Chapter Two

9 0 0
                                    

Fern's POV

" Will you marry me?" tanong sa akin ni Orion habang nakaluhod. Maluhaluha akong nagtakip nang bibig at saka tumingin sa paligid.
Naroon lahat nang mga taong nagmamahal sa akin-ang pamilya ko at ang mga malapit kong mga kaibigan.

" Say Yes!" sigaw nang pinsan ko.

Umiiyak rin ang parents ko habang nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. I took a deep breathe at saka tiningnan si Orion.

" YES I DO!" Sigaw ko at niyakap niya ako.

" Kiss! Kiss!" sigaw nang mga tao sa paligid. Ngumiti ako kay Orion at saka pinikit ko ang mga mata ko. I was waiting for Orion to kiss me nang maramdaman kong tumama ang nguso ko sa isang matigas na bagay.

Nahulog pala ako sa kama ko at nauna ang mukha kong tumama sa sahig. Naman oh! Ang sarap sarap pa naman nang panaginip ko! Hahalikan na sana ako nang asawa ko eh! Nakakainis!

Tumayo ako at bumalik sa pagkakahiga sa kama ko. Itutuloy ko ang panaginip ko baka sakaling halikan na ako ni Orion kahit sa panaginip lang.

AHHHH!

Napabalikwas ako nang bangon nang maalala kong may klase pa pala ako. Juiceko naman oh! Napatingin ako sa alarmclock ko at mukhang naubos na ang batterya nito dahil hindi na ito gumagalaw.

I searched for my phone and I found it under my bed. Paano napunta ito rito?! I checked for the time at alas siete na. Oh sheyt! Late na ako sa first class ko.

Si Orion!

Dali dali akong tumakbo palabas sa kwarto ko at nadatnan kong nakakandado na ang kwarto niya.

Nakakainis siya! Bakit hindi niya ako ginising?! Lagot ka talaga sa aking Orion ka!!

Hindi na ako naligo at nagpalit na lamang nang school uniform. Ikinandado ko na ang bahay at tumakbo palabas.

Tingin sa kanan.

Tingin sa kaliwa.

Tingin sa kanan.

Tingin uli sa kaliwa.

Uwaahh!! Saan nga ulit ang daan papunta sa eskwelahan?! Kasi naman eh bago pa.lang ako sa lugar na ito! Si Orion kaya? Alam ba niya ang daan papuntang eskwelahan?!

Bahala na. Tumakbo ako pakaliwa at naghintay nang bus. Salamat naman at saktong may lumabas na bus kaya pumasok ako kaagad at umupo.

" Manong pakihinto po sa tapat nang Westville High," ani ko sa kundoktor. Tinaasan niya ako nang kilay sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"Pasensiya na Miss pero maling bus yata ang sinakyan mo. Sa kabilang kanto pa ang sakayan papunta roon,"ani noong konduktor.

Uwaahhh!!! Agad agad kong pinahinto ang bus at tumakbo pabalik sa kabilang kanto. Naghintay ako nang sampung minuto at saka dumating na ang bus. Agad agad akong pumasok at napanganga lang dahil sobrang nagsiksikan na sa loob nang bus. Labinlimang minuto rin akong nakatayo sa bus at dahil hindi ako naligo ay ramdam kong basang basa na ang kilikili ko. Mabuti na lang at gumamit ako nang pabango para at least kahit haggard ay smelling good ako.

Bumaba ako sa bus nang pawisan at dahil nakakandado na ang gate ay wala akong choice kundi akyatin ang pader nang school sa likuran. Punyemas na palda to oh! Nakita kong busy ang guard sa pagpapasquat nang mga kasama kong late. Hindi niya ako napansin kung kaya binilisan ko ang pagtakbo papasok sa building. Sa 3rd floor pa ang classroom ko kung kaya mas minabuti kong gumamit nang elevator. Naghintay ako nang ilang minuto at napatingin sa orasan nang cellphone ko. 8:49 na at huling huli na ako sa unang klase ko. Pagkabukas nang elevator ay sumakay agad ako at pinindot ang 3rd floor. Pagkatapos kong pindutin ay napatingin ako sa katabi kong lalaki. Dadalawa lang pala kami sa loob nang elevator at mukhang late din siya. Ilang sandali lang ay dumating na ako sa 3rd floor at patakbo akong pumunta sa klase ko. Nang nasa may pintuan na ako ay bumukas ang pintuan.

" Mukhang ang aga aga mo para sa susunod na klase mo Miss Sarmiento," sarkastikong sabi nong English teacher ko. Inirapan niya ako bago umalis. Pumasok ako sa classroom ko at saka umupo sa upuan ko. Ilang sandali lang ay bumukas uli ang pintuan at bumungad sa akin ang mukha nang Math Teacher ko kasama ang napakagwapo kong asawa. Oo nga pala, transferee siya rito sa eskwelahang pinapasukan ko. Galing siya sa States at unang araw nang klase niya ngayon. Late enrollee nga pala siya. Nakapagtataka lang at hindi man lang niya ako hinintay para sabay kaming pumasok.

" Attention everyone!" ani nang Math Teacher namin. Tumahimik kaming lahat at saka tumingin sa harapan. Nakatayo lang ang asawa ko at napakagwapo niyang tingnan sa suot nitong uniporme. Kyaahh!!

" I would like you to meet your new classmate, Orion Fontanilla," ani noong Math Teacher.

" Napakagwapo naman niya!"

" Another hot guy on my list!"

Naiinis ako sa mga naririnig ko mula sa mga babaeng nakaupo sa likuran ko kung kaya nilingon ko sila sabay tiningnan nang masama.

Orion is mine! Only mine!

Hindi man lang nagsalita si Orion at nang magtama ang mga mata namin ay kumaway ako. Umiwas siya nang tingin at dirediretsong umupo sa bakanteng upuan sa pinakalikod. Pinagtitinginan siya nang mga kaklase kong mga babae at dahil sa inis ko ay hinampas ko nang pagkalakas lakas ang upuan ko. Tumingin sa akin ang mga kaklase ko at pati na rin ang gwapo kong asawa.

"Pasensiya na hah. Marami kasing lamok," pagsisinungalin ko. Tumingin ako sa direksiyon niya at hindi na ito nakatingin sa akin. Ipinagpatuloy nang Math Teacher namin ang discussion. Naglabas ako nang notebook at pinunit ang huling pahina nito. Nagsulat ako roon at saka nilukot iyon. Binato ko iyon sa kanya at tinamaan siya sa ilong. Tinapunan niya ako nang masamang tingin at saka pinulot ang papel na ibinato ko sa kanya at ibinato niya ito sa Math Teacher naming nagsusulat sa pisara.

" Sinong walang hiyang bumato sa akin hah?!" sigaw nang teacher namin. Nagulat na lang ako nang ituro ako nang napakagwapo kong asawa.

"Miss Sarmiento! Lumabas ka at buhatin mo ang upuan mo sa hallway!!" sigaw noong teacher namin.

WTF?!

And you just met my Husband named Orion Fontanilla. Ten years ago nangako kami sa isat isa na magpapakasal kami pagkatungtong namin sa edad na 20. So sad nga lang dahil hindi ko siya nakasama habang nagdadalaga ako dahil pumunta itong US. Hindi niya ako nakitang gumanda. Noong mga panahong wala siya, I promised na hinding hindi ako magpapaligaw sa iba kung kaya lahat nang nanliligaw sa akin ay hindi ko sinasagot. Sa loob nang sampung taon ay siya lang ang hinintay ko dahil ramdam kong babalikan niya ako. And the day na malaman kong babalik siya, kahit nakapambahay pa ako ay sinalubong ko siya. But when I saw him, I know something was wrong. Hindi lang ang kasal namin ang dahilan kung bakit siya bumalik. There was a deeper reason kung bakit ito bumalik.

He also changed. Ibang iba na siya sa nakilala ko. He doesn't smile. He doesn't want to talk about his life sa States. At ayaw rin niyang ikasal sa akin. Maybe dahil nagbago na ang feelings niya towards me. Alam ko namang pinilit lang siya nang lolo niya at nakalimutan niya ang sumpaan namin. Pero hindi ako susuko gagawin ko ang lahat para ibalik ang dating Orion at kahit anong mangyayari sisiguraduhin kong mahuhulog uli siya sa akin. And that isn't too hard to do dahil nakatira na kami sa iisang bahay. 

We Got Married!Where stories live. Discover now