Jazer's povHinahanap ko yung babaeng nakasayaw ko nung isang gabi sa bar
Nagsinungaling ako kina coude ang totoo sa babaeng yun ako makikipagkita hindi kay dad
Ng gabing makasayaw ko ang babaeng yun sa bar pinagalitan ako ni dad ng makadating ako sa bahay ng lasing
Pinatulungan nila ako pati nina lolo,nakakabwiset sila,ang iingay nila kaya bumalik akong muli sa bar para asarin pa silang lalo
Bumalik ako sa loob ng mall at hinanap yung babae,nakachat ko siya at tinanong kung pwedeng magkita kami,pumayag naman siya pero sa isang kondisyon daw kondisyong hanapin ang librong hindi ko naman malaman kung anong itsura at pamagat dahil hindi niya sinabi
At yun din ang kailangan kong itanong sa kaniya
'jusko ang daming libro sa mundo,pano ko mahahanap yung pinapahanap niya?kung hindi ko lang siya type hehe'
Hinanap ko siya sa loob ng mall at ng makita ko siya ay agad ko siyang nilapitan ng may ngiti sa labi
Nakaupo siya sa labas ng isang restaurant habang nakayuko sa mga palad,nakasuot lang siya ng brown plain t-shirt habang naka tact in sa maikling shorts niya,may nakapulupot sa bewang niyang bag na maliit
Hinawakan ko siya sa balikat,napatingala naman siya sakin
"hi!"ngiti ko sa kaniya
Ngumiti din siya sa akin at tumayo"bakit parang problemado ka ata?haha"tanong ko
"a-ah h-haha hindi"aniya at kamot ulo
"kain muna tayo?"
"ahh h-hindi na magaabala ka pa tiyaka busog pa naman ako kaya okay lang"aniya
"sure ka?"
"y-ye--"
*glok *glok *glokMuli siyang kumamot sa kaniyang ulo
"h-hehe wag mong intindihin yan masiyadong matakaw lang tong alaga ko kaya gusto ulit kumain haha"aniya
"wag ka na mahiya tiyaka gutom na din naman ako eh sabayan mo na ako"sabi ko
"w-wag na!"aniya
"okay lang talaga wag kana mahiya "ngiti ko sa kaniya
"s-sige pero sandali lang din ah may trabaho din kasi ako eh"
"trabaho?hindi ka na nagaaral"
"uhm,ahh...working student"
Nagtuloy kami sa paghahanap ng resto makakainan
"buti hindi ka nahihirapan pagsabayin"
"ahm hindi naman dun na ako sinanay eh"
Tumango tango nalang ako
Ng marating namin ang restaurant na napili namin ay agad kaming umorder ng pagkain
"yung sa libro nga pala na tinutukoy mo nung isang gabi san ko matatagpuan?anong kwento,itsura at pamagat,author and san under ng publishing?"
"ah yon?wag mo na intindihin yon mahahanap ko din yun"
Tumaas ang isang kilay ko"sige lang sabibin mo lang i can help you"
"okay lang talaga,tiyaka mahihirapan ka sa paghahanap non"
Inihain ng waiter ang mga putahe at habang sumasadok siya ay nagkwekwentuhan pa din kami
"mahihirapan ako,tsh kahit ano pang libro yan kayang kaya ko hanapin haha"sabi ko sa kaniya
YOU ARE READING
You Are The Reason ( A Tragic Lovestory Part1)
Mistério / SuspenseKaysarap makita ang malalayang ibong Lumilipad sa himpapawid,kasabay ng kanilang mga huni na tila masaya sa buhay na mayroon sila,ramdam ko ang hangin na yumayakap sa aking katawan,maiinit na luhang pumapatak sa aking mga pisngi nandito ako sa pili...