Chapter 3

2 0 0
                                    

Chapter 3: Elites
Meisha's POV

Nakanguso naming sinundan ng tingin yung tinitignan ni Winter at nakitang nakatingin din sa amin yung naka-upo don.

Sila ba ang Rank 1-8? Napanguso ako at tumingin kay Winter na halatang natatakot ng tumingin sa kabilang table.

"Mamaya na tayo mag-usap. Kain muna tayo." Ngiti niya saka sumubo kaya naman sumunod kami kaya lang nakakailang ang tingin ng karamihan.

Nung tapos na kami ay agad kaming umalis dun. Nakakabwisit kasi yung mga titig nila eh.

"Oy!" Tawag ni Meizie kay Winter. "Hmm?" Hum ni Winter at nakatingin lang sa daan pabalik sa Dorm Building.

"Sila ba yung 1-8?" Tanong ni Meizie. Hindi na nakapagpigil ang dila niya. She's really curious pero I can't blame her. Pati din naman ako eh.

"Yep. Sila yung nasa kabilang table." Sagot ni Winter. "Magkwento ka naman about them." Pangungulit ko.

"Okay. So sila ang Highest 8 na anak ng mga reyna at hari so mga prinsesa at prinsipe sila except kay Zyron." Simula niya.

Astig! May reyna at hari? Mukhang exciting dito ah.

"Si Raze Civil ang pinakamataas sa lahat. Siya ang anak nina Reyna Kriza at Haring Raven. Kung napansin niyo, hindi siya palasalita at cold. Siya din yung naka-eyeglass. Masakit din yan kung magsalita, below the belt. Siya ang pinakamatalino at pinakamalakas dahil ang kapangyarihan niya ay ang apat na elemento."

"Apat na elemento? You mean fire, water, wind and earth?" Paninigurado ko. "Yep." Tanging sagot niya. Napanganga naman ako. Ang galing! Apat powers niya.

"Yung 2nd ay si Niana Roels, nakababatang kapatid ni Yazwell at tanging babaeng anak nina Reyna Yazmin at Haring Nikholai. Siya ang pinaka-bookworm sa kanila at tahimik. Mahirap siya iapproach kasi snob siya pero kahit na ganun ay marami pa ring nagkakagusto sa kanya. Weaponry naman ang powers niya."

"Weaponry?" Sabay na tanong namin ni Meizie habang tahimik lang na nakikinig si ate Meilynne.

"Yes. Weaponry. Mga weapons ang kapangyarihan niya. Masyadong mahirap iexplain pero makikita niyo rin naman yon at isa lang ang masasabi ko. Cool!" Excited na sabi ni Winter at tumalon-talo pa. Napatawa naman kami dahil sa cuteness niya pero sympre, hindi nakitawa si ate Meilynne. KJ eh.

"So yun na nga, ang 3rd ay si Yazwell Roels, ang kuya ni Niana. Cold din siya pero nagsasalita naman. Wala yang interest sa mga tao o nakapaligid sa kanya. Mabilis ding mainis at kapag nainis yun ay siguradong sementeryo ang bagsak mo." Napatayo naman ang balahibo ko sa buong katawan ko ng marinig ko yun. Ganun ba talaga siya?

"At ang powers niya ay parang yung ugali niya lang, Ice."

"Ang 4th ay si Mizell Kang na anak nina Reyna Zeirine at Haring Mikael. Siya rin ang boyfriend ni Kiana. Mabait, mahaba ang pasensya, teacher's pet. Kinagigiliwan siya ng lahat kasi nga gentleman kaya nga nagseselos sila kay Kiana eh. Wind ang powers niya."

"Ang 5th ay si Kiana Civil, Raze's sister and Mizell's girlfriend. May pagkachildlish siya at mataray pero naaayon naman ang pagmamayabang niya sa ganda niya. Mabilis lang yun mainis at selosa. Halos nga walang nakakalapit na babae kay Mizell eh. Pati lalaki eh wala. Water naman ang kapangyarihan niya."

"Channel Lavin is in the rank 6. Ang anak nina Reyna Charize at Haring Timothy. Babaero at loko-loko. Mahangin din siya pero totoo naman na gwapo siya. Masyado nga lang ikinakalat. Pinsan niya pala si Tyson. Earth is his powers."

"Sa 7th naman ay si Zyron my loves!" Winter said, kinikilig. Aba! Ang lande. Charot...

"Hahaha... so yun nga. Responsable siya, may pagkaloko-loko pero hindi naman masyado at gwapo. Hihihi..." Bungisngis ni Winter. Napatawa naman kami ni Meizie ng mahina.

"So ang powers niya ay smoke. Alam niyo ba ang cool niya kapag ginagamit niya ang kapangyarihan niya? Hihihi..."

"Next na!" Singhal ni ate Meilynne kaya naman napanguso si Winter pero hindi na lang umangal. Sungit talaga ni ate.

"And last, sa 8th ay si Tyson Lavin. Ang anak nina Reyna Sonia at Haring Tyron. Kagaya ni Channel ay loko-loko din siya at babaero. Syempre, mahangin din. Hahaha... mas mahangin nga lang kay Channel. Apoy ay kapangyarihan niya."

"Huwa! Ang cool!" Sabi ni Meizie ng makapasok na kami sa elevator. Magclo-close na sana ang pinto ng may humarang na kamay kaya mabilis na pinindot ni Winter yung open button.

Unti-unting ulit bumukas yung pinto at halos mapanganga ako ng makita kung sino ang mga yon.

"Can we join?" Tanong ni Niana. "Ah, s-sure." Nanginginig na sabi ni Winter. Halos mapatawa naman kami dahil sa kanya.

Pumasok silang walo at pinindot yung palapag nila. Tahimik lang kami ng biglang may tumawa.

Napatitig kami kay Kiana na tumatawa. "Hahaha... grabe! Bakit tense kayo?" Ngiti niya kaya naman napakagat ako sa labi. Kami ang nasa malapit sa pinto kasi kami ang unang lalabas.

"Hindi naman kami kumakain ng tao ah." Biro pa niya. "Hindi naman talaga pero pumapatay pwede." Bulong ni Meizie pero since hindi maingay ay rinig namin yun.

Kahit kailan talaga! Hindi na mapigilan ang bibig.

"Hahaha... pumapatay kami pero masasama lang." Ngiti ni Kiana. "So, pwede niyong patayin yung mga sumigaw kila ate?!" Excited na tanong ni Meizie.

"Meizie." Saway ko. Dada ng dada eh. Gosh! Ako ang nahihiya para sa kanya.

"Bakit?" Nakanguso niyang tanong. Tae! Nagpacute pa. Inirapan ko na lang siya at tumingin sa pinto.

Ting!

Buti at nandito na kami. Nakakatakot aura nila eh. Isali niyo pa si ate na bad mood.

Nauna ng lumabas si ate kaya sumunod na kami pero bago pa magsara ang pinto ng elevator ay sumigaw si Kiana.

"Winter! I love how you describe us a while ago and also, hindi ko alam na may gusto ka pala kay Zyron!" Sigaw niya kaya halos mamamatay na sa hiya at pamumula si Winter.

"Hahahaha..." Tawa namin ni Meizie at sumunod na sa dorm namin.

~♡~¤~♡~¤~♡~

Niana's POV

"Hahaha... grabe! Galing mo talaga Kiana!" Tawa ni Channel. Pati sina ate Kiana at kuya Tyson ay tumatawa. Si kuya Mizell naman ay umiiling lang.

"I'm sure mahihiya na yun ngayon." Sabi ni kuya Tyson. Napailing nalang din kami ni kuya Yazwell dahil sa kalokohan nila.

"Mga loko-loko!" Singhal ni kuya Mizell at inakbayan si ate Kiana na kanina pa nagtatampo. Umirap na lang si ate at tumahimik habang sina kuya Tyson at Channel ay inaasar si kuya Zyron.

Mahono AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon