9. Tibok ng Puso

15 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa naamoy ko na pagkaen. Tinignan ko yun wall clock ko grabe 10A.m na pala..

Pero bitin pa rin yun tulog ko.

Pero teka, san ba yun mabango na yun.

Lumabas nako ng kwarto ko, at uhmmmm. Nakita ko si Adonis. HAHAHA

"HOY! Sino ka?Bakit nandito ka sa unit ko?" Wala pa akong mumug mumug at hilamos. Hahaha

At parang dahan dahan siyang humarap sakin.  Parang nagslow motion ang paligid lalo na ng nakaharap na siya sakin.

Oh meeeeen. Ano to?Bakit may gwapong nilalang dito? Hulog ng langit to ah.

Napapayum yum yum ako dito sa nakaharap ko.

"Ahhhh. Goodmorning Suzzane ako to si Zacharee. Nagluto nako ng breakfast mo. Sorry kung pinakelaman ko na tong ahhh. Kitchen mo ha."

Zacharee?? Zachyy? Nerd?? Wait.

Ngayon ko lang naalala oo nga pala dito ko siya pinatulog kagabi. Hay grabe nakalimutan ko na siya.

"Eh bakit nakahubad ka diyan?"

Papano naka apron lang siya tapos wala siyang suot na t-shirt ang puti niya. As in parang mas maputi pa siya sakin. Tapos sobrang kinis niya. Ang messy pa ng buhok niya mukhang bagong gising kasi hindi naka pomada. Hahaha Wala rin siyang suot na salamin.

"Ay. Sorry kasi nabasa nun naghilamos ako kanina. Pinapatuyo ko pa."

Natulalay ako sa katawan niya. Hindi naman kalakihan pero may katawan naman siya.

"Eh bakit wala kang salamin?" Nagtataka lang ako kasi laki siyang may suot ng glasses na malaki.

"Pag nagluluto kasi ako hindi talaga ako nagsasalamin. Kunin ko lang yun damit ko ha." sabay pasok niya sa C.r ko na malapit lang sa kusina.

Naghain nako kasi nagugutom narin ako.

"Uwi nako Suzzane. Nagpasundo nako sa driver." Sabi niya ng makalabas sa c.r nakasuot narin siya ng suot niyang damet kahapon.

"Breakfast ka muna. Ikaw nagluto tapos hindi ka kakaen" Alok ko sakanya.

Nakakahiya naman kasi kung hindi ko siya pakainin eh siya ang nagluto.

"Nakakahiya naman sayo." Nakatungo niyang sagot sakin.

"Alam mo ikaw para ka talagang timang. Naiinis ako sayo ha. Bakit ba palagi ka nalang nakatungo pagsumasagot ka sakin? Tsaka nahihiya ka diyan eh pinakelaman mo na nga tong kusina ko. Sarap mo talagang kutusan. Umupo kana diyan at kumain kung ayaw mong mabatukan kita diyan. Ang aga aga ginagalit mo ko." Mahabang litanya ko sakanya.

Wala na siyang sinagot sakin at umupo nalang sa tapat ko.

Tahimik ang kameng kumakain ng maisip kung magtanong sakanya.

"Hoy lalake. Bakit ba ganyan ka manamit? I mean bakit nerd ka? Eh mayaman ka naman." Tanong ko sakanya curious lang ako.

"Nakasanayan ko na kasi to."

"Alam mo magbago kana ng style mo para hindi kana binubully or inaasar."

"Eh ikaw nalang naman ang nambubully sakin. Simula nun pinagtangol mo ko wala ng nambubully sakin. Salamat ulit Suzzane ah." Sagot niya sakin tapos tumingin siya sa mga mata ko nun nagpasalamat siya 

Bat ganun parang bigla akong kinabahan sa tingin niyang yun. Bakit parang kakaiba? Natulala ako saglit sakanya. Natauhan lang ako ng marinig ko ang pagtunog ng kutsara niya sa plato.

Ano ba nangyayari sakin. Twice nakong natutulala sakanya ha.

"Una nako Suzzane nandiyan na yun driver ko. Maraming salamat uli ha. "

Paalam niya sakin. Hindi ko nalang siya sinagot at umupo na ako sa coach para manuod.

Bakit ganun ang bilis ng tibok ng puso ko kanina nun tumingin siya sa mga mata ko. Ano ba to.

"Hi Van, Kamusta naman ang date nyo ni Zach?" Bunggad sakin ni Dolly.

"Anong date? Sinamahan niya ang ako sa Orphanage no."

"Sus. Kunwari kapa diyan eh." Isa pa tong si Ashley.

"Buti nga yun Nerd na yun hindi maarte eh. Sumama sakin sa Orphanage nagalaga ng mga bata at nagpakain. Kayo niya diyan ang aarte niyo." Sabay irap ko sakanila.

Nandito na kasi kame sa classroom eh. Monday nanaman.

Mr. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon