Two

10.2K 298 20
                                        

LIGHT’S POV

“Light Dreich Ariano.”

“Present.”

Umalis na ang prof namin pagkatapos mag-attendance. Ang tatamad!

Pero ayos lang. May magic na naman kasing nangyari sakin. ‘Yung itim na panyo, bigla na lang nawala. Ang alam ko talaga, inilagay ko lang iyon sa may side table ko. Pero paggising ko, wala na! Wala naman pumapasok sa kwarto ko, ah? Si Kuya lang, pero para lang gisingin ako! Hindi ‘yun nangingialam ng mga gamit ko.

Naglakad na ako palabas ng classroom. Mahaba ang vacant namin ngayon kasi nga maagang umalis si prof.

Nagpunta naman ako sa field para magpahangin. Ang sarap humiga sa damuhan ngayon eh. Sana lang walang naglalaro doon.

Pagdating ko, wala nga. Sobrang swerte ko naman ata?

Umupo ako sa ilalim ng isang puno at sumandal doon. Pumikit ako para umidlip pero pagpikit ko, apoy ang bumungad sa akin. Nananaginip ba ako?

Aaah!!” Napasigaw ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ramdam ko ang apoy na nanunuot sa kalamnan ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko kaya.

Nilamon na ako ng apoy at unti unting nawawala ang sakit. Hindi na ako napapaso at parang wala lang na nasusunog ako.

At doon, naimulat ko ang mga mata ko at hingal na hingal ako.

Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon.

Panyo oh,” Inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang lalaking nakangiti sa akin habang may inaabot na pulang panyo. Pawis na pawis ka eh. Pagod ka ata.”

Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kanya at inabot ang pulang panyo. Ipinunas ko ito sa namumuong pawis sa noo ko.

“Hindi. Nanaginip kasi ako. Anyway, thanks.”

Pangalawang lalaki na siya na nagbigay ng panyo sa akin. Itatago ko ang panyo na ‘to. Kapag nawala, may kababalaghan na talagang nangyayari.

Walang anuman.” Sabay ngiti ulit niya. Nakaka-relax ang ngiti ng lalaking ito. “Facing your fear is the best way to be brave.” Marahan na kinurot niya ang pisngi ko, Sige, Light, aalis na ako.”

T–Teka. Tinawag niya ba ako sa pangalan ko?

Bago ko pa siya mapigilan, mabilis na siyang nawala sa paningin ko. Masyado ata akong natulala.

Tss. Ba’t ba sobrang tamlay ng araw ko ngayon? Iba pala talaga kapag hindi ko kasama si Magda.

Tumayo na ako at naglakad papuntang cafeteria. Ayoko nang matulog. Baka kasi masunog na naman ako sa panaginip ko.

Umupo ako sa pinakamalapit na table. Tinatamad akong mag-order. Ano ba ‘yan. (-___-")

*boogsh!*

Pabalibag na bumukas ang pinto sa cafeteria. Naglingunan lahat ng estudyante, pati nga ako eh.

Iniluwa nito ang isang grupo ng mga lalaki. Apat na miyembro at isang leader na may iba’t ibang aura. Mayabang, maangas, cool ang hula kong ugali niya sa likod ng maamong mukha niya. May itim at light na aura siya. (Labo ‘no?)

Badass Wizard [NOW ON DREAME]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon