FB - Chapter 10 [The fangirl]

52 5 2
                                    

Allana's POV

It's first day of Starter Festival, ang haba ng preparation ano? Hahaha eto ako ngayon nagseserve naisipan kasi na Cafe Restaraunt ang gawin namin.

Junior Student ako, hindi ako masasabing matalino ako pero nasa top 5 ako lagi. Nang napatingin ako sa labas dahil may mga maingay na dumadaan.

"Pare saan niyo gusto mauna sa mga restaurant?" tanong nung isang matangkad na lalake na nakasuot ng jersey number 23 yun kung hindi ako nagkakamali.

"Pare dito muna ako sa Cafe, tinatapos ko pa yung lecture ko." sabi ni Mr. 10 na nagpatigil ng puso ko.

Papasok na siya, ayan na bubuksan na niya yung pinto, nahawakan na niya yung hawakan itutulak nalang niya ng biglang...

"ANO BA! DI KA NAGIINGAT!" Sigaw ng isang babae sakin, kilala ko siya dati ko siyang bestfriend si Athena. 

"Sorry Athena." sabi ko habang pinupunasan yung natapong kape sa kanya. Nakawhite tshirt pa naman siya.

"Just go! Arrghh. KAILAN TALAGA DI KANA NASANAY! TANGA KA PA DIN HANGGANG NGAYON." Sabi niya sakin, oo bestfriend kami dati yun pero iniwan niya ko simula ng maging sikat na siya di lang sa school, kahit sa labas pa ng school.

Tumakbo ako sa kusina ng Cafe, at niyakap ko ang mga tuhod ko. Doon ko nilabas ang galit ko! Nakakalungkot kasi bakit iniwan mo kami Lay! Iniwan din ako ni Athena ako nalang ang nagiisang humahawak sa pangako natin tatlo.

Biglang may bumungad na panyo sa mukha ko, "Hindi ko alam bakit nalungkot ako nung nakita kitang umiiyak, bigla nalang sinabi ng puso ko na puntahan kita." sabi ni Mr. 10 or sasabihin ko na si Lay, ang dati ko din bestfriend.

Hindi ko alam kung kinalimutan nila ako, pero bakit hindi ako kilala ni Lay. 

"Kasi nakakaawa ako?" sabi ko sakanya, at tumayo inaayos ang damit ko punas ng luha ako ngiti na uli. Yan tayo e.

"Hindi, kasi parang importante ka sa buhay ko pero wala akong maalala." sabi niya at siya na nagpunas sa luha ko gamit ang panyo niya.

FLOWER BOYS ft. EXOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon