H&Y Chapter 2

43 2 1
                                    


Kinusot ko muna ang mga mata ko bago bumangon,Tiningnan ko ang oras 5:45 am

Ngayon ang first day of class ko sa 3rd year, at nagaaral ako sa unibersidad ng quezon
Ramdam ko pa din ang puyat at pagod dahil sa nangyari kagabi ,tiningnan ko ang itsura ko sa salamin .pugto pa din ang mga mata ko kaiiyak kagabi,.Pagkatapos ko kasi umuwe pinagalitan pa ako dito sa bahay kaya grabe ang haggard ng lola niyo!,

Binuksan ko na ang pinto para pumunta sa bahay ng mga lola ko,dito kasi ako tumutuloy sa bahay mga pinsan ko para samahan ang lola ko sa tuhod na tinatawag kong inay ngayon
Magisa lang siya dito kaya kelangan samahan lalo na't madalas itong lumayas sa bahay,natatakot kami baka di na ito bumalik

Ang Pinsan ko naman pumunta ng ibang bansa para doon magaral kasama niya don and daddy at mommy niya,kaya sakin inihabilin ang bahay nila..
Oh diba!e ano pa bang hihilingin mo dito sa bahay nato malaki kwarto,malaki ang veranda,malaki ang sala,malaki ang guest room,malaki ang cr,at malaki ang dining area,Mamahalin pa mga gamit
May sarili akong kwarto sa bahay na ito kaya gusto ko lagi dito
Hindi naman sa ayaw ko sa mga lola ko pero mas malaki talaga ang bahay dito bagaman doon ay sakto lang ang laki ng bahay namin ay sementado naman

Madali naman para sakin ang magpabalik balik doon at dito dahil magkatapat lang ang bahay at iisa lang ang lupang tinatayuan,Lupa pa din ito ng pinsan ko...
O diba lahat sa pinsan ko

Pero di ko talaga maiwasan isipin yung kagabi eh,pinipilit ko pa din maging masaya kahit hindi madali para sakin

'biruin mo yon,niloko at pinagtabuyan ka pa ng mga taong laging kasama mo?'
Hindi talaga lahat totoo,yung iba nagpapakaplastic lang

Pupunta na ko sa kabilang bahay para kumain ng umagahan
Habang naliligo ako naiisip kong di pa den ako iniimikan ng lola ko
Tsk pano ba to?!hindi pa naman ako
Sanay mag sorry,feeling ko pag nagsosorry ako nakakabawas ng tapang sa sarili kaya di nalang talaga ako umimik kaya ayon in the end kuha kuha na lang ng baon sa mesa ang eksena ng lola niyo at isinilid sa pitaka ko

'hindi din naman ako matitiis ng lola ko kahit ganon yon love na love ko yon,at kahit minsan sa tanang buhay ko hindi ko pa siya sinasagot at sinisigawan di katulad ng ginagawa ng ibang bata ngayon sa mga magulang nila'

Kay lolo nalang ako nagpaalam,
Hindi naman naging matagal ang paghintay ko sa service ko dahil dumating agad ito at mabilis na naihatid ako sa eskwelahan

On the way nako papunta sa gymnasium ng makasalubong ko si thena

"thena!"tawag ko dito pero nagtuloy tuloy lang ito sa paglalakad

Tinawag ko ulit siya
"athena marie!"mas malakas pang tawag ko pero parang wala pa din siyang narinig

'sige wag kang lumingon sinasabi ko sayo babatuhin talaga kita'

"jessa athena marie!" pero hindi pa din ito lumingon at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad

'badtrip'

Galit pa din siguro siya dahil mas pinili kong sumali sa grupo nina naiza at iwan siya na mas matagal ko ng nakasama

Oo kaibigan ko si athena simula pa lang 1st year kami kaya diko maiwasan ang magalala sa nararamdan niya

'ano ba yan haistra di ka man lang ba magsosorry?'

E hindi nga ako marunong magsorry!anong magagawa ko

Humabol na lang ako sa kanya at sinabayan siya maglakad

"hey!"sabi ko sa kanya

Tumingin lang siya saken ng walang emosiyon at itinuon nalang ulit sa daan ang kaniyang paningin

You Are The Reason ( A Tragic Lovestory Part1)Where stories live. Discover now