Chapter 2

4 0 0
                                    

Chapter 2: Interested
Kiana's POV

"Hi Mizell!" Bati nung hinayupak na Wavy sa BOYFRIEND ko. Aba! Ang kapal ng mukha ng babaeng to ah! Hello! Nandito ang girlfriend.

Nakita kong napasulyap sa akin si Mizell at syempre, kunwari ay busy ako sa pagkain.

Sinasabi ko sayo Mizell. Ipapakain ko ng buo yang plato sayo kapag pinansin mo yung hinayupak na yan.

"Hi?" Medyo alinlanging bati ni Mizell. Aba! Alinlangin pa? Bakit hindi niya pa niyakap yung babaeng yun para bongga? Nahiya pa eh! Note the sarcasm.

"Anong ginagawa niyo dito? Pwede ba sa ibang table na kayo maghasik ng lagim?!" Okay! Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Gosh! Naiistress ang beauty ko.

"Bakit naman sa iba pa kami sasabay kung nanjan naman kayo hindi ba? At isa pa, part din naman kami ng Highest 11 ah." Pagpapacute nung higad na Wavy na hindi naman cute.

"Wag kang magpacute kasi hindi ka cute at isa pa para sa mga magaganda at gwapo lang ang table na to." Irap ko.

"Maganda naman kami ah!" Sabat ni Yolly. "Talaga? Eh bakit ngayon lang kayo nakasabay sa amin?" Ngisi ko kaya napatawa sina Tyson ag Channel. Kahit kailan talaga, tong magpinsan na to.

Nakita ko naman na nainsulto sila kaya napatayo si Heilin na may hawak na kape. "Let's go girls!" Yaya niya sa mga kaibigan niyang haliparot saka naglakad palayo pero bago pa man sila makaalis ay hinimas ni Wavy yung braso ni Mizell kaya pabagsak kong binaba ang kubyertos ko.

Bumelat pa sa akin ang higad saka humabol sa nga kaibigan niyang feeling queen. Masama akong tumingin sa likod niya saka kay Mizell na nakatingin sa akin.

"Anyare na naman sayo?" Nag-aalala niyang tanong. Masama ko siyang tinignan saka nagpatuloy sa pagkain.

"Hinalikan mo na sana. Nahiya ka pa." Sarcastic na sabi ko at sumubo. Nakakainis! Binati niya pa pabalik yung haliparot na yun eh katabi niya lang ako.

"Nagseselos ka na naman ba hon?" Tanong ni Mizell na may halong paglalambing. "Hon mo mukha mo!" Singhal ko sa kanya.

Susubo na sana ako ng marinig ko ang matinis na tili. Ghad! Sakit sa tenga ah.

Tumingin ako sa may bandang pinto para sana patahimikin si Heilin ng nakita kong may kaharap siyang apat na babae. Familiar yung isang girl pero hindi yung tatlo.

"Bakit ang familiar nung isang babae dun?" Tanong ni Zyron saka palihim na tinuro yung babaeng halatang natatakot na.

"She's our classmate. Winter Snow." Sabat ni Niana na hindi man lang tumingin sa amin at busy sa pagbabasa ng libro. Bookworm eh.

Tumingin ulit ako dun sa eksena. "Ano ba?! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ni Heilin na halatang nabuhusan ng kape na mainit.

"Sorry miss pe--"

"Anong sorry? You ruined my shirt?! Tatanga-tanga kasi eh!" Sigaw ni Heilin saka pilit na tinatanggal ang mantsa sa damit niya. Pati yung dalawang haliparot ay nakitulong na rin.

"Aba! Sumosobra ka na ata ah!" Sigaw sa kanya nung babaeng cute na maganda. Get's niyo?

"Anong sumosobra?! That friend of yours is tanga kasi kaya look at what happened?!" Sali ni Yolly sa eksena.

"She's not my friend!" Sigaw nung cute na babae. "Meilynne, tama na." Saway ni Winter at hinawakan pa ang braso nung cute na maganda na ang pangalan ata ay Meilynne.

Hindi siya pinansin nung Meilynne kaya napalinga-linga si Winter sa paligid at dumapo ang tingin niya sa amin. Nanlaki ang tingin niya nung makita kami which so cute at agad na sinaway yung mga kaibigan niya na hindi pa rin nakikinig.

Mahono AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon