FB - Chapter 9.5 [Kill you~]

47 3 1
                                    

VENUS' POV

Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung nasaan si Papa, Natatakot na ko na baka hindi siya umuwi. Isang mensahe nalang ang nakita ko sa kwarto niya.

Venus,

Venus, pumunta ako sa isang lugar upang may tapusin lang doon. Babalik din si Papa, sa ngayon ikaw muna ang magturo sa mga estudyante ko. Kung ayaw mo naiintindihan ko. Nagiwan ako kay Tita mo , kung nakapagisip ka na na humabol pa sa university ha? Mahal na mahal kita.

Papa.

Nung nabasa ko yun, tumulo ang luha ko. Alam ko hindi siya umalis, kinuha siya kinuha siya ng mga hindi namin kilalang tao. Natakot ako ng gabi na yun nang nakita ko.

Nang may dumating na estudyante ni Papa kaya nagayos ako. Wala naman mangyayari kung magmumukmuk ako dito. Sa pagtuturo ko sa mga estudyante ni Papa atleast maytatraining ako at hahanapin ko si Papa.

Nakita ko yung mukhang panda na lalaki dahil sa eyebags niya. Lagi ko siyang nakikita siya ang madalas na turuan ni Papa.

""Sino ka?"  tanong niya. sakin .Hindi na ko sumagot, dumiretso nalang ako.

"Ako muna magtuturo sayo. Dahil wala si Master Li."  ang sabi ko sa kanya at halatang natatawa siya sa sinabi ko.

"Seryoso ka?HAHAHAHA" tanong niya, na binigyan ko naman na seryosong titig "..Pero teka seryoso ka nga?" tumigil siya sa pagtawa. Natakot siguro.

"Anak ako ni Master Li. Simulan na natin dahil may klase pa ko. Kung hindi lang dahil kay Papa hindi naman kita tuturuan e." sabi ko sakanya. Kung hindi ko lang kailangan iligtas ang Papa ko. Hindi ko naman tuturuan to e.

"Tuturuan mo ko?" tanong niya na medyo nakangisi. Ang yabang ng lalake na'to! Kala mo sinong magaling.

"Hindi!"  sagot ko at pumorma na naghahamon ng laban. Ang daming satsat ng lalake nato.

"Come on! Sure ka?" pagkatapos niyang sabihin yan. Lumapit na ko at sinimulan ang pagatake.

FLOWER BOYS ft. EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon