CHAPTER 2

24 1 0
                                    

CHAPTER 2

"Fire,wag na nating ituloy hehehe"sabi ko sa kanya


"Loko 'to.Naandito na tayo.Ikaw na ngang tinutulungan e"


Kinakabahan talaga ako dito sa pinasok namin.Letche naman talaga oh.


Nasa taxi kami ni Fire at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.


"Miss naandito na po tayo"sabi nung driver.Nagbayad naman si Fire at lumabas na kami.Nakita ko ang isang maliit na parang office.Para nga lang siyang bahay e.May maliit din na sign board duon sa pintuan nila.Hindi din gaano matao sa lugar na'to.


Sa totoo lang natatakot talaga ako.


"Here we are.Pasok na"sabi niya sabay tulak sakin


"Letche.Ba't mo'ko tinutulak?"inis na aniya ko.Gusto ko sana siyang sigawan e.


"Duh ikaw kaya may kailangan.Bilis pasok"at tinulak niya ulit ako.Muktikan pa masubsob ang mukha ko sa pinto buti na lang at nabuksan ko.


Napanganga ako ng makitang puro lalaki ang nasa loob.Napatingin sila saamin.Damn.Bakit puro sila lalaki?


Trabaho ba 'to?Bat walang computer?


Lahat sila ay nagsicellphone at may kanya kanyang pwesto.Para ngang nasa bahay lang sila.


"Ano pong kailangan niyo Miss?"napatigil ang pagtingin ko sa mga kalalakihan na nakatingin din saamin feeling ko nga ay nanigas ako dahil sa tingin nila sakin.Well.Alam kong maganda ako.



Hindi rin lahat ay may taglay na kagwapuhan.Kinukuha kaya sila?


"Ahh mag r-rerenta po ako?"patanong at utal na sabi ko.Hehehe.Kaya nga ako naandito para rumenta.Wala bang common sense to si Kuya?


"Ay oo nga"sabi nung lalaki na sa tingin ko ay nasa fourty years old.


"Ako nga pala si Raven Jon Cruz.Ako ang president at nagmamay ari ng BOY FOR RENT"pagpapakilala niya sakin kaya tumango lang ako.


Ngayon ko lang napansin na siya lang ang may table at mga papel sa harap.Hanggang sa may kinuha siyang papel at ibinigay saakin


"Twenty thousand for two months.Basahin mo na lang yan at kung approved ka ipapahanda ko na ang available"nudaw?Available?Bakit mauubusan na ba sila?


Tinignan ko ang binigay niya sakin.Isang kontrata.



BOY FOR RENT CONTRACT

I AM _____ WILL RENT A BOY WHO'S NAME IS _____ AND I WILL RETURN HIM AFTER __ MONTH/S.

PLEASE READ THE FOLLOWING:

•TWENTY THOUSAND FOR TWO MONTHS 
•FREE TO CHOOSE A BOY YOU LIKE
•YOUR FREE TO HAVE A RULE WITH HIM
•YOUR FREE TO DO ANYTHING TO HIM BUT PLEASE...DON'T KILL HIM
•HIS ATTITUDE IS YOUR PROBLEM
ONCE THE CONTRACT END...HE'S NO MORE AVAILABLE TO YOU

__________
APPLICANT SIGNATURE

__________
BOY FOR RENT SIGNATURE


Aww ganun?Mukhang okay naman?Ganun lang kadali?Grabe.Unbelievable.Dapat ba talaga akong maniwala.


"Wag kang mag alala miss.Itong negosyo namin ay safe.Wala pang namamatay na costumer dito hahaha.Mukha mang mga KRIMINAL ang iba dyan ay matitino naman yan hehehe"sabi ni Mr.Cruz kaya napatingin ako sa kanya.


"GWAPO KO KAYA"sigaw ng isang lalaki na matalim na nakatingin dito kay Mr.Cruz.


Hindi siya ganuon kapangit.May itsura naman siya kaya nga lang ay mahaba ang buhok.Ayuko ng ganun.


Hanggang sa nakarinig ako ng humahagikhik.Si Fire,nalapitan ng lalaki.Gusto ko sanang ipasalvage yung lalaki kaya nga lang ay may problema pa ako.


"So?"tanong ni Mr.Cruz saakin na hinihintay ang desisyon ko.


Para kay Fire at sa sarili ko


"Rerenta ako.Pang three months sana.Thirty thousand?"aniya ko sa kanya.Sana pumayag siya.


Buti na lang at may naipon akong pera.

"Okay.Thirty thousand.Tatawagin ko lang ang pagpipilian mo tapos tsaka mo na yan pirmahan.It is okay?"tanong niya sakin kaya tumango naman ako



"Umupo ka na muna"napansin kong may upuan pala dito kaya naupo muna ako


Inilibot ko ang paningin ko.Para silang mga batang naglalaro.Really?Ganito ba talaga sila?Trabaho ba din to?


Hanggang sa may lumabas na apat na lalaki.Mga nasa bente ang lalaki na naandito.Katulad ng sabi ko kanina ay kakaunti lang ang di gaanong gwapo.


Mukhang okay naman to.


"Bess,gusto ko din atang rumenta hahaha"narinig kong sabi ni Fire na nasa tabi ko na


"Isusumbong kita kay Tita"sabi ko sa kanya.Bigla naman niya akong inirapan.Wow!


"Duh.Kaya ka nga sinabihan ni Tita na magboyfriend dahil pinagkakalaman niya tayo.Bahala ka.Gusto ko ako din"sabi ko


"Bahala ka"pinabayaan ko na lang siya


May tinawagan si Mr.Cruz sa telepono.Pinapapunta na yung mga lalaking dapat na pagpilian ko.


"Kuya,available ba yung lalaking kausap ko?"tanong ni Fire dun sa lalaki.Tinignan siya ni Mr.Cruz at bigla na lang nanlaki ang mata niya.Bakit?


"Gusto mo yun?Naku!Wag na.Kaya hindi na siya available"ayaw niya kaya hindi na available?Ganun yun?


Nagtataka lang talaga ako ng sobra.Ang weird nila.


"Oh naandyan na pala kayo"sabi ni Mr.Cruz sa limang dating na lalaki.


"Wait ano nga palang pangalan mo iha?"

"Ako si Gianelle Zahra Dominguez"sabi ko sa kanya

"Oh Ms.Dominguez pwede ka ng pumili sa kanila para nakapirma na kayo ng kontrata"tumingin ako sa limang lalaki.Hindi ko alam kung sinasadya ba to o hindi.

Iisa lang kasi ang may itsura—I mean gwapo.At ang cute niya dahil bagay sa kanua ang kulay ng buhok niya.Kulay abo ang buhok at makinis ang mukha.Maputi,matangkad,kissable lips at mukhang mayaman kaso ang seryoso ng mukha.Pakiramdam ko tuloy ay galit siya.

"Mukhang alam ko na kung ang nagustuhan mo...Tara dito Rade"tawag niya sa isa sa mga lalaki duon

"Ito ba ang gusto mo?"tanong niya sakin ng makalapit ang lalaking tinitigan ko kanina lang.

Hindi na ako tatanggi dahil ang apat na natira ay siguradong hindi magugustuhan ni Mom.Hindi ko sinasabing mukha silang adik pero parang ganun na nga...


"Ah yes"agad na sabi ko


"Okay.At kayong apat na adik mag silayas na kayo dito"sabi ni Mr.Cruz


"Grabe ka naman samin,boss"kamot ulong sabi nung isa sa apat.Pinanlakihan sila ng mata ni Mr.Cruz.Parang gusto ko tuloy matawa hahaha.


At yun nga.Umalis na yung apat.At binaling sa amin ang atensyon niya.


"Introduce yourself to each other"utos ni Mr.Cruz

"Im Gianelle Zahra Dominguez.You can call me Zie.I rent a boy like you to be my fake boyfriend.I dont want to do this but I need to.And It's nice to meet you.Sana maganda ang serbisyo mo"napabuntong hininga ako


"Im Foster Blade Smith.I will do my best for this damn fcking work"aniya saka matalim na tumingin sakin

Ugh?Anyare?Bat ganun siya?


Gwapo na sana e....mukhang masungit at palamura lang.

BOY FOR RENT | ON-GOINGWhere stories live. Discover now