8.Dinner

15 0 0
                                    

"Hi Suzzane, Salamat sa pagsama mo sakin dito ha." Nagulat ako ng biglang magsalita tong lalake na to sa likod ko. Natutulog na kasi ang mga bata at tinitignan ko sila.

Uuwi narin kasi kame 7pm na kasi. Ang sarap ng tulog ng mga bata. Mukhang napagod sa kakalaro at kakakaen mghapon. Papano itong Nerd na to ngpadeliver naman Mcdonalds para sa meryenda tapos Jollibee uli nun hapunan. Hindi na nga ako nakakain kasi pinakain ko yun ibang mga bata.

"Okay. Buti naman at nagustuhan mo ang mga bata kahit makukulit." Sagot ko sakanya. Magpapaalam na kame kay Sister para makauwi na. 2Hours pa kasi ang byahe namin baka gabihin kame.

"Sister, aalis na po kame. Baka gabihin na kame sa byahe." Paalam ko kina Sister's

"Salamat Van. magiingat kayo ni Zacharee sa daan. Salamat Iho napasaya niyo ang mga bata. Sana makadalaw kapa dito." Sagot naman ni Sister Theresa.

"Ay wala pong problema Sister. Pag hindi po ako naging busy dadalawin ko po ang mga bata." Medyo nahihiyang sagot ni ZAchyy.

"Sige po Sister alis na kame."

"Pwede ba ako ulit dumalaw sa mga bata?" Tanong sakin ni Zachyy habang nasa byahe kame. .

"Basta ba hindi sila magugutom eh." Pagsang ayon ko sakanya. Mabuti narin yun kasi ako lang ang bumibisita sakanila.

Ayaw kasi nila Dolly sumama. Nakukulitan daw sila sa mga bata. Kaya ayun minsan nagdodonate nalang din sila ng mga laruan at kung ano ano pa. Basta hindi sila pupinta dun.

"Salamat Suzzane."

Hindi nalang ako sumagot sakanya at nagsoundtrip nalang ulit para makatulog.

Ayoko kasi siya kausapin eh. Ewan ko nawiwierduhan ako sakanya. Tapos parang kakaiba siya kausap.

Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng gutom. TInignan ko ang relo ko. Grabe 10pm na pala.

"Kuya, Natraffic ba tayo?" Tanong ko sa driver. Tulog kasi tong katabi ko eh. Mukhang napagod rin kanina..

"Opo mam. Pero medyo malapit na po tayo sa Condo niyo." Sagot ni kuya habang nakatingin parin ng deresto sa dinadaan namin.

"Kuya ano pong nangyari?" Tanong ko. Bigla nalang kasing huminto ang Van.

"ma'am, Sumabog po yun gulong."

HAy ano ba yan kung kelan naman malapit na kame nasiraan pa.

"Hoy Nerd. Gising. Hoy" Binatok batukan ko siya para magising siya. Oo batok talaga ang ginagawa ko sakanya. Hindi kalabit BATOOOKKK talaga.. hahaha

"Awww. Bakit?"

"Anong bakit?Bulok tong Van mo. Nasiraan tayo. Nagugutom nako eh. Mag tataxi nalang ako." Sabi ko sakanya sabay baba.

"Ay. wait hintay Suzzane. Sasamahan na kita."

"Kuya, Tawag nalang po kayo ng tulong. Tapos tawagan niyo nalang ako pag okay na. Hahatid ko lang si Suzzane."

"Wag na. Kaya ko naman umuwi magisa eh." Sagot ko habang nagaantay na may dumaan na taxi.

"Hindi. Sasamahan na kita. Gabi na kasi eh."

"Bahala ka. Nagugutom nako. Wala pa naman Restauramt dito. "

Psh. Hindi kasi ako nakakain na kanina. Gutom na talaga ako. Pagod kasi ako eh.

"Ano uhmm. Ipagluluto nalang kita ng pagkain sa Unit mo." Nahihiyang sabi ng apat na mata na to.

"Psh. wala pa ngan taxi eh. " Iritadong sabi ko.

Mr. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon