Chapter 1

10 1 0
                                    

Chapter 1: New School
Meilynne's POV

"Matagal pa ba tayo tita?" Tanong ni Meisha na halatang naiinip na. Hindi lang naman siya ang naiinip eh. Ako rin kaya.

"Malapit na tayo." Nakangiting sagot ni tita at patuloy sa pagdradrive. "Malapit na?! Tita naman eh. Yan yung palagi mong sinasagot kanina pa!" Inis na sigaw ko at inis na ibinaling ang tingin sa bintana ng kotse.

Nawawala na ata kami eh. Pano ba naman kasi, puro matataas na puno na ang nadadaanan namin. Dito ba yung new school namin? Sino ba ang baliw na nagtayo ng school sa gitna ng kagubatan?

"Hahaha... kumalma ka nga lang Meilynne. Naiinis ka na naman." Sabi ni tita at tumawa. Tsk. Kung hindi lang siya ang nagtakas sa amin sa tiyahin naming dragon eh kanina ko pa to binatukan.

"Ang tagal na kasi nating nagbyabyahe tita at saka nasa gitna tayo ng gubat. Tama pa ba tong daan?" Takang tanong ni Meisha.

"Oo, tama ang daan dito Meisha. Matulog na kaya muna kayo." Suggest ni tita kaya naparoll eyes ako. Hindi ako makatulog. Buti pa nga tong si Meizie, ang sarap ng tulog.

Kung nagtataka kayo, si tita Michelle ay kaibigan ni mama pero patay na siya. Naiwan kami dun sa tiyahin naming ate ni mama na si aunty Mikaela nung namatay si mama pero minamaltrato kami. Matagal ng patay si mama. Mga bata pa lang kami noon kaya never kaming nakaramdam ng pagmamahal ng isang magulang pero dahil kay tita Michelle ay naligtas kami sa impyernong yun.

Kilala na namin noon pa si tita Michelle. Takot nga sa kanya si aunty at pinagtatakpan yung mga kagaguhan niya pero nung nalaman ni tita Michelle na minamaltrato na pala kami ni aunty ay tinakas niya kami kagabi. Oo, kagabi niya lang nalaman. Magaling kasi yung aunty naming yun.

Tahimik lang ulit ang buong byahe at masasabi kong mag-iisang araw na kaming nagbyabyahe. Malapit na kasing mag-gabi eh nagsimula kaming magbyahe ng gabi.

Tsk. Asan bang lupalop ng mundo nakatayo yang hinayupak na school? Ang sakit na ng pwet ko eh.

Napatingin ako sa dalawa kong kapatid at nakita kong masarap na ang tulog nila. Isinandal ko na lang ang ulo ko sa bintana at tumingin sa labas.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Napatingin ako kay tita ng magtanong siya. Agad naman akong umiling bilang sagot.

"Don't worry. Malapit na talaga tayo." Sabi niya pa at pinagpatuloy ang pagdradrive. Hindi na lang ako nagsalita dahil sa pagod.

May nakita akong malaking puno na nakabend at parang umilaw siya kaya napaayos ako ng upo at tumingin ng mabuti sa harapan. Umiilaw?

"Tita, bakit parang umiilaw yung punong yun?" Tanong ko at itinuro yung punong nakabend sa daan.

"Namamalikmata ba ako?" Dagdag ko at sinampal ang sarili ko. "Hahaha... para kang baliw. Hindi ka namamalikmata. Talagang umiilaw yun." Nguso ni tita dun sa puno kaya napanganga ako.

Hindi ko alam pero nung makadaan kami dun ay parang may naramdaman akong pumasok kami sa portal pero hindi naman. Basta! Ang gulo!

Pero, parang nagbago kung nasaan kami. Yung kaninang gubat ay parang naging baryo kasi may mga bahay o gusali. Ganun eh.

Agad akong lumapit sa katabi kong bintana at pinagmasdan ang mga tao. Halatang pauwi na sila sa mga bahay nila.

Nasan kami?

Napatingin ako may tita ng ibinaba niya lahat ng bintana ng kotse kaya nagising si Meisha kasi nakasandal siya sa bintana.

"Nasan na tayo?" Tanong ni Meisha at kinusot yung mata niya at luminga-linga. Napanganga pa siya habang nakatingin sa labas.

Mahono AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon