10. Allergy

35 1 2
                                    

"Zach, sabay kana samin mag lunch?" Yaya ni Dolly kay Nerd. Sabay ngiti ng nakakaloko sakin.

"Nakakahiya naman ata sainyo." Sagot niya.

"Ano kaba okay lang. Sige na tara na" Sabay hatak ni Ashley sa kamay ni Nerd.

"Una na kayo. Nagtx si Mira na may pipirmahan ako sa office." Bago pa ako makatalikod sakanila eh hinila na nila ako pasakay sa sasakyan ni Ann.

"Wag ka ng maginarte diyan. Wala kang gagawin ngayon. Monday ngayon remember?hindi ka natanggap ng mga pipirmahan o ano pang mga commitment mo tuwing monday." Singit pa niya habang sinisiksik ako sa gitna nila ni Zachyy

"Fine." Wala na akong nagawa. Alam nila ang schedule ko ang mga ayaw ko sa trabaho.

Dapat iba nalang dinahilan ko eh. Ayaw ko kasi makasama to si Zachyy eh. Ewan ko ba bigla nalang akong kinakabahan pag nakikita ko siya o kaya nakakadikit ko yun braso niya pag magkatabi kame sa upuan sa classroom.

Hindi ko alam nangyayari sakin.

"Okay ka lang ba Suzzane?" Psh. Kahit kelan talaga panira ng moment to.

Ayaw ko nga siya makausap eh.

"Bakit mukha ba akong may sakit ha??"

"Bakit ang taray mo Van? Meron kaba ngayon?" -Dolly

"Im not in the mood." Totoo naman eh. Wala nako sa mood. Ayoko dumikit siya sakin. Ayoko tumingin siya sakin. Naiirita ako.

"Pwede ba wag ka ngang dumikit. Naiirita ako." Pag susungit ko sakanya pano biglang huminto si Ann

"Sorry."

NAkakainis talaga. Promise O.A na kung O.A ha. Ayoko talaga siyang dumidikit sakin.

Kumakain na kame ngayon dito sa Vikings.

"Hoy, bakit ang sungit mo kay Zach? Wala naman ginagawang masama sayo yun tao ah." Bulong sakin ni Ann

"Naiirita ako sakanya. Ayoko siyang kasama o dumudikit sakin. Idunno why." Sagot ko sakanya sabay subo ulit ng kinakaen ko.

Wala talaga ako sa mood kaya hindi ako nakipagsabayan sakanila sa mga kwentuhan. Masaya naman sila na kakwentuhan ang Nerd na yun.

Nakita ko siyang tumayo at pumunta ng Restroom.

Alam ko na. Pagtritripan ko nalang siya. Hahaha

Nilagyan ko yun pagkaen niya ng maraming toyo at milk yun sa soup niya. Hindi naman halata yun eh. Hahahaha

Ano kayang lasa nun. Yun tatlo naman hindi na nagulat sa ginawa ko kasi sanay na sila mga kung ano anong nilalagay ko sa pagkain niya.

"Yuck naman Van soysauce at milk. Anong lasa niyan?" Maarteng tanong sakin ni Ann.

"Edi tikman mo para malaman mo.haha" sagot ko sakanya. Nilagyan ko rin ng maraming pepper. Para maanghang.

Nakita ko na siyang pabalik kaya umayus nako ng upo. HAHAAHA

Aantayin kong humigop siya ng soup niya. Medyo black kasi yun soup namin kaya hindi naman halata kung lagyan ko ng soysauce.

Nakita kong humigop na siya ng suop niya.

Hahahaa. Nakakatawa yun reaction ng mukha nita eh.

"HAHAHAHAHAHA." malakas na tawa ko

"Ano nilagay mo dito sa soup ko Suzzane? Bakit ganto na lasa nito?" Nakangiwi niyang tanong sakin. Ang dame kayang pepper na nilagay ko dun kaya maanghang yun. Tapos my milk pa at soysauce.

"Gatas, paminta at toyo." Sagot ko sakanya habang iniisa isa ko ng taas yun mga sinagot ko sakanya.

Maya maya namumula na siya. Galit ba siya??

"Oh my gaaad. Zacharee galit kaba kay Van?Grabe pulang pula ka" nagaalalang tanong ni Ann yun dalawa naman nakatingin lang sakin.

"may gatas??? Nilagyan mo ng gatas yun sabaw ko?" Natataranta niyabg tanong sakin.

Pero normal parin naman siya kahit pulang pula na siya. Walang halong galit ang tingin at pagtatanong niya sakin. Pero bakit grabe siya mamula.

"Oo nilagyan ko yan ng Gatas, Milk sa english."

"Allergy ako sa gatas. Mauna nako sainyo. Pupunta lang akong hospital." Sabi niya sabay mabilis na tumayo at naglakad palabas ng restaurant.

"Hala ka Van allergy pala yun tao dun sa nilagay mo. Yari ka baka kung anong mangyari dun." Sabi ni Ashley na halatang nagaalala.

Hindi nako sumagot at tumayo nako para sundan siya. Hindi ko naman kasi alam na allergy siya dun eh.

Yan kasi bully pa Van. Tumakbo ako hinanap ko siya. Nakita ko siyang nagaabang ng taxi habang kamot na ng kamot.

"Zachyy, samahan na kita sa hospital." Firstime ko siyang tawagin ganun.

Kaya ng narinig niya parang nabigla siya at nagulat.

Buti nalang may huminto na na taxi kaya hinila ko na siya papasok sa loob.

"Sorry ha." Sabi ko sakanya. Parang bigla akong naguilty eh.

Hindi siya sagot sakin kaya tinignan ko siya. Geez nakuha pa niyang matulog sa lagay na yan. Akala ko ba allergy siya??

Nun dumating na kame sa hospital ginigising ko siya pero hindi siya gumigising.

"Hoy Nerd ano ba? Gumising ka na nga diyan nandito na tayo sa hospital." Niyuyugyug ko na siya. Pero wala rin. Pinagttripan ba ako nitong nerd na to.

"Mam, baka naman po nawalan na ng malay yan boyfriend niyo " huh?? Boyfriend?

"Kuya tumawag ka sa emergcy baka nga nahimatay na to."

Dali dali naman lumabas yun drivee at nanghingi ng tulong.

May dukating na dalawang lalakeng nurse at tinulungan siya ilagay sa wheelchair

"Kuya oh bayad. Tsaka hindi ko siya boyfriend." Binigyan ko yun driver ng 500 tapos tumakbo nako dun sa emergency room na

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon