FB - Chapter 7 [The one who cry]

45 7 0
                                    

SEYANNE'S POV

Nakakapagod ang maging OFTS President, takbo doon takbo dito. Asikaso dito pati doon. Type sa laptop pati sa desktop. Nandito ako ngayon sa labas ng school sa may gilid ng daan. 

5am palang naman ng umaga wala pang masyadong estudyante. Nang makita ko ang taong mahal ko kasama ang taong mahal niya.

Dadaan sila sa harap ko, sabay silang nagjojogging sa umaga. Napatingin si Henry sakin.

[A/N : Dahil nagpaubaya na ko, Si Henry Lau ng Super Junior ang kapartner ko. Hehe]

"Oh Anne ang aga mo naman!" sabi ni Henry sakin habang nakatingin sila ni Pink sakin. Pangalan ng girlfriend niya.

"Ah, may inaasikaso ako e. Malapit na kasi ang Starter Festival diba?" sabi ko sakanya. Tumayo na ko at sumakay sa skateboard ko. Oo, yun ang ginagamit ko kapag pumapasok.

Sinimulan kong iatras ang isang paa ko at inabante para umusad. Tinignan ko sila sa likuran, wala na sila. Nagpatuloy na ko maglibot, maya maya nako babalik sa school.

Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan na kinagulat ko, hinayaan ko lang. Gustong gusto ko pinapanood ang ulan nakakawala ng stress, yung pagbagsak ng mga patak na ulan sinasama ko doon lahat ng pagod at stress na meron ako.

Sa kasamaang palad, naout of balance ako at napapikit ako naghihintay ako na bumagsak ako pero hindi nararamdaman ko lang ang patak ng mga ulan sa mukha ko.

Minulat ko ang mga mata ko, nakita ko si Henry na nakaharap sakin at nasapo niya ko. 

"I love you.." nasabi ko. Na ikinagulat ni Henry na mas kinagulat ko. At agad akong umalis sa bisig niya at inaayos ang uniform ko. 

"Anong sabi mo Anne?" tanong niya sakin. Na nagpahinto ng puso ko. 

"MATAGAL NA KITANG GUSTO! HINDI PALA GUSTO MAHAL NA MAHAL! HINDI MO BA NAPAPANSIN YUN! IWANAN MO NA SI PINK! AKO NALANG ANG MAHALIN MO!" Sabi ko pero sa isip ko lang at nanatiling nasa isip ko yan.

"Oy Anne! " sabi niya sakin hindi pa rin ako nagsasalita.

Nilagay ang paa ko sa skateboard ko at sinimulan paandarin yun para makalayo sa kanya hindi ko alam saan ako papunta pero lalong lumakas ang ulan.

Nang bigla akong natumba uli dahil may nadaanan akong bato. Hinayaan ko lang ang sarili ko, hinayaan ko na iiyak ko ang lahat. Bakit ko nga ba mahal ang isang taong may mahal na?

Alam ko Arrange Marriage lang sila, pero matagal ng gusto ni Henry si Pink kaya sobrang saya niya ng nalaman niya yun. Kaya alam ko yung mga bagay na yun dahil dati kong bestfriend si Henry pero dahil sobrang selosa ni Pink iniwan ako sa ere ni Henry.

Iniwan niya kong nagiisa, kaya lagi akong nagiisa kung hindi ako sinasamahan ng EXO madalas si Baekhyun lang ang kasama ko.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggat may nakita akong kamay na nasa harapan ko. Hindi ko siya makita dahil sa ulan.

"Sino ka?" tanong ko. Nang bigla kong nakita ang malinaw kung sino yun. At napasigaw ako at nagkaroon ng saya sa puso ko.

"BAMBAM! Ikaw ba yan! Namiss kita sobra!" 

FLOWER BOYS ft. EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon