Sabado ngayon, at syempre may date ako ngayon, mag fo-four years narin kasi kami ng boyfriend ko which is today september 26, 20**. At dahil maganda ako, nag ayos na ako sa sarili ko, pumunta ako sa mall, bumili ng dress, nagpasalon at syempre light make-up lang. Confident nako na maganda ako.
Napagkasunduan namin pupunta siya sa bahay mga als syete sa gabi, at dahil nga sa medyo maaga pa naman, nagmuni muni muna ako.
PHONE RIINGS, *LALALALALALAL~*
"Hello?" sagot ko sa kabilang linya, unknown number yumg makatatak sa phone ko.
"Ah, hello rin po, eto ba si Jessa Rie Maglasang?" tanong sa kabilang linya, babae siya, nako patay, ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang may masamang nangyari, hindi think positive ka nga Rie nega much?
"A-ah? Ah, Oo ako nga ito bakit po?" pano kung stalker ko pala ito? Tapos papuntahin ako sa isang abundadong building? Tapos irerape ako? Tapos ibebenta yung lamang loob ko? OHW HINDEEEEE! ANNIVERSARRY NAMIN NI Danilo ngayon, Lord wag naman po sana!
"Hello? Hello? Ahm nakikinig po ba kayo?" abnormal siguro ako no?
"Ah oo, may sinabi po ba kayo? Sorry hindi ako nakinig."
"SABI KO YUNG BOYFRIEND MO MISS NASA HOSPITAL, DEAD ON ARRIVAL." te-teka? A-ano?
"PO? IMPOSSIBLE HO IYAN1 HINDI PO YAN YUNG NILO KO." sigaw ko sa kabilang linya, grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Shit! Think positive Rie, hindi ka iiwan ng Nilo mo.
"Miss, uminahon ka muna punata kanalang po sa Luke's Hospital" at binabaan na ako ni ale.
Wala na akong paki sa itsura ko, dumiritso na ako sa hospital. Nakita ko sila Mama at Papa mga magulang ni Nilo, oh hindi. Ayokoo! Ayoko. AYOKONG MANIWALA NA INIWAN NA AKO NI NILO.
"Mama, Papa" patakbo ako sa kanila ng lumuluha, kasi naman si Mama eh, umiiyak at nakayakap kay Papa.
"Oh, Rie anak, andito ka na pala" ngiti ni papa, at alam kong hindi totoo yung ngiting iyon.
"Opo papa" sagot ko sabay yakap kay Mama. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.
"NILOOOO, DI MO NAMNA AKO IIWAN DIBA? NILO NAMAN YUNG MGA PANGAKO MO NA DI MO AKO IIWAN TUPARIN MO, NANGAKO KA. HUWAG MONG SIRAIN NILOOOO!" hikbi lang ako ng hikbi habang sinisigaw iyon.
"RIE GISING NANAGINIP KA, RIEEEEE" napadilat namna ako ng nakita ko si Nilo na nag alala sa akin, hindi na ako nag alinglangan pa niyakap ko siya ng sobrang higpit na para bang wala ng bukas? Buti nalang panaginip lang iyon. HIndi ko kayang mawala si Nilo sa piling ko. Hindi ko kaya!
"Riee, okay ka lang? May masakit ba? Ano ba kasi yung napaginipan mo?" iyak ng iyak lang ako habang natrap sa arms niya. Hindi ko siya sinagot ayokong malaman niya, baka magkakatotoo.
"Rie, boyfriend mo ako, kaya kitang protektahan kaya sabihin mo ano ba yung pinaginipan mo? Bakit ka iyak ng iyak? Nasasaktan ka ba?" napabitaw ako sa yakap niya kasi tumaas na yung boses niya.
"Nilo, hindi ka namna mawawala sa piling ko diba? Diba? Hindi mo naman sisirain yung mga pangako natin diba? Hindi mo naman siguro ako iiwan sa ere diba? at higit sa lahat hindi ka naman mambabae diba?"
"Oo naman Rie,una sa lahat MAHAL NA MAHAL KAYA KITA JESSA RIE MAGLASANG hinding hindi kita iiwan, kaya kitang protektahan, hinding hindi rin ako mambabae, hinding hindi ko rin sisirain yung mga pangako ko. Diba nakaukit yun sa kahoy na DaRie Infinity and Beyond? kaya sabihin mo na sa akin kung ano man ang napanaginipan mo please?" pagmamakaawa niya sa akin na tila malapit na siyang iiyak. Konting push nalang iiyak na to eh, iyaking yung boyfriend ko.