Chapter 5

2 0 0
                                    

Chapter 5: Entrance Battle (Part 2)
Channel's POV

"Buti at sumabay kayo sa amin." Ngiti ni kuya Mizell saka sinubuan si ate Kiana na nagcecellphone.

"Wala naman talaga sa plano naming sumabay kaya lang ay pinilit kami ni Kiana." Sabi ni ate Meisha at sumubo.

Nandito kami sa pwesto namin dito sa Evaluation Stadium at kumakain. Nagpatake-out kami kasi tinatamad sina Niana at ate Kiana sa pagpunta sa castleteria.

"Ang galing ko di ba?" Ngiting tagumpay ni ate Kiana saka sinubo yung spoon ni kuya Mizell.

Ganyan talaga yang dalawang yan. Isang plato, isang spoon, isang fork, isang baso ang gamit. Share sila pero since tinatamad ako ay nakishare din ako kay Niana.

"Oh." Sabi niya saka isinubo sa akin yung spoon niya na may lamang pagkain.

"Alam niyo bang nag-indirect kiss kayo sa ginagawa niyo." Sabi ni ate Meizie sa akin at kay Niana.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Niana. Pati ako ay nacurious sa sinabi niya. "Hahaha... indirect kiss yang ginagawa niyo since naghalo ang laway niyo. Tignan niyo ba naman. Isang kutsara gamit niyo tapos pati baso. Kayo na ba?" Mahabang sabi ni ate Meizie.

"H-hindi." Napatawa naman ako ng namula si Niana. Masama siyang tumingin sa akin kaya inakbayan ko siya. "Kalma lang baby." Ngiti ko

"Sure ba kayong walang namamagitan sa inyo?" Tanong ni ate Meisha at sinubo yung ice cream niya.

Oo, tapos ng kumain sina ate Meisha, kuya Raze at kuya Yazwell. Secret lang natin ah pero malakas kumain sina kuya Yazwell at kuya Raze. Hahaha... secret lang.

"W-wala." Sagot ni Niana sa tanong ni ate Meisha kaya napatawa ako. "Parang gusto mong may namamagitan sa atin baby ah." Pang-aasar ko kaya namula ang pisngi niya. Hindi ko alam kung nakikilig ba siya o nagagalit na.

"Manahimik ka!" Sigaw niya kaya tumahimik ako pero nakasmirk pa rin. Ngayon lang sumigaw yan kaya nakakatuwa.

"Bakit ang tahimik mo Winter?" Napunta ang atensyon namin kina ate Winter at kuya Tyson.

Hindi siya binigyan ng atensyon ni ate Winter at patuloy lang sa pagkain kaya napatawa sina ate Meisha at ate Meizie.

"Kagabi pa yan hindi namamansin. Narinig niyo kasi yung usapan namin." Tawa ni ate Meizie.

"Manahimik ka." Naiinis na sambit ni ate Winter kaya mas lalong napatawa sina ate Meisha. Pati kami nina kuya Tyson, ate Kiana at kuya Mizell.

Tahimik lang si kuya Zyron pero masama ang tingin sa amin. Kagabi pa namin siya inaasar kay ate Winter kaya ayan, halos patayin na kami.

After a while ay tapos na kami at nagsisibalikan na ang mga estudyante dito. Umayos na rin kami ng upo.

"Bakit kasama nila ang Highest 8?"

"Hindi ba't sila yung kumalaban kila Madame Heilin?"

"Kakapal ng mukha ah."

"Feeling maganda kahit maganda naman talaga."

"I hate their guts."

"Don't listen to them." Sambit ni kuya Yazwell kina ate Meizie na nakababa na ang ulo. "Oo nga. Mga insecures lang sila ate. Wag kayong makinig." Sang-ayon ko kaya pilit silang ngumiti.

"Why are they here?" Mataray na tanong ni ate Wavy pero hindi kami sumagot.

"Wavy's asking. Why are they here?" Naiinis na ulit ni ate Heilin. "Shut up and sit." Utos ni kuya Raze kaya wala na silang nagawa kundi ang maupo.

Mahono AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon