Mahal na mahal na mahal kita, Kuya. Hindi man kita maalala, mahal pa din kita. Kuya, maghihiganti ako.”

Pinilit kong pigilan ang pag-iyak ko pero hindi ko kaya. Pahikbi hikbi pa ako.

“Kuya Dark, ipaghihiganti kita. Saan man ako mapadpad, tandaan mo, mahal na mahal kita at mahahanap ko ang hustisya. Alam ko, hindi tao ang nasa likod ng pagkamatay mo.”

Hindi ko pa man lubusang maalala ang totoong Kuya ko, pero ramdam ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Pangako, Kuya, babalik ako. At kapag nakabalik ako, isa lang ang ibig sabihin ‘nun..” Tumayo ako at nagpagpag. “Mission accomplish.”

Sinulyapan ko ang nitso ng ilang segundo.

Dark Deryl Ariano

Born on January 9 **

Died on September 12 **

Love and prayers.

Paalam, Kuya.

Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang naglakad palabas ng sementeryo. Nasaan na ba si Kuya Rocky? Sabi niya saglit lang siya eh.

Pero natigilan ako nang may nakita ako sa may gate na isang lalaking nakasandal sa pader habang humihithit ng yosi. Naka-itim ito, mula ulo hanggang paa.

Napaatras naman ako nang bigla siyang napatingin sa akin. Nagtama ang mga paningin namin at malakas ang pakiramdam ko na kakilala ko siya.

Ilang sandali pa, naramdaman ko na ang malakas na hangin na papalapit sa akin. And in just a blink of an eye, nasa harapan ko na siya.

Hindi ako makagalaw. Natatakot ako sa taong nasa harapan ko ngayon.

Magkikita ulit tayo.” Napakalamig ng boses niya at feeling ko mawawalan ako ng hininga any time. Nanghihina ang mga tuhod ko. Mapupunta ka sa poder ko....Light.”

At sa isang kisapmata, nawala na ang lalaki sa harapan ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang..kilala ko siya.

“Light, ayos ka lang ba? Inom ka muna ng kape oh.”

Di, sige. Ayos lang ako.”

Naglakad na kami nang sabay. Iniisip ko pa din ‘yung kanina. Sasabihin ko ba kay Kuya Rocky o hindi?

Siguro, hindi na. Hindi naman ako nasaktan eh. Tsaka baka mag-alala lang siya.

**

Nandito ako ngayon sa loob ng isang academy. Pinag-libot muna ako ni Kuya Rocky habang kinakausap daw niya ‘yung Principal.

“Fire!”

Napatalon ako nang may sumigaw mula sa likuran ko. Nilingon ko iyon at nakita ang isang pamilyar na mukha. Hindi pala, apat sila na pamilyar ang mukha sakin.

Badass Wizard [NOW ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon