Chapter One

14 1 0
                                    

 Orion's POV

"Welcome Home asawa ko!"

Isang unggoy ang bumungad sa akin sa tarangkahan nang bahay. Isang nagsasalitang unggoy na may nakakasulasok na pagmumukha. Inirapan ko siya sabay lagpas sa kanya at nang nasa pintuan na ako ay hinarangan niya uli ako. I looked at her and rolled my eyes.

" Wala ka bang kasweet sweet sa katawan hah?! Ganyan mo ba babatiin ang asawa mo?!" sigaw niya sabay tutok nang kutsilyo sa akin.

" Asawa? Sorry to disappoint you pero kahit pinirmahan ko ang papel na iyon I wouldn't consider you as my wife," ani ko sabay tulak sa kanya paalis sa pintuan.

" Ouch! Napakaharsh mo naman asawa ko! But anyways since lilipat ka na sa bahay natin ay araw araw na tayong magkasama. 24 Hours a day! Kyaah! Hindi ba napakasweet nang Lolo mo para regaluhan tayo nang sarili nating bahay?" ani niya.

I ignored her at tumingin sa kabuuan nang bahay. Malaki nga ang bahay as expected from that old man. Pero hindi ko lang masikmurang makakasama ko rito ang baliw na unggoy na ito.

" Hey, isn't it perfect? Napakalawak nang bahay para paglaruan nang magiging anak na-," hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya nang batuhin ko siya nang bag ko. Sinalo naman niya iyon at saka ngumiti.

" Para sa akin ba ito?" nakangiting tanong niya.

" Hindi. Dalhin mo iyan sa kwarto ko pati na rin ang mga maleta ko," ani ko. Nakakunot-noo itong tumingin sa akin.

" T-teka... ang lalaki nang mga maleta mo ah. Hindi ko iyan kayang iakyat sa kwarto mo," pagrereklamo niya.

" So nagrereklamo ka? " ani ko ss kanya. Bigla siyang ngumiti at saka lumapit sa akin.

" Basta para sa iyo asawa ko gagawin ko. Baka napagod ka sa biyahe? Marunong akong mamasahe," ani niya sabay hawak sa braso ko at minasahe iyon. I pushed her away at saka umakyat na sa kwarto ko.

Salamat naman at dalawang kwarto ang nandito kaso magkaharap lang ang kwarto namin. Pumasok ako sa kwarto sa may gawing kanan. Binuksan ko iyon at bumungad sa akin ang mga makukulay na desinyo. Ang sakit sa mata nang mga palamuting nakalagay sa dingding.

" Hindi ba ang ganda nang ginawa kong disenyo sa kwarto mo, asawa ko?" sabi nang unggoy sa tabi ko. I took a deep breathe at saka tinitigan siya.

" Let's make everything clear. From now on, titira ako sa bahay na ito but don't expect na tutulong ako sa mga gawain sa bahay. You will do all the household chores," ani ko.

" Yes asawa ko. No problem!" ani niya sabay taas nang sleeves nang kanyang damit para ipakita ang patpatin nitong braso and I rolled my eyes.

" Ayoko rin nang pinapakialaman ang mga gamit ko. Since we're going to attend the same school, ayokong malaman nila na nakatira tayo sa iisang bahay. Is that clear?" tanong ko.

" Huh?! Wala namang masama kung malalaman nila ah," ani niya kaya tiningnan ko siya nang seryoso.

"If you're going to tell about it sa kahit sino sa eskwelahan, you're dead," ani ko.

" C-clear!" sagot niya sabay salute sa akin na para bang isang sundalo. Ngumiti siya at saka ipinakita ang mga maleta ko sa likuran niya.

" Tutulongan na kita sa pag-aayos nang kwarto mo asawa ko,"masigla nitong sabi sabay hila nang mga maleta ko. Bago pa ito makapasok sa kwarto ko ay hinila ko ang collar nang damit niya.

" And lastly, hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ko," sabi ko. Kinalkal ko ang tape sa bag at naglagay nang linya sa sahig.

"Nakikita mo ba ang linyang ito? Hindi ka pwedeng lumagpas rito. Kahit isang hibla nang buhok mo, balahibo maski anino mo ay hindi pwedeng lumagpas sa linyang ito,"seryosong sabi ko sa kanya.

" Hah?! Asawa mo ako! Gagawin ko ang gusto ko dahil bahay ko rin ito!" matapang niyang sagot. Tiningnan ko siya. Yong bang tingin na nakakamatay.

" Ikaw naman asawa ko, masusunod!" masigla niyang sabi. Kinuha ko ang mga maleta ko at ipinasok ito sa kwarto ko. I was about to close the door nang iharang niya ang paa niya.

" By the way, kung may kailangan ka, tawagin mo lang ako and I'll always be there for you asaw----ARAYY!!" Inipakan ko ang paa niyang ipinangharang niya.

" Don't ever call me " asawa mo"," sabi ko at nang alisin niya ang paa niya ay isinara ko ang pintuan.

Damn that marriage! I'm only 20 but pinilit na ako ni Lolo na ipakasal. Ayos lang naman sa akin kung sino mang babae ang papakasalan ko pero ang unggoy na iyon?! Mas pipiliin ko pang tumanda mag-isa huwag lang pakasalan ang babaeng iyon. Magkakilala ang pamilya namin dahil partners sila sa business. Madalas kami magkita sa mga gatherings and when we were 11 ay magkasama kaming naging flower girl at ring bearer sa isang kasal. Doon kami naging close until such time na nagkacrush ako sa kanya. Thinking about it right now, nakakasuka. I developed feelings towards her and ganoon din siya. Hanggang sa nangako kami na pagtongtung namin sa edad na bente ay magpapakasal kami. I even remembered na magkahawak-kamay kaming humarap sa mga pamilya namin at sinabi naming magpapakasal kami at age 20. Pinagkasundo nga kami nang lolo ko at nang parents niya. But that was then, nagtransfer ako sa States after that and I studied there. I haven't heard anything about her after I left and just last year ay ipinaalala sa akin ni lolo ang sinabi kong pagpapakasal sa kanya.

And they were f*cking serious about what I have said about me marrying her. Sinabi kong bata pa ako nang mga panahong sinabi ko iyon but they never listened. At total daw ay bilang na ang araw ni lolo ay gusto niyang makita ang kaiisa isang apo nitong lalaki na ikasal. I objected pero sadyang tinatakot ako ni lolo na magpapakamatay daw ito kung tatangihan ko ang pagpapakasal kaya wala na akong nagawa.

And the reason why I don't want to marry her was napakapossessive at talkative niya and she's definitely not my type.


By the way, I'm Orion.

We Got Married!Where stories live. Discover now